Chapter 2

4.9K 45 2
                                    


Naestatwa ako sa aking kinatatayuan tila yelo ang kan'yang mga mata dahil sa sobrang lamig ng mga titig sa sa 'kin. Punong-puno ng kalungkutan at hinagpis ang ibinibigay na awra ng lalaki. Nakakunot ang noo nito at nakasalubong ang mga kilay.

What's wrong with him?

Ganun na lang ang gulat ko nang nagkukumahog ang mga tambay na mga lalaki sa pag-takbo. Para'ng takot na takot sila. Ha? Anong nangyayari? Bakit sila nagtatakbo?

"Are you ok miss?" tanong n'ya sa malalim na boses. Tumango ako ng wala sa sarili. Tumikhim ito para kunin ang atensiyon ko.

Napahawak ako sa dibdib nang may humawak na malamig sa aking kamay. Bakit sobrang lamig ng kamay ng taong 'to? Patay ba siya?

"Sorry, did I scare you?" nag aalala n'yang tanong. Kumabog ng napakalakas ang aking dibdib sa hindi malamang dahilan. Umiling ako.

"H-huh? W-what did you say?" nagugulahan 'kong sagot.

Umangat ang kan'yang labi na tila mangha sa nangyayari pero agad rin itong nawala nang matauhan sa inasta.

Napatampal ako sa mukha nang mapatagpi-tagpi ang lahat. Hiyang-hiya sa aking ikinilos at hiniling na sana kinain na lang ako ng lupa. Umayos ka nga Seyah!

"A-eh, t-thank you!" nauutal ko pang sabi at agad tumingin sa boots na para'ng 'yon ang kausap ko. The fuck Slylexia Yvinesse! Kailan ka pa tinubuan ng hiya?

"You're welcome miss just be careful next time," aniya sa malamig na boses.

Magsasalita na sana ako ngunit dire-diretso na siyang naglakad tsaka nilampasan ako. Kitang-kita ko ang kaniyang matipunong katawan habang naglalakad at lalo lang itong nadepina dahil sa suot na gray na suit. Napailing-iling ako sa naisip.

"Kuya, sa condo mo na lang po ako ihatid." Tumango si kuyang driver.

Abala akong pagmasdan ang dinadaanan namin nabg tumunog ang cell phone.

Mommy Zidney calling.

Napangiti ako. Hindi pa nga ako nakaabot sa condo tumatawag na siya. Miss mo na agad ako n'yan Zidney. Sinagot ko ang tawag.

"Hello mom! HAHAHAHAHA!" bungad ko na tumatawa.

"Why you didn't call me?" tampo n'yang tanong.

"Eh hindi pa nga ako nakarating sa condo ko, tatawag naman ako nagkaproblema lang sa airport kanina pero ok na," paliwanag ko.

"I thought y—"

Nawala ang linya. Pag tingin ko sa cellphone dead batt na pala ito. Nakakapagod rin bumiyahe. Pag gising ko nasa kwarto na ako ng aking condo. Nakatulog pala ako. Hmm. Bigla 'kong naisip na bisitahin ang paborito kong lugar. Nakasuot ako ng stripe sleeveless croptop at prinartneran ng skirt na maiksi na may slit sa gilid. At chanel na 5 inches stilletos. Perfect match.

Sinalubong ako ng makapal na usok at maingay na music. Ang iba't ibang amoy ng mga inumin ay nanonot sa aking ilong. Ang mga tao sa dance floor ay abala sa pagsasayaw mayroon pang nagba-bodyshot. Halos karamihan na naroon ay lasing na.

Hindi ko inalintana ang mga tao at agad naglakad sa gitna dahilan upang makuha ang kanilang atensiyon. Huminto muna ako. Halos lahat sila ay dumako ang paningin sa 'kin tila gulat na gulat sa aking presensiya.

Sandaling nabalot ng nakakabinging katahimikan ang paligid at napatigil din ang music. Ilan sa mga kababaihan ay napasinghap at napangiwi. Ang kalalakihan naman ay sinusuri ang kabuuan ko. Inilibot ko ang aking paningin at ngumisi sa kanila.

"Miss me guys?" I smirked and then continued walking until I reached the counter.

Ilang minuto pa silang tulala bago nakabawi. Nakarinig pa ako ng ilang gamit na nabasag at bulong-bulungan. Gan'yan ba talaga sila kagulat sa pagdating ko? Hindi ko na lang sila pinansin at itinuon ang tingin sa unahan. Tinawag ko ang bartender na abala sa pakikipag-usap sa kung sino.

Lies Between Us (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora