Epilogue

521 17 0
                                    

Sa dami–rami ng napagdaan, hindi ko inaasahang hahantong kami sa bagay na plinanong e-peke ang lahat sa una, pero sinong mag-aakala na ang kasinungalingan noon ay magiging totoo ngayon?

Nagbabadya na yung mga luha ko pero pinigilan kong tumulo kasi baka masira yung pinaghirapan ng mga make-up artist.

Nasa labas ako suot ang isang mahabang wedding gown at may nakatakip na belo sa mukha ko.

This is it. The long wait is over, ika pa nga nila

Dahil sa puntong magbubukas ang malaking pintuan sa harap ko at sisimulan ko ng humakbang at tumapak sa sahig na magtutungo sa'kin papunta sa lalaking hinihintay ako kasama ang mga kaibigan at pamilya niya.

Hawak ang bulaklak ay hindi ko mapigilan ang maging emosyonal bigla. Yung pangarap na hindi ko sinali sa pangarap ko ay nangyayari na ngayon. Lahat ng kung nasaan man ako ngayon ay hindi ko inaasahan. Sinong mag-aakalang ang babaeng tinalikuran ng lahat ay babalikan at haharapin ng buong puso?

Kung anumang kulang ang nasa isipan ko ngayon ay biglang napuno, dahil sa isang lalaki. Pinunan niya lahat ng pagkukulang sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko nagawang sumuko. Dahil kung hindi ko siya nakita o nakilala, magkasama na ata kami ngayon ni nanay. Dahil kung hindi ko siya nakilala, walang Leanne ang nasa tabi ko nung mga panahong bagsak na bagsak ako.

Napaangat ako ng tingin ng dahan–dahang bumukas ang malaking pintuan na nasa harapan ko.

Ang simbahan... Simbahang simbolo ng pananampalataya. Simbahang masisilayan ang pag–iisang dibdib namin ng nag–iisang Liam Andrei Buenaventura. Simbahan saksi sa mga pangakong sasabihin namin sa isa't–isa.

Nung una ang plano ni Liam ay dapat na maganap ang kasal namin sa isang beach pero hindi ako pumayag. Gusto ko na sa mismong simbahan dahil isa ito sa dahilan kung bakit nabuo ang storya ng pagmamahalan namin. Dahil ang plano ay ganapin ang pekeng kasal sa simbahan pero hindi natuloy dahil magaganap ang kasal namin sa simbahan, hindi dahil sa peke ito kundi ay ito ay totoo na.

Unang bumungad sa mata ko ang mga taong naghihintay sa bawat upuan na pumasok ako. Habang pinagmamasdan ko ang mga importanteng tao sa buhay ni Liam na nakangiti sa'kin ay tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha ko. Mabuti na lang at waterproof ang make up na nilagay sa'kin, dahil kung hindi ay baka nagkakalat na ako ngayon dito.

Nagsimula na ako sa pagtapak ng mga paa ko at alam ko na sa puntong makarating ko sa altar ay hindi na ako pwedeng bumalik at unatras pa. Dahil sa puntong makarating ako sa altar kasama ang lalaking mamahalin ko habang buhay ay haharapin ko lahat ng mga dadanasing pagsubok sa buhay niya kasama ako. Haharapin naming pareho na matatag at hindi mahina.

Nahagip ng mga mata ko ang anak namin na si Leanne na may mga matatamis na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa'kin. Napangiti ako sa ngiti niyang halos magkasingtulad sila ng kanyang ama. Kumaway siya sa'kin at linabi ang salitang 'mommy' bago siya manggigil. Napatigil naman agad siya sa kung anong reaksiyon niya ng sawayin siya ni Greg, pero inirapan lang ng anak ko.

Ngayon pa lang tinatanggap ko na. Ngayon pa lang ay alam ko ng may mabubuong kung anuman sa pagitan nilang dalawa.

Malapit na ako sa altar at naiinggit ako sa ibang kinakasal kasi may maghahatid sa kanila na siyang pamilya nila pero ngayon, nag–iisa lamang ako habang papunta sa lalaking naghihintay sa'kin na siyang magiging pamilya ko.

Napanguso ako ng makita si Liam na patagong pinunasan ang luha, akala niya siguro ay hindi ko nakita pero nagkakamali siya. Patago siyang lumuluha kasi natatakot na tuksuhin na naman ng mga kaibigan niya.

Napatawa ako ng mahina sa nakita ko hanggang sa nasa harapan ko na siya mismo kasama ang mga kaibigan niya sa gilid at ang ina niya.

"Thank me later." Sabi niya sa aming dalawa bago ibigay ang kamay ni Liam sa'kin at hinawakan niya ako sa kamay bago ipulupot ito sa kanyang braso.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now