Chapter 21

2K 34 0
                                    

Chapter 21

Nang umuwi ako sa bahay hindi ko na naabutan si Santino, umuwi na raw sabi ni mommy. Mabuti nga at tahimik na ang buhay ko kung wala siya sa tabi ko. Ano bang pumasok sa kokote no'n at pumunta rito? Pagkatapos n'ya akong lokohin, sa tingin n'ya ba tatanggapin ko pa rin siya matapos magawang gawin n'ya iyon sa 'kin? What he thinks of me? Some sort of martyr woman? I love myself more, tsk!

Akala n'ya siguro may karapatan pa rin siyang pumunta rito sa kabila ng ginawa. Dati 'yon nong boyfriend ko pa siya pero ngayon hindi na!

Isang linggo na akong hatid at sundo ni Clate sa bahay at sa trabaho, para'ng naging routine n'ya na iyon sa araw-araw. Seryuso talaga siya nang sinabi n'ya na liligawan ako. Sa ilang araw naming magkasama natanto ko na maalaga siya talagang tao. He always make sure na nakain ako bago pumunta sa trabaho. I also found out that he's a little clingy on me sometimes. Palagi siyang pumupunta sa shop ko at nagdadala ng kung ano-ano.

Iniisip ko nga na baka dinadala n'ya lang iyon para may rason siyang pumunta roon. I find him cute when doing that.

Hindi ko alam pero tila natutuwa pa ako sa ginagawa n'ya. Ayaw na ayaw akong ginugulo sa aking trabaho pero kapag siya naman okay lang sa 'kin. Ganun na yata ako ka baliw sa kan'ya kahit ilang araw palang kaming magkasama.

At butong-buto rin si Mommy at Daddy sa kan'ya. Kung minsan nga siya pa talaga ang nag-aayos sa 'kin kapag may lakad kami ni Clate. Para'ng nanalo siya sa lotto nang sinabi ko na nanliligaw sa 'kin si Clate. Napailing lang si Daddy sa kan'ya nagseselos yata dahil kinikilig si Mommy sa ibang lalaki.

Nakakatawa tuloy silang pagmasdan na nagbabangayan. Wala namang sinabi si Daddy nang ikwento ko iyon pero naramdaman ko na para'ng gusto n'ya rin para sa 'kin si Clate.

Pinagmasdan ko na lumubog ang araw, I rested my head on my slim arms nakaharap ako sa bintana. Dumidilim na ang kalangitan dahil tinatangay na ang araw, mapapalitan na ng buwan. I really don't like the sun I prefer moon. Bukod sa nakakapaso iyon sa balat ko magulo rin pag may araw hindi katulad kapag gabi hindi na ganon kaingay. Yes it's dark if there is no sun but I love darkness.

Hindi ko alam pero mas gusto ko pag madilim para'ng ayaw 'kong nakikita ako minsan nang sa ganun ay makagmuni-muni at makapag-isip ako ng maayos sa mga bagay-bagay na gumugulo sa aking isipan. And it's peaceful in the middle of the night though maybe that's why I love darkness what I ever the reason is, isa lang ang sigurado ko mas gusto ko ang buwan kesa sa araw.

Dati rati naalala ko pa na palagi 'kong tinatanong si Mommy kung ba't may araw at buwan. And she's started explaining things I can't even understand. Napapatango na lang ako sa kan'ya kahit hindi ko naman talaga naiinitindihan ang mga sinasabi n'ya.

I smiled after reminiscing my childhood memories. Dinig ko ang mga hampas ng dahon at huni ng mga ibon sa ibabaw.

Isang katok sa pinto ng aking kwarto ang nagpalingon sa 'kin. Huminga ako nang malalim, nagsimulang ikinilos ang mga paa para buksan iyon. Iniluwa roon ang isa sa kasambahay na hindi ko matandaan ang pangalan. Siya 'yong pinakabata na tinarayan ko dahil sa pagiging illusyunada n'ya.

Ang feeling n'ya kasi eh para'ng pakiramdam n'ya isa rin siya sa mga pinagsisilbahan. Hindi ko naman talaga sana siya babarahin pero nakita ko kasi ito isang beses na inutusan at kinawawa ang isa rin naming kasambahay. Hindi lang ako lumabas sa isang sulok pero rinig na rinig ko kung paano n'ya ito sigaw-sigawan hindi n'ya ako nakita kayo ganun siya umasta. Kinausap ko na lang ang kasambahay namin na ako na ang bahala sa babaeng 'to. 

Kaya tumataas ang dugo ko sa kan'ya palagi pag nakikita siya mabuti na lang malaki ang mansyon minsan lang magtatagpo ang landas namin. Inaamin ko naman na masama ang ugali ko minsan madalas pala pero hindi ko iyon kailan man ginawa sa aming kasambahay dahil malaki ang respeto ni Mommy sa kanila at ganoon rin ako.

Lies Between Us (Completed)Where stories live. Discover now