Chapter 19

361 17 0
                                    

"L-liam..."

Sa isang iglap, parang pinagsisisihan ko na sinabi ko sakanya ang totoo... Na sana itinago ko na lang yun at umalis ng hindi niya nalalaman para hindi na humantong sa ganito.

Bakit parang ang sakit naman ata ng mga salitang yun? Basura nga ba talaga ako? Siguro nga ay tama siya.

"I waited you to tell me the truth. And whatever it is, I will accept you of who you are no matter what. But the fact that you use my happiness to broke me into pieces again? I can't and never fvcking accept you again..." Walang emosyon niyang sabi habang umiigting ang kanyang panga.

Pigil ang paghagulgol ko ng pinagtulungan pala nila akong ibulgar... Ang babaeng hindi ko inaasahang gagawa sakin ng ganito ay ang siyang mismo ang dahilan kung bakit nalaman ni Liam... Walang iba kundi si Ella.

"All this time. I was living with the most awarded liar." Sarkastiko siyang tumawa ng mahina ngunit mababahid dun ang galit.

"Liam, maniwala ka. Minahal kita!" Iyak kong sabi sakanya. Tanging yun na lang ang nasabi ko kasi sa isang iglap nawalan  ako ng mga salitang pwedeng ilabas sa bibig. Pero wala na e. Nasabi ko na lang kung ano yung nararamdaman ko. Hindi ko naman hihilingin na maniwala siya, ang akin lang ay masabi ko ang totoo kong nararamdaman para sa kanya.

Ang bobo, gaga at tanga ko.

Inangat ko ang tingin ko art ang tanging nakikita ko lang ay ang galit na galit na Liam at wasak na wasak

"Do you expect me to believe you? Liar. Yung proposal ko. Planado yun..." Ilang minutong katahimikan ng panghihina namin ng magsalita siya ulit.  "Esther fvck... You came to break me again and you're expecting me that I would believe you? Ganyan ka na ba kakapal? You came in my life to made me whole and complete again!  I already felt those broken pieces inside of me was being whole again! But all you do was to fvcking made me believe in your words and actions, that full of lies! You know in the first place that completing me was having a child but you use it to broke me into pieces again!" Mahabang galit na sigaw niya bago siya lumabas at naiwan akong luhaang mag-isa.

Nanghina ang katawan ko dahilan para mapaupo ako at humagulgol dahil ito lang naman ang magagawa ko. Sa kabila ng sakit ng mga masasakit na salitang sinabi niya tinatanggap ko. Dapat lang sa'kin yun. Sinungaling, tanga, at boba ako. Dapat lang sa'kin yun...

Napatingin ako sa kumikinang na bagay na nasa daliri ko na bumabagay sakin na puno ng kasinungalingan...

Inaasahan ko na, na mangyayari ito. Pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang sakit na idudulot nun sakin.

Akala ko ako lang ang nagsisinungaling dito... Akala ko totoo ang nangyayari sa dalampasigan... Akala ko totoo ang pagmamahal niya sa'kin... Akala ko tama na ako na hindi lang kompanya niya ang kailangan niya, kundi ako... Akala ko hindi siya mang-iiwan...Akala ko totoo ang lahat ng yun... Dahil sa mga akala kong yun ay dun ako kumakapit sa pag-asang kahit na masaktan ako dahil sa sarili kong  pagsisinungaling, wag lang akong masaktan sa mga sasabihin sakin ng lalaking mahal ko...

Wala akong karapatang magalit sakanya... Dahil all this time, ako lang naman ang dapat na sisihin at ang may karapatang pagalitan... Dahil kung hindi sakin ay walang masasaktan at walang mangyayaring ganito na kung saan galit na galit sakin ang taong mahal ko...

At sa pangalawang pagkakataon... May isang tao na namang hindi nakinig sa sasabihin ko... Siya ang pangatlong taong hindi man lang ako binigyan ng kahit ilang minuto o segundo lang para ipaglaban ang dapat kong ilaban para sa sarili ko... Ngunit paano ko pa sasabihin sa kanya gayung mas ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya ngayon? Naubusan na ako ng loob dahil alam ko, sa huli ay sarili ko lang ang makikinig sa'kin at wala ng iba.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now