Chapter 9

457 16 0
                                    

Ng matapos na maligo at magbihis ng maayos na damit ay lumabas ako ng kwarto para puntahan sa sala ang lalaking kanina pa naghihintay.

Pero napalingon na naman ako sa di kalayuang kwarto na may kulay asul na pinto. Ano kaya ang nasa loob nun? At kaninong kwarto naman yun?

"Hey, let's go." Napalingon ako sa lalaking kadarating lamang sa tabi ko at saglit kong nakita ang pagsulyap niya sa asul na kwarto bago ibalik sa'kin ang mukha niyang seryoso.

"K-kaninong kwarto yan?" Hindi ko napigilan ang magtanong.

"Let's go." Iniwas nito ang tingin at tinalikuran akong hindi sinasagit ang tanong ko tsaka na siya naunang maglakad. Napailing na lang ako ng wala sa sarili tsaka sumunod na kanya. Sino ba naman ako para kausapin ng maayos at sagutin ang tanong?

---

"Saan nga pala tayo pupunta?" Pagbabasag ko sa katahimikan na namayani sa pagitan  namin habang nagmamaneho siya.

"Mom's house." Maikling sagot nito habang nasa daan ang tingin, alangan namang sakin. Mabangga pa kami, mauna pa ako kay nanay.

"Ahh." Usal ko na lang at ibinalik sa daan ang tingin. "Whhaattt?!" Napabalik ako ng tingin sa kanya na ma-realize ang sinabi niya. Napa-english pa ako ng wala sa oras.

Umarko ang matinding kaba sa dibdib ko.

"I'll introduce you as my fiancé in front of their faces. I need to introduce you to them to get what I want in this family. And that's the company of my dad. Will you do that for me, Esther?" Malambing na saad nito.

"Nagiging malambing ka pag may kailangan ka, no?" Nanliliit ang matang sabi ko dito at tumawa naman ang kumag dahil nahuli.

"Bakit? Gusto mo bang malambing ako lagi? Baka pagsisihan mo."

Hindi ko na siya sinagot ng makuha ang sinasabi niya. Kamanyakan lang ata ang alam ng lalaking ito. Sumandal na'ko sa inuupuan ko tsaka napatingin sa labas.

Naalala ko ang sinabi niya kanina at hindi ko mapigilang balikan iyon. Ngayon niya lang ata ako tinawag sa pangalan ko o baka tinawag niya na ako noon pero nakalimutan ko lang. Ngunit nakaramdam ako ng kakaiba sa unang sinabi niya. Alam ko naman dati na ganito eh. Dahil sinabi na sakin ng ina niya, at dapat di na ako nagulat dito. Pero marinig lang mula sa kanya ang mga 'yon, nakakagulat na manggaling sakanya. Isa sa dahilan ng pagtutulak na makasal ang anak niya ay ang kompanya ng dating asawa nito. Dahil maaaring makuha ito ng mga kapatid ng ama ni Liam.

Pero bakit sa dinami-dami na ng naitulak ng ina niya sakanya, ako pa ang napili niyang ipakilala? Nahirapan tuloy ako.

"Esther?" Nabalik ang tingin ko sakanya, at sa oras na 'to ngayon ay nakatitig na pala siya sakin.

"O-oo." Pagpayag ko na.

Nilibot ko ang tingin ko sa labas ng maramdamang hindi na umaandar ang sasakyan at ngayon ko lang napansin na nasa harap na kami ng isang mansyon.

"It's settle, then. Let's go." Ngumiti siya ulit tsaka lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

Ang makitang ngumingiti ang mga tao ng dahil sayo ay nakakagaan ng loob. Pero may mga ngiting hindi totoo. Ngiting paaasahin ka. Ngiting papabayaan ka at tatalikuran ka na lang bigla dahil sa pagkakamaling hindi mo naman ginawa.

Umikot siya para pagbuksan ako na bago sa'kin. Hindi niya ako binubuksan ng pinto pero ngayon ay biglang bumait dahil may tagumpay na hinahawakan, at ang tagumpay na yun ay ako. Kapag nawala ako, mawawala ang lahat ng sakanya.

Bumbaba na ako at hawak kamay niya ako ng papasok na kami sa mansyong ito. Hindi tulad kanina na nakangiti siya dahil ang Liam na kasama ko ngayon ay walang makikitang kung anong emosyon, blangko.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now