Chapter 17

2.1K 35 0
                                    

Chapter 17

Bumilis ang paghinga at pintig ng puso ko sa matinding kaba at takot habang hawak-hawak ang papel. Dugo pa ang ginamit na pang sulat doon kaya napabitiw ako rito. Napahawak ako sa aking bibig, nanghihina ang mga tuhod. I'm catching my breath.

Ngayon lang ako nakaramdam ng labis na takot. Hindi para sa 'kin kundi para sa pamilya ko na pinakaiingatan ko. Naninigas ang buo 'kong katawan, ang pawis ay tumagaktak sa noo ko.

The fuck! Paano 'kong idamay nila sina Mommy at Daddy? Umiling-iling ako namumuo na ang luha sa mata.

"N-no... A-ako na lang 'wag na sila..." basag at namamaos ang boses ko.

"Why are you crying sweetie? What happened?" Si Mommy sa hamba ng main door. Napatingin ako sa kan'ya. Aamba na sana itong lalapit sa 'kin. I shook my head.

Mayroon siyang trauma sa dugo hindi n'ya pwede itong makita baka mapano pa siya. Sumenyas ako sa kan'ya na huwag lalapit.

"Don't come near me, Mom." I sobbed. I wiped the tears on my face. Bakas ang kalituhan sa kan'yang mukha ngunit sumunod naman ito sa sinabi ko.

Lumapit si Daddy sa 'kin. Pagbagsak na ang katawan ko mabuti na lang at nasalo n'ya ang bewang ko.

"Why baby?" He uttered nervously. Itunuro ko sa kan'ya  sa sahig ang papel at kulay pulang box na bitbit ko kanina.

His nose crinkled. His eyes burned with fire. Pinunit n'ya iyon and greeted his white teeth. Humigpit ang hawak n'ya roon. Tumaas baba ang dibdib ni Daddy at nakakuyom ang mga kamao na tila handa nang manuntok.

"D-don't let Mom see it D-dad... she might fainted again..."

He nodded. Inalalayan n'ya akong makatayo nang maayos. "Kaya mo bang tumayo at pumasok sa loob anak? I will just check something." Inayos n'ya ang glasses sa mata.

"Yes, magpapahinga lang siguro ako Dad."

"I will make sure that the one who did this to you will pay, baby," matigas n'yang bulong. Hinalikan n'ya muna ako sa pisnge bago umalis sa harapan ko at pumunta kay Mommy, humalik din siya sa labi nito. Nasa likuran n'ya naman ang box at papel para hindi makita ni Mom.

Pagkatapos ay pumasok siya sa puting kotse at pinaandar iyon. Pinanood ko ang pag-alis ng kotse n'ya. Nang hindi ko na ito matanaw ay naglakad na ako papasok sa loob ng bahay. Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang mukha ng manika. Hindi mawala-wala sa isipan ko na tila ipanapatatak talaga sa isip ko iyon ng kung sino man ang nagpadala no'n.

Napayakap ako sa sarili dahil nararamdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo sa kamay. Sinalubong ako ni Mommy sa pinto na nag-alala ang mukha. Ngayon lang sumagi sa isip ko na hindi ko pala ito pinalapit sa 'kin kanina. She cupping my face when she saw my sorrow eyes. Namamasa pa ang mata ko galing sa pag-iyak kanina.

Napayakap ako sa kan'ya. "Mom, I'm scared what I need to do?" para'ng bata akong nagsuaumbong sa ina dahil inaway o binulyy nang kung sino. Sumiksik ako sa kan'yang dibdib at doon suminghot. Gumaan ang pakiramdam ko nang haplusin n'ya ang buhok ko pababa sa aking likod. 

"Sinong umaapi sa napakaganda 'kong anak? Hmm..."

Napahigpit ang hawak ko sa kan'yang damit. Inakay n'ya ako papasok sa loob ng bahay at pina-upo sa couch. She handed me a water to calm me. Medyo nawala ang kaba ko dahil sa pag-alaga sa 'kin ni Mommy. Tumabi siya sa 'kin hindi ako nilubayan hanggang sa hindi ako kumakalma.

"What just happened honey?" tanong n'ya sa 'kin nang makitang maayos na ang kalagayan ko.

Ipinatong ko ang baso sa ibabaw ng glass table. "Wala iyon Mom, don't mind it. Ipagpatuloy mo na lang po ang pagbabasa ng libro."

Lies Between Us (Completed)Where stories live. Discover now