Chapter 25

387 13 0
                                    

Labis ang kabang nadama ko ng makita ang lalaking matagal ko ng hindi ko makalimutan.

Akmang magsasara na ang elevator ay hinarangan niya ito ng isang kamay at nasa bulsa niya ang isa niyang kamay at mataman akong tinitigan.

Pumasok siya na siyang pag atras ko hanggang sa tumama ang likod ko sa matigas na bagay. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko ng papalapit ng papalapit siya sa direksiyon ko.

Hanggang sa kinulong niya ako ng isang kamay niya na unti-unting naging dalawa ang brasong kumukulong sa'kin.

Tumaas siya lalo at ang pabango niya na ganun pa din na kinakaadikan ko noon. Hindi ko na alam ang gagawin ko ng makita ko sa mga mata niya ang galit at sa umiigting niyang panga.

Galit siya. At naiintindihan ko yun. Sino ba naman ang isang ama na tinaguan ng anak ang hindi mgagalit?

Dahil mataas siya ay yumuko siya para magpantay ang tingin namin na siyang pag lakas lalo ng tibok ng puso ko at pag-iinit ng mga pisnge ko.

"You f*cking lied again."

At dun sa sinabi niyang yun. Sinampal ako ng katotohanan. Hindi nga ako nagsinungaling sa anak ko pero nadagdagan ko na naman ang kasalanan ko sa ama niya.

Iniwas ko ang mukha ko ng akmang ilalapat na niya ang labi niya sakin dahilan para tumama ang tangos ng ilong niya sa panga ko.

Jusko. Ba't ako umiwas?! Biyaya na yun! Gaga! Ayyyssttt!

Sigurado akong ramdam at dinig na niya ang lakas ng tibok ng puso ko.

Hinaplos niya ang panga ko patungo sa labi gamit ang hintuturo niya. Gusto kong umiwas pero gusto ng sarili ko ang hayaan siya sa ginagawa niya.

Sa huli... Hinayaan ko siyang paharapin niya ako sa kanya dahilan para magkatitigan kami at nagawa ko na ding titigan ang mukha ng lalaking minahal ko. Ang lalaking tanging pinili ng puso ko na mahalin. Kung gwapo siya noon, mas gumwapo naman siya ngayon. Nag glow up ang gago. Naging marupok naman akong si gaga.

"Umalis ka sa-" natigil ako sa iba ko pang sasabihin ng bigla kong maramdaman ang malalambot niyang labi na lumapat sa labi ko. Dahilan para mabitawan ko ang gatas ng anak ko.

Napahawak ako sa mga balikat niya para sana tulakin siya para mahinto ang kung ano man ang ginagawa namin, pero hindi ko magawa-gawa. Nawawalan ako ng lakas na tulakin siya at may sumisigaw din sa sarili kong gustong-gusto ko. Kaya sa huli, hinayaan ko siyang ipasok niya ang dila sa loob.

"Hmm." Di ko mapigilan ang mapaungol ng dumapo ang isa niyang kamay na nasa mayayaman ko ng dibdib.

'Ting!'

Ng madinig ko ang hudyat na dumating na ako sa kung saang floor ako ay mabilis at buong lakas ko ang nagamit sa pagtulak sakanya dahil sa mga dahilan sa isipan ko na baka may pumasok na ibang tao. Kinuha ko ang gatas ni Leanne at mabilis na lumabas para hindi na maabutan ni Liam.

Anong ginawa ko? Bakit ko yun hinayaan? Ang rupok ko.

Mabilis kong kinuha ang susi na walang lingon-lingon sa likod.

Ng mabuksan ko na ang pinto ay mabilis ko na sana itong isasara pero may humarang.

"Liam. Lumabas ka." Matigas at pabulong kong sabi dahil sa baka nakatulog na si Leanne at ayaw kong maisturbo ang tulog niya.

Imbes na umalis siya ay pumasok siya sa condo ko at inilibot ang tingin.

Habang ako ay nasa pinto lang at kinakabahang nakatingin sa bawat galaw niya.

"In five years of hiding. You live in this f*cking place?" Sa sinabi niya ay biglang kumulo ang dugo.

"Bakit? May problema ba?" Angal ko.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now