Chapter 8

452 19 0
                                    

Labis ang tibok ng puso ko sa sitwasyon ko ngayon. Natatakot akong baka sa sobrang lapit niya sakin ay madinig niya ang ingay na pagkabog ng puso ko. Kinakabahan ako kung ano ang magiging ekspresyon ng mga kaibigan niya.

Ramdam ko ang paghinga niya ng ipatong niya ang baba niya sa balikat ko.

Napatingin ako sa mga kaibigan niyang nakatingin lang samin na para bang nanonood ng teleseryeng nanalo ang kalaban sa sobrang talim ng mga titig nito.

"Ahem. Respeto, tol. Madami kaming walang pares dito." Si Stefan na may paubo-ubo pang nalalaman.

"Tatawagan ko na ba ang lima kung babe?" Si Curt na iwinawagayway ang kanyang cellphone.

"Sampu akin." Si John na ginaya ang ginawa ni Curt.

"Bente sa'kin." Si Scott na sumabay din sa ginagawa nila.

"Trenta sa'kin." Si Shawn na ganun din ang ginawa.

"One million akin." Si Isaac na di nagpapatalo.

"P'wes. I billion and ten million, for hundred thousand, ninety nine hundred. May aangal? Sasapakin ko." Si Trix na nakatayo na at hindi cellphone ang iwinawagayway kundi kamao niya.

"Ako aangal! Subukan mong umangal Reterson at hindi ka makaka-agahan." Biglang sumulpot si Tyler na dala na ang sandok. Hindi lang sandok pati karahay ay dala-dala na niya.

"Ginutom ako kaya sayo na muna ngayon." Ang kamaong nakataas ni Trix ay ibinababa tungo sa tiyan na at may pagutom-gutom effect pa.

"Good dog. Kumain na tayo! Ang huling makakadating sa kusina ang siyang manghuhugas."

Agad namang nagsiliparan ang mga tutubi tungo sa kusina na parang mga siraulo at ng akmang pupunta na'ko dun ng maalala ko si Liam. Bigla na lang din niyang higpitan ang yakap niya sakin.

"Hey. Don't mind them." Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ang mainit at mabango na hininga ni Liam.

Shit. Ayan na naman yung pamilyar na pakiramdam. Umayos ka, Esther! Wag mo ng ulitin ang ginawa mo!

"U-umayos ka nga." Agad akong lumayo dito dahil sa nagsimula na naman ang katawan kong makaramdam ng kakaibang pakiramdam dahil sa kanya.

Ngunit bago pa man ako makalayo ng tuluyan ay hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming pumunta sa kusina.

Maingay ang mesa ng kumain dito ang mga kaibigan ni Liam.

"Oh shit." Mura ni Stefan ng tumunog ang cellphone niya.

"Fuck you,Trix. Ang sandok ko." Si Tyler ng mahulog ang sandok niya na nasiko ni Trix.

"Fucking sorry, Ty." Murang sabi na naman ni Trix sa kay Ty na kulang na lang ay yakapin na ang sandok.

"Oh fuck." Inirapan naman ni John si Tyler ng makitang yakap na nito ang sandok.

"Just shut your fucking mouth because we are in this fucking table." Pagsasaway na with mura na sabi ni Scott.

"Hey! Shawn! That's fucking mine!" Inagaw ni Curt ang natitirang nag-iisang fried chicken sa plato ng kunin ito ni Shawn.

"Shut your fucking mouth, Curt. You already have two fried chickens in your plate." Hindi binigay ni Shawn ang fried chicken at agad na linantakan ito.

Totoo naman, may dalawa ng fried chicken sa plato si  Curt at balak pa nitong kunin ang kay Shawn.

"Dude! Stop cursing and shut your mouth. Esther is here. Fu-" Pinigilan ni Liam ang pagtutuloy ng sasabihin niya. At ng humarap ako sa mga kaibigan niya ay natigil ang lahat ng mga ito habang nakatingin kay Liam.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now