Chapter 18

386 14 0
                                    

"Liam..." Pagtatawag ko sakanya habang nagmamaneho siya bago ako humikab.

Antok na antok ako dahil konti lang ang tulog ko kagabi. Ikaw ba naman ang araruhin at nagpa-araro, makakatulog ka?

"Baby?" Sabi niya ng di makatingin sakin dahil nasa daan ang tingin niya.

Hinaplos niya lang ang kamay kong kinuha niya habang ang isa niyang kamay ay nagmamaneho.

"Gisingin mo lang ako pag dumating na tayo." Sabi ko at kinuha ang kamay kong hinawakan niya para makaupo ng maayos sa pagtulog ko.

"Okay." At tumawa siya ng mahina dahil sa iniisip niya na alam ko na. May ginawa siya dahilan para dahan-dahang bumaba ang sinasandalan kong upuan hanggang sa sapat na para maayos ang pagkakahiga ko.

"Kasalanan mo 'to." Inirapan ko muna siya na siyang ikinatawa niya bago ko ipikit ang mata ko.

"Nagustuhan mo din naman."

"Tigil. Gago."

---

Nagising ako na nasa isang malambot na na kama. At pamilyar na amoy ng kwarto kung nasaan ako...

Masakit ang ulo ko ng bumangon ako at tumingin sa labas kung anong oras na.

"Shit. Ganun ako katagal natulog?" Mahinang bulong ko sa sarili ko ng makitang mag ga-gabi na sa labas. Umaga pa ng natulog ako sa kotse ni Liam habang pauwi kami tapos nagising ako ng gabi at nasa kama na ni Liam. Jusko... Anong nangyayari sa'kin?

Palabas na sana ako ng kwarto ng may madinig ako sa baba na nagbubulungan at parang nag-aaway. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at unti-unti kong napapamilyaran ang boses ng dalawang taong nagpapalitan ng sagot ng pabulong.

Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba. Pero hindi mapigilan ng sarili ko ang makinig lalo na't ang dalawang taong yun ay nakasama ko na. Kung sila nga.

Papalapit na ako at huminto ako sa pader na matatabunan ako at nandun sila sa baba na hindi kalayuan sakin. Sapat na para madinig ko ang pinag-aawayan nila.

"Tinulungan kita, Liam. Tinulungan kita na wag siyang papuntahin dito. Kapalit nun ay iwan mo siya-"

"I said I fucking love her. I won't fvcking let her or even you hold Esther. Ako ang makakabangga niyo." Madiin nitong sabi tsaka natahimik ang kausap. Kahit ako ay natakot sa paraan ng pagkasabi niya.

"Kahit na nagsinungaling siya?" Lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi niya na siyang nagpatigil na naman sa lalaki.

"What do you mean?"

Ilang minutong hindi nakasagot ang kausap ni Liam at sa minutong din yun ay gusto ko ng humandusay sa sahig dahil sa kabang nadama ko. Na baka malaman niya sa iba ang mga pinanggagawa ko.

Imposible kayang may alam ang kausap ni Liam?

"Forget it."

"That was a past. Hindi mo pa din ba makalimutan?"

"Pumayag ka sa usapan natin, Liam. Iiwan mo siya kapalit ng hindi ko pagpapauwi kay Greta. Malaki ang iginastos ko para hindi siya makauwi dito sa Pilipinas. At alam mo ang gagawin niya kung nakatapak siya dito sa Pilipinas. You have a son, Liam... Hindi siya papayag na hanggang dun lang kayo."

"Then I don't care if she's here. I don't fvcking love her. At binabawi ko na ang pagpayag ko sa'yo noon." Walang emosyon ang boses ni Liam habang sinasabi niya yun sakanyang kausap.

"Pagsisisihan mo ang naging  desisyon mo sa pagpili sakanya, Liam..."

"Really?"

"Makikita na'tin yan."

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now