Chapter 30

127 1 0
                                    

PATULOY na nagdadamdam si Esther ng biglang magsimulang umilaw ang kabahayan, lalong-lalo na ang mga maliliit na ilaw na nakapalibot sa dalamapsigan kung saan nandun siya. Kay gandang tingnan ng mga maliliit na ilaw na may iba't-iba ang kulay.
 
Galing sa pagkakaluhod ay tumayo si Esther na nakatingin sa mga ilaw na nagtataka.
 
Napatingin siya sa labas ng pinto ng mansyon ng umilaw yun at nakita niya sina Stefan, Curt, and Isaac na may hawak na mga instrumento. Nakayuko ang mga ito habang may isa-isang mikropono na nakaharap sa kanila. Sinimulan ni Isaac ang pag gitara na sinundan naman ni Stefan ng pag p-piano. At sa bawat kumpas ng kanilang kamay ay tila isang napakagandang tunog na madadala ka talaga sa emosyon. Napabaling ang tingin ni Esther kay Scott na nagsisimula ng kumanta ng walang boses.

"Hmmm..."
 
Bigla niyang naalala ang nangyari makaraan ang limang taon. Sa dalampasigan... Na kung saan doon nag propose sa kanya si Liam. At sila din ang kumanta, may nawala man pero may pumalit naman.
 
Naalala niya ang kantang, 'Will You Marry Me" na kinanta sa kanya noon. Kung noon ay may kumanta, ngayon ay naging instrumental na lamang.
 
Nanindig ang balahibo ni Esther sa di malamanang dahilan. Sa isang madilim na parte ay napatingin siya ng lumabas mula doon si Angelyn na jowa ni John. Bumalik ang kabang nadama niya kanina ng makita ang hawak ni Angelyn. Isang salita na nakaukit sa kulay puting balloon...
 
WILL.
 
Napatakip siya sa bibig ng lumabas si Ella sa pinanggalingan ni Angelyn at may hawak na isang salita. At yun ay-
 
YOU.
 
Nakangiting umiiyak si Ella na nakatingin kay Esther na hanggang ngayon ay naguguluhan sa pangyayari, at hindi pa din matanggap ng sistema niya na ganito ang mangyayari. Sinong lalaki ang mag-propose na hindi man lang gumawa ng paliwanag? Yun ang tanong ni Esther sa sarili ngunit hahayaan niyang mangyari ito hanggang sa masagot lahat ng mga katanungan niya.
 
Sunod na lumabas ay ang ina ni Liam na mas lalo niyang ikinalito lalo na't may hawak itong isang salita na kagaya ng kina Ella. Nakangiti ang ina ni Liam na nakatingin sa kanya na labis ang saya at may pasayaw-sayaw pang nalalaman na sinasabayan ang tugtog ng banda nina Stefan.
 
Natawa ng konti si Esther ng makita ang ginawa ng ina ng lalaking mahal niya na sumasayaw-sayaw. At may hawak na-
 
MARRY.
 
Sunod na lumabas ay si Greg na ikinatigil ni Esther ng makita ang batang may hawak na letrang.
 
M.
 
At nakapamulsa pa ang bata na walang emosyon na nakatingin sa kanya.
 
Dumaan ang sakit sa puso ni Esther ng makita ang batang lalaking yun... Naaalala niya sa bata ang mukha ni Greta. Nabuhay kaya ang anak nila? At kung buhay man, magagawa niya kayang tanggapin ang lalaking may pasimuno ng mga nangyayari ngayon?
 
Ngunit ang sakit na yun ay napalitan ng panlalambot ng puso ng makita niya ang anak niyang naglalakad habang may hawaka na letrang.
 
E.
 
Ngunit ng magkapantay ng linya si Greg at Leanne ay biglang nagbago ang ngiti ni Leanne na napalitan ng irap sa kay Greg at nakataas ang gilid ng kanyang labi na iniirapan.
 
Lumakas ang tibok ng puso ni Esther ng mapagtagpi-tagpi ang mga salitang hawak nila.
 
Will you marry me.
 
Bumuhos ang luha ni Esther ng makita ang lalaking may hawak ng bouquet na sariwang mga pula at puting rosas na pinaghalo.
 
Papalapit ng papalapit sa kanya si Liam habang palakas ng palakas naman ang tibok ng puso niya sa mga nangyayari.
 
Lalong-lalo na ng makita niya kung gaano ka pogi ang lalaking minahal niya matagal ng panahon.
 
Ng makalapit si Liam na ilang dangkal na lang ang layo nila ay inangat niya ang tingin dito dahil sa tumangkad ito lalo.
 
Hawak sa isang kamay ay isang magandang bouquet of roses ni Liam. Habang ang isa ay nakapamulsa. Kaya ang cool ng datingan niya.
 
"Again?" Bigla nitong saad sa harap ni Esther. Na mas lalong ikinagulo ng utak ni Esther.
 
"L-liam." May sasabihin sana si Esther, pero parang bigla siyang nawalan ng mga sasabihin at nakalimutan na lang yun. Dahil sa presensya ni Liam na kakaiba ang dala sa harapan niya.
 
"I love you, okay? I love you and Leanne."
 
"No. Liam. May anak ka-"
 
"He was Greta's son." Pagpuputol nito sa iba pa niyang sasabihin na siyang ikinatanga at pagtigil ng mundo ni Esther.
 
"B-buhay ang a-anak-"
 
"No. Greg was Greta's son. Nung bumalik siya ay buntis na siya nun. I'm not the father of her son."
 
"Anong pinagsasabi mo"
 
"Greta was dead four years ago. Nawalan siya ng preno at aksidenteng bumangga sa malaking truck. Napunta sa'kin si Greg kasi tinatago niya ito sa tunay na ama. I adopted him, and I treat him as my own son. Esther." Pagpapaliwanag niya at unti-unti ng lumilinaw kay Esther ang lahat.
 
Kung ganun ang mga luha niya kanina ay nasayang dahil sa walang kwentang dahilan?
 
Unti-unting huminahon si Esther tsaka siya napatingin sa mga taong nakapalibot sa kanila.
 
Gulat siyang napabaling ng makita ang mga pamilya ni Liam. Ang tito at mga tita niya ay nandito. Maliban sa mama ni Kate.
 
"Now. Baby?" Pagtatawag nito sa atensyon sa kay Esther.
 
"L-liam." Kinakabahan niyang sabi dahil sa rumerehestro na sa kanya ang lahat.
 
Ang pagtahimik ng kabahayan ng lumabas siya at ang pag-ilaw muli kasabay ng banda nina Stefan. Ang mga salitang hawak ng mga nakilala niyang tao at ang mga mahal niya. Ang lahat ay planado para surpresahin siya. Kung ganun ito ang ibig sabihin ng anak niya ng gisingin siya nito kaninang umaga. Dahil sa una pa lang ay kasabwat na niya ito at ang mga kaibigan niya.
 
"Five years ago, all  was planned, not to hurt you, but to have you with me forever. I'm going crazy looking for you. I'd go crazy if I hadn't seen you yet. I'm so sorry for everything. You experienced a lot of hardships without me by your side, and I wasn't by your side to help you overcome those hardships. The papers for our wedding are already completed. Do you know what's missing? You and I, in front of the Priest and the Lord, promising that we will love each other, especially our child. I promise, baby."
 
Inabot niya ang bulaklak na binigay sa kanya ni Liam.
 
Napatakip at napahagulgol ng mahina si Esther ng makita ang taong mahal niya na nasa harapan niya at nakaluhod ang isang tuhod habang may isang hawak na box na naglalaman ng walang ibang pinaka-magandang singsing na nakita niya ngayon.
 
"B-baby..." Naiiyak niyang sabi sa tinatawag sa kanya ni Liam.
 
"This night and this time were exactly the same as I proposed to you five years ago. This night, I promise that I won't let you leave again. I would never and ever let you go, again. I've lost you, and I don't want to lose you again. If I had been able to let you go, back then. Now that I've seen and held you again, I'll never let you go this time, baby." May tumulong luha sa mga mata ni Liam habang nakatingin sa singsing na hawak niya at sa babaeng mahal niya.
 
"Esther Fernandez? Will you marry me again? I won't lie again, baby. And if you keep lying, I won't let you go. Because I will fix everything for you. I'll make everything come true for you. I will love you."
 
"Baby, yes. Yes." Pagpuputol niya sa iba pang sasabihin ni Liam na ikinatigil ni Liam. Dahil sa saya at kasabikang nararamdaman niya ay sinagot niya ang totoong nararamdaman niya.
 
Kasabay ng pagsagot ni Esther ay ang pagbagsak ng mga instrumento nina Stefan at ang ingay ng mga magulang at kaibigan ni Liam.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now