Chapter 20

395 16 0
                                    

Nagising ako kinaumagahan ng maramdamang parang may humahalukay sa tiyan ko na agad kong itinakbo tungo sa banyo na nandito sa kwarto ni Kate.

Ng makapasok ako sa banyo ay kaagad akong lumuhod sa bowl para dumuwal na ilang araw ko ng naramdaman.

Sa kalagitnaan ng pagduduwal ko ay biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa si Kate na bagong gising at puno ng pag-aalala ang mukha.

"Este!" Kaagad siyang lumapit ng makita ang kalagayan ko at hinagod niya ang likod ko na walang sali-salita hanggang sa lumabas na kami at nagtungo sa kusina.

"B-bakit titig na titig ka sa'kin?" Tanong ko sakanya ng mapansing simula sa banyo kanina hanggang sa umabot kami sa kusina ay hindi niya binibitawan ang titig sakin na parang inoobserbahan ako.

Hanggang kailan ko pa ba bubulagin ang sarili ko?

"Wag mo ng sagutin." Iniwas ko sakanya ang tingin kasabay ng pagtulo ng isang butil na luha sa mukha ko kasabay ng paghawak sa bandang tiyan ko at ang paglitaw ng lalaking laging laman ng isip ko.

Masaya na ba siya? Masaya ba siyang wala ako sa tabi niya? Ang sabi niya ay pinaglalaruan niya lamang ako. Isa lang ang ibig sabihin nun... Kaya niya ang wala ako sa tabi niya at kailanman ay hindi siya naging masaya sa piling ko. Magiging masaya siya kasama ang ina ng anak niyang isang anghel...

Samantalang hindi ko alam kung magiging masaya kami na wala siya.

"Shhh. Wag kang mag-alala, Este... Hindi nila malalaman na kasama kita..." Pag-aalo ni Kate habang niyayakap ako mula sa likod.

"S-salamat." Hinawakan ko ang kamay ni Kate na yumayakap sa'kin habang ang isa ay nanatili sa tiyan ko at pinapakiramdaman siya.

"Este? Anong gusto mong kainin? Bibilhin o ipagluluto kita." Sabi niya bago bumitaw sa pagkakayakap at pumunta sa ref para tingnan kung kompleto pa ba ang laman ng ref niya. E naubos ko ang mangga niya kagabi.

"Ako na ang magluluto." Lumapit ako sakanya at tumingin na din sa ref kung mayron nga bang mga sangkap sa lulutuin kong adobong manok.

"Sigurado ka? Mabuti na ba yang pakiramdam mo?" Sabay hipo niya sa noo ko.

"Okay lang ako, ano ka ba. Pagod lang siguro yun. Tsaka ayokong kumain ng luto mo. Pumapatay-"

"H-hoy! Grabe ka naman sa'kin." Alarma niya na ikinatawa ko na lamang ng mahina sabay kuha ko sa mga kakailanganin na lulutuin ko.

"Pupunta lang muna ako sa kwarto ahh." Sabi niya at sinimulan ko na ang pagluluto.

Sa kalagitnaan ng pagluluto ko ay sa pagtayo ko ay nasapo ko ang baso dahilan para mahulog ito sa sahig at mabasag.

Umarko ang matinding kaba sa dibdib ko habang napatunganga sa basong basag.

Hinawakan ko ang dibdib kong ayaw tumigil sa malakas na tibok ng makaramdam ako ng matinding takot. By

"Esther!" Sigaw ni Kate mula sa kwarto at patakbong lumapit sakin at sa basong basag. "Jusko! Lumayo ka diyan! Ako na ang maglilinis." Pinatabi ako ni Kate at ako naman ay wala pa din sa sarili sa mga pangyayaring sunod-sunod na pumasok sa isipan ko.

Ang nangyari kagabi... Si Liam... Si Ella...

Kumurba ang matinding kaba sa dibdib ko ng maalala ko si nanay at ang hindi ko pagkakontak bigla kay Pingkay.

"K-kate?" Pagtatawag ko sakanya ng matapos niyang malinisan ang nabasag kong baso.

"Bakit?" Lumapit siya kaagad sa niluto ko at tiningnan yun.

"Ihatid mo'ko samin. Please?"

"Hindi. Kumain ka muna. Hindi ka pwedeng umalis dito ng hindi nalalamanan yang tiyan mo." Sabi niya bago kumuha ng plato para paglagyan ako ng kanin.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now