Chapter 6

431 15 0
                                    

Nasa sala ako habang nanonood ng teleseryeng He's Into Her na binibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Kahit di ko pa nababasa ang libro nito na sinusulat ng isa sa paboritong manunulat ni Kate na si Maxinejiji ay nalaman ko kung anong tungkol dito dahil walang ibang bukambibig ang babaeng yun kundi ang mga librong binabasa niya.

Si Kate ay ang kaklase kong naging parte na din ng buhay ko ngunit kasabay din niyang nawala sa buhay ko si Ella.

Magpinsan si Ella, Kate at Liam. Isa si Kate sa dahilan kung bakit nagkakakilala sina Ella at Tan. Isang lalaking sumira sa pagkakaibigan naming tatlo.

Si Kate na walang inaatupag kundi ang mga libro. Hindi sa nerd siya kundi yun lang talaga ang kinahihiligan niya. Noong una ay hindi ko siya tinuring na kaibigan dahil hindi ako komportable sa kanya. Hanggang sa maalala ko ang mga nagawa niya sakin. Sa mga pagtulong niya sa'min ni nanay noon.

Hindi ko alam kung magkikita pa nga ba kami. Pero may posibleng magkikita kaming tatlo dahil magpinsan lamang si Liam at silang dalawa.

Hindi maganda ang huling pagkikita naming tatlo. At sana-

"Hey." Naputol ang iba ko pang iisipin ng biglang may magsalita sa likuran ko tsaka ako napalingon sa lalaking nakapamulsa habang nakatingin sakin at bihis na bihis. "Lock the doors before you sleep." Ito lang ang sinabi niya bago siya tumalikod at lumabas na lang bigla ng bahay.

"Kapag nandun ako sa bahay niya ng gabi ay hindi ito natutulog dun sa sarili niyang bahay. At wag ka ng magulat kung bigla ka na lang iwan nito kapag gabi na at tapos na ang hapunan niyo. Dahil ganun siya. Hindi ko nga din alam kung ano ang dahilan e pero ang naalala ko ay nung galing sila ng bar ng mga kaibigan niya ay dun nagsimula ang lahat."

Naalala ko bigla ang sinabi na naman sakin ni tita. Ganun nga siya... At siguro ay doon siya matutulog sa  mga kaibigan niya, pero sigurado akong dun siya matutulog sa mga extra niyang babae. Malay ko bang  kahit hiniwalayan na niya ay may mga nag-aabang pa din sa tabi-tabi. Mga hinayupak na babae na haliparot.

Ng may maalala ako bigla ay umakyat agad ako sa taas at hinanap ang Porsche na dala kanina na bigay ni tita at hinanap ang cellphone dun.

Sakto namang may biglang nag text kaya binasa ko agad.

Akala ko galing kay Ms. Lianna ngunit hindi. Unknown number.

Fr: 09*********

- Sleep in my room. Don't forget to lock the doors.

Kahit hindi pamilyar sakin kung kaninong number yun ay kilala ko naman kung sino ang may nagmamay-ari nito. Kahit wala siya sa tabi ko, ramdam ko naman ang presensya niya kahit sa text lang. At ganito na nga siguro talaga ang epekto niya sa'kin gayung nakasama ko naman na siya kahit ilang oras lang.

Binitawan ko na lang ang hawak kong telepono at parang nawalan na ng gana na tumawag kay Ms. Lianna.

Napabalikwas ako ng madinig ang tunog ng kotse. Kaagad akong lumapit sa bintana at hinawi ng konti ang kurtina upang makita ko kung siya nga.

Si Liam...

Pinagmasdan ko pa kahit malayo na ang kotse niyang papaalis hanggang sa napagdesisyonan ko ng magsira. At tulad ng sabi niya na i-lock ko ang mga pinto. Baka may biglang pumasok na kung sino.

Ng makabalik ako sa kwarto ay lumapit ako sa malaking kurtina at unti-unting hinawi yun. At tumambad sakin ang salamin na sa kabila nun ay ang balkonahe.

Binuksan ko ang salamin at tumambad sakin ang malamig na hangin. Hawak ang magkabilang braso dahil sa ginaw ay tiningnan ko ang buwan na siyang nagsisilbing ilaw ko.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now