Chapter 29

2.3K 35 0
                                    

Warning⚠️ This chapter includes mature contents that is not suitable for young readers. Please just skip this part if you are 17 and below. Read at your own risk!

Chapter 29

Nang bumalik si Clate sa kwarto ay nakabihis na ako. Nakasimangot ito na lumapit sa 'kin. Nakaupo ako sa kama at sinusuklay ang buhok. Umupo siya sa likod ko. Pinatakan n'ya pa ako ng halik sa balikat ko. Ibinaba ko ang salamin na hawak at sinulyapan siya. 

"Bakit ka nagbihis agad? We're not done yet, babe."

Nakakunot ang kan'yang noo nang sabihin n'ya iyon. Naka boxer brief pa rin siya. His muscles flexed when he moved his body beside mine.

"Nagugutom na ako." Ipinatong ko sa side table ang suklay.

"Alright, let's eat first bago tayo bumaba."

Tumayo siya ngunit hindi ito muna humakbang hinintay n'ya pa akong umalis sa kama at tumayo. Hinigit n'ya ang braso ko palabas at tsaka isinara ang pinto ng silid. Pinaupo n'ya ako sa silya. Inayos n'ya ang mga pinggan at kubyertos sa lamesa. Titig na titig naman ang mata ko sa ginagawa n'ya.

"Tita said that you love bacons." Inilagay n'ya iyon sa tapat ko.

May grilled fish at steak din sa ibabaw ng lamesa. Hindi ko alam ang ibang ulam na nakalagay doon.

"Yes, ilang araw ba tayo rito?" Tinusok ko ng tinidor ang bacons at sinubo iyon.

Napatingin siya sa 'kin. Hindi ako makalunok ng maayos dahil mataman n'ya akong tinitigan. Tumaas ang sulok ng kan'yang labi na nakatitig sa labi ko.

"Three days or one week? It depends on you. Kung gusto mo manatili nang mas matagal okay lang naman."

I cleared my throat. "Mga three days lang siguro madami pa akong projects na gagawin. Hindi ka ba kakain?" tanong ko matapos manguya ang isinubo na bacon kanina.

Hinila n'ya ang isang silya palapit sa 'kin. Tumaas ang kilay ko roon. Ang steak naman ang pinagdiskitahan ko.

"Kakain of course. Saan gusto mong pumunta mamaya? Magswiswiming ka ba muna?" Nilagyan n'ya ng hipon ang plato ko.

"Swimming muna tsaka na ang iba. At gusto ko rin pala mag picture picture ang ganda ng views dito," masigla ang boses ko.

Tumango lang siya sa 'kin. Nagsimula na siyang magsandok ng kanin. Binalatan ko ang hipon na nilagay n'ya sa pinggan ko. Pagkatapos mabalatan iyon ay sinubo ko kaagad. Napapikit ako sa sobrang sarap no'n. Manamis namis ang lasa. Umawang ang bibig ko.

"Try this shrimp it's delicious." Tinuro ko ang hipon sa plato ko ngunit nasa labi ko ang tingin n'ya.

Pumikit ako ng mariin nang dumampi ang labi n'ya sa 'kin. My mouth fell open when he easily entered his tongue inside my mouth and in just swiss move kinuha n'ya ang hipon na kakasubo ko lang gamit ang kan'yang dila. Namimilog ang mata ko. Bumitiw siya at kumurba ang ngiti sa kan'yang labi.

What the fuck?!

"Hmmm... Yeah, delicious..." He licked his lower lip while looking at me.

"W-what are you doing?"

"Tasting the shrimp?" He pursed his lips.

"Baliw eh nasa bibig ko na 'yon! Hindi ka ba nandidiri? Mayroon naman sa plato ah!" medyo pasigaw 'kong saad sa kan'ya.

My brows snapped together. He just grinned like he didn't hear anything. Hinawakan ko ang kan'yang tenga at pinalibot iyon.

"Ang landi-landi mo Fausa! Kakain na nga lang ang dami mo pang ginagawang kung ano."

Lies Between Us (Completed)Where stories live. Discover now