Chapter 7

468 23 0
                                    

Tapos ngayon ay aarte akong parang walang nangyari saming dalawa. Tapos pinapaalala niya pa sakin ang tapos na. Tapos di ko naman makalimutan. Tapos, tapos.

Hayyyy. Pumayag ako noon dahil sa kalasingan at hindi ko na alam ang mga pinanggagawa ko, at siguro ginusto ko naman. Kaya umabot kami sa ganun. Kahit anong kalasingan pa yun kung ginusto ko naman ay hahantong takaga ng ganun. Ne hindi ko kayang sikmuraing iniisip kong ginanun ako ng mga tambay sa kanto namin. Pag yun siguro, kahit na pasuray-suray na'ko sa daan at nababaliw na ng kalasingan ay gagawin ko pa ding humingi ng tulong at hindi ko hahayaang ang mga ganung tao ang makauna sa'kin.

At ngayon naman kahit di ko gusto ang makita siyang muli, mapipilitan akong gawin ito dahil lang naman kay nanay. Gagawin ko ang lahat mailigtas lang siya.

And speaking of nanay, matawagan nga siya.

Imbes na itawag na lang kay Ms. Lianna ay itinawag ko na lang kay Pat para makausap si nanay. Natatandaan ko ang numero ni Pat dahil sa ito lagi ang tinatawagan ko gamit ang cellphone ng kakilala ko sa kahit anong trabaho na mapapasukan ko.

Pero napatigil ako ng maalala ang pagtext sakin ni Liam. Paano niya nalaman na may cellphone ako? Di kaya...

Ng masagot ang tatlong ring ay agad akong nagsalita.

"Tita sinabi niyo po ba kay Liam ang numero ko?" Agad kong tanong dito.

"Ahmm. Pasensya na kung di ko nasabi sa'yo. Tinawagan niya ako kanina at hiningi ang number mo kaya binigay ko na. Importanteng malaman niyo ang number sa isa't-isa, normal na yun sa mag jowa." At humagikgik ito ng tawa na parang isang dalaga eh may edad na nga.

"Hindi po kami mag jowa at alam niyo yun." Napailing na lang ako ng may mga ngiti sa labi.

"HAHAHA! Oh siya! Puputulin ko na muna 'to at may appointment pa ako."

"Sige po..." At pinatay na nito ang tawag.

Minsan napapaisip ako kung gusto nga ba ni Ms. Lianna ang mahulog ako sa anak niya o hindi. Nakakalito siya minsan. Minsan tinutulak niya ako sa anak niyang babaero tapos binawalan naman akong mahulog dito na huli na. May nangyari na nga. Pero hindi ko naman gusto anv anak niya.

Sunod ko naman tinawagan ay si Pat.

"Hello? Who's this?" Napatulala na naman ako sa tuwing mag e-english siya.

I mean, nag e-english siya, oo. Pero nakakagulat lang yung sitwasyon niya. May accent kung magsalita siya parang... Hindi ko mapaliwanag. Sa tuwing nag e-english na lang siya ay napapatulala ako sa boses nito kung magsalita, parang isang-

"Hello? Bwesit! Magsalita ka at may importante pa akong gagawin kaysa sayo!" Sigaw nito sa telepono.

"Wag mo nga akong ma-bwesit-bwesit at baka tadyakan kita-"

"Ohh shit! Mabuti naman at napatawag ka na! Alam mo bang parang tanga akong isip ng isip kung alin sa mga numerong ginamit mo ang tatawagan ko? Tapos ngayon? Ngayon ka lang magparamdam?! Ang tagal-"

"Oh! Wag kang OA! Kanina lang ako umalis. Wag mo'kong artehan, ang sabihin mo lang ay gusto mo si doc." Pang -iinis ko dito.

"Oh! Shut the fuck up, girl. I don't want to talk about that bullshit guy. He's annoying, you know." Ayun na naman. Nakakatulala naman parang hindi si Pingkay 'tong kausap ko. Hayst alam kong trulala ka naman. Ibibigay ko na lang kay nanay ang telepono para magkausap na kayo." Sabi nito ng di ko siya masagot agad.

"Sige." Ilang minuto din bago may nagsalita.

"Anak... Ikaw ba'to?" Mahinang boses na sabi ni nanay.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now