Chapter 27

430 15 0
                                    

Binigyan kami ni Liam ng oras para makapag-usap ni Ella at hindi ko mapigilan ang sarili kong lumayo sa kanya. Sa tuwing lumalayo ako sa lalaking yun, may humihila naman pabalik sa'kin papunta sa kanya.

"You know what, Esther? Liam was so broke when you left. We're broke at that time. I'm sorry. Bakit ba kasi hindi kita pinakinggan." Rinig ko ang pag-iyak niya ng magsimula siyang magsalita.

"Ella."

"You don't deserve to treat like that. Sinadya kong tapunan kita ng tubig noon dahil sa galit ko sa'yo. Dahil sa galit na isa palang pagkakamali. Galit na pinagmulan bg walang kwentang bagay. Patawarin mo'ko." Sabi niya na umiiyak bago hunarap sa'kin at yakapin ako. "I'm sorry."

"Tigilan mo nga yang pag s-sorry mo, tadyakan kita e." Tinawanan niya lang ng mahina ang sinabi ko bago lumayo.

"Bakit ba kasi ang lupit ng tadhana e." Umiiyak pero natatawa niyang sabi.

"Tss. Kung sino pa yung walang ginawang masama, sila pa yung pinagkaitan ng gusto nila." Biglang lumabas yun sa bibig ko.

"I'm sorry-"

"No. Na-realize ko lang. Nagsinungaling lang din naman ako pero sapat na bang kasalanan yun para kunin yung nga taong naging parte ng buhay ko? Yung mga taong minahal ko? Yung mga taong naging sandalan at karamay ko? Kasi... Kasi hanggang ngayon sariwa pa rin sa'kin ang lahat e." Tinakasan ako ng luha habang sinasabi ko ang mga yun.

"I-im sorry."

"Tigilan mo yang paghingi mo ng tawad, Ella. Matagal naman na kitang napatawad. So, tama na. Ayoko ng umiyak."

Nasa ganun kaming pag-uusap hanggang sa naisipan niya munang umuwi kasi may biglang tumawag sa kanya at naiwan akong mag-isa sa kwarto ng balkonahe ko.

Nandito na naman yung pakiramdam na sa tuwing nasa balkonahe ako, bumabalik yung mga salita ni Liam sa'kin. Mga salitang parang kahapon lang sinabi sa harapan ko. Na pinapamukha sa'king karapat-dapat nga talaga sa'kin ang lahat ng mga yun.

Pinahidan ko ang panibagong luha na pumatak bago ko naisipang lumabas at puntahan sila para na din makapag-usap kami ni Liam.

Pero papaliko pa lang sana ako ng matigil ako ng may boses sa kusina na parang may kinakausap sa telepono.

"I miss you." Tatlong salita lang yun pero ba't parang nag-iba yung epekto sa'kin.

Ang tatlong salita namang yun ay masarap pakinggan, ngunit bakit para hindi naman? Dahil ba hindi para sa'kin ang mga salitang yun?

"Yeah. I'll come back to you, okay? Don't be sad. I won't leave you, baby."

Parang kinumot ang dibdib ko ng matindi kasabay ng sunod-sunod na mga luhang nagsipatakan sa mata ko. Akala ko ba tapos na? Wala ba talagang katapusan 'to? Lagi na lang bang pagkatapos ng kasiyahan may susunod na kalungkutan? P*tangina naman e. Quota na'ko nung huli e, ba't dinagdagan pa?

"I'll come to you later, okay? I love you. Take care-" Umalis na kaagad ako sa kung nasaan ako at bumalik sa kwarto.

Kaagad kong ini-lock ang pinto at nagtungo sa kama tsaka ko hinayaang lumuha ang sarili ko.

Kung saan malapit ko ng aminin na may nararamdaman pa rin ako sa kanya dun naman kailangang bawiin. Kasi kahit saang anggulo tingnan, hindi kami para sa isa't-isa.

Napabalik na naman lahat sa'kin. Napatakip ako sa bibig ko ng lumala ang iyak ko.

Nung mga panahong walang kamalay-malay ang anak ko habang sinusubukan kong kitilin ang buhay ko sa harapan niya. Kung hindi ko lang siya nakitang ngumiti noon habang nakatingin sa'kin baka tuluyan ko ng sinipa ang upuan para iwanan ang lahat ng meron sa mapanlinlang mundong ito. Sinong matinong ina ang magpapakamatay sa harapan ng anak niyang wala pang malay sa mga bagay na nangyayari sa mundo?

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now