Chapter 26

415 17 1
                                    

WARNING ⚠️: MATURED CONTENT 18+

---

Kinusot ko ang mga mata ko ng maramdaman ang liwanag na tumama sa mata ko. Pinikit kong muli ang mga mata ko tsaka ko hinigpitan ang yakap sa anak ko.

"I love you, baby..." Sabi ko sakanya na nakapikit pa din dahil sa gusto ko pa din matulog.

Ang kamay kong nasa bewang niya ay ginalaw ko at ng magalaw ko, biglang naging matigas ang bewang ni Leanne. Kunot noong nakapikit ako ng pinaklakbay ko ang kamay ko sa taong kayakap ko.

Hindi naghuhubad si Leanne at mas lalong hindi matigas ang tiyan ni Leanne, dahil malambot yun. Sa taba ba naman na meron ang anak ko, bakit biglang tumigas ang tiyan niya?

Dinilat ko ang mga mata ko at natigil ako sa ginagawa kong paglalakbay ng kamay ng malaman kung sino ang kayakap at kaharap ko.

Shit.

Napabalikwas ako ng makita ang pagmumukha niyang malaking-malaki ang ngiti na nakapikit pa. Ngunit hindi ko nagawa ang pagbangon ng bigla niyang hapitin ang bewang ko na yakap niya.

Shit. Nagyakapan kami.

Napabalik ako sa paghiga at mas lalo niya pang pinagdikit ang katawan namin.

Talo ako sa katawan niya. Hindi na'ko nito makakawala. Ang paa niya ay dinantay sakin dahilan para mas lalo akong makulong sakanya.

Shit. Yung kaibigan niya.

"Liam!" Ang mukha niya ay ganun pa din, nakapikit pero nay bahid na ngiti.

Iginala ko ang tingin ko para sana hanapin si Leanne pero wala akong makitang anak ko dito.

"Le-"

"Don't worry. Nandun siya sa labas, naglalaro. I also already locked the door." Napabalik ang tingin ko sa kanya na bukas na ang mata.

Pilit kong inaatras ang ulo ko ng palapit ng palapit ang kanyang mukha na nakangiti sa'kin. Nakakainis yung ngiti niya. Ngiting may binabalak.

Dahil sa panghihina ko kagabi ay siya na ang nagbuhat sa'kin papunta sa kwarto. Sa sofa siya natulog kagabi pero pa'no siya nakarating sa kama? Tsaka ba't ang bilis naman?

"Liam, bitawan mo'ko." Mariin kong sabi pero hindi siya natinag.

"You love me, still. Eh?" Pag papa-alala niya sa hindi naman para sakanya.

"H-hindi para sayo yun. Kay Leanne yun gago." Paglalaban ko sa katotohanan.

"Leanne's not here."

"Para nga-"

"Don't worry, your secret is safe with me." Sabi niya bago ko naramdaman ang mga kamay niyang nagsisimula ng maglakabay sa katawan ko.

Sinubukan kong alisin at pigilan siya sa kung anuman ang ginagawa niya pero wala akong sapat na lakas lalo pa at-sh*t. Hindi pa kami bati pero pakiramdam ko may kulan sa pagkatao ko at ayokong alamin na tama nga ako.

Hindi naman masama kung marupok ang isang tao. Nagiging marupok ka, tayo. Dahil mahal pa natin ang taong yun. Ang pagiging marupok ay isa na din yan sa dahilan ng pagmamahal. Hindi natin alam, ng dahil sa pagkamarupok natin, ang tao palang yun ay ang taong para na sa atin, ang taong nilaan satin ng Panginoon. May iba na din na hindi. Naging marupok sila sa taong mahal nila, pero sinaktan din sila sa huli. Kaya nakukutya silang marupok. Hindi nila alam na sa pamamagitan nun. Natutunan natin kung ano man ang pagkakamali nating dapat baguhin.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now