Chapter 47

6.3K 46 3
                                    

Chapter 47

Third Person POV

Singhapan at sigawan ng mga tao ang namayani sa loob ng gusali dahil sa lakas ng putok ng baril. Sa gitna nila ay si Slylexia na halos mapapikit na dahil sa matinding tama ng bala. Halos bumagsak na ang katawan nito sa marmol na sahig mabuti na lamang at mahigpit ang kapit ni Clate sa kan'yang baywang pinipigilan na hindi ito tuluyang bumagsak.

Sa bukana naman ng pintuan ay naroon ang nakaitim na estrangherong lalaki na bumaril sa babae. Gulat din ito sa nangyayari hindi inaasahan na iba ang mababaril n'ya. Nang bumalik ito sa sarili ay mabilis siyang pumanhik sa labas at kumaripas ng takbo.

Gulat na gulat na nakatitig si Clate sa mukha ni Slylexia na nahihirapan nang huminga. Nakaramdam siya ng kakaibang takot nang may makapa siyang likido sa likod ng babae. Rumihistro ang pangamba sa kan'yang mukha nang makita ang dugo sa kamay nito.

Nahigit ni Clate ang kan'yang hininga habang tinitigan ang kulay pulang likido. She's bleeding. He was looking at Slylexia's face with full of worry.

"I... I love... you..." Nahihirapan at nahihilong sambit ni Slylexia.

Dumagundong ang malakas na tibok ng puso ng binata. Mabilis ang kan'yang paghinga. No, she can't die... no... not yet. In his thoughts. Umiigting ang panga n'ya na hinaplos ang mukha ng babae.

"S-Slylexia..." Clate's voice were shaking in agony.

Ngunit hindi na muli ito nakapagsalita pa ulit. Basta na lang sumubsob ang ulo ni Slylexia sa balikat ni Clate. Napasinghap ang binata at tinapik-tapik pa ang pisnge nito para gisingin ngunit hindi man lang ito gumalaw.

"O-Open... y-your eyes please..." basag ang boses ni Clate at pumipiyok.

Nanginginig ang kamay n'ya na niyakap ito sa kan'yang mga bisig. Bakas ang pagkataranta sa mukha nito. Hindi alam kung ano ang una n'yang gagawin.

"Call an ambulance! Make it faster, please! She's losing a lot of bloods!"

Natagpuan na lang n'ya ang sarili na sumisigaw at humihingi ng tulong. Sa mga oras na 'yon isa lang ang naisip n'ya at iyon ay madala nang agaran sa ospital ang kan'yang kasintahan.

Sinubukan n'yang pahintuin ang pagdaloy ng dugo sa likuran ni Slylexia gamit ang kamay n'ya ngunit patuloy pa rin ito sa pag-agos. He frustrated strip his clothes. Pagkatapos ay pumunit siya roon ng maliit na tela para ipangtabon sa sugat ni Slylexia. 

While the receptionist was struggling calling some help. Ito ang unang beses na makakita siya ng isang krimen kaya natataranta ito kung kumilos. Mabuti at mabilis namang sumagot ang tinatawagan n'ya. Isa sa mga driver ng ambulansiya ang tinawagan n'ya. She was shaking in fear and struggling while holding the telephone.

Ang iilan sa mga empleyado ay halos hindi makagalaw at makapagsalita habang pinapanood ang nangyayari sa kanilang harapan. Miss Shayne took a steps when she heard a sirens of ambulance approaching. An old man and nurse entered the shop while holding a stretcher.

Nanatiling nakatayo ang receptionist na si Miss Shayne. Tumungo ang nurse at may katandaang lalaki sa puwesto nila Clate at Slylexia. Namamanhid na ang braso nito sa kakayakap kay Slylexia subalit mahigpit pa rin ang hawak n'ya rito. Bumitiw lamang siya rito nang kinalabit na siya ng nurse.

Umiigting ang panga at nagliliyab ang mga mata n'ya na nilingon ito. Unti-unting nagbago ang ekspresyon n'ya nang malingunan ang babaeng nurse. Sumenyas ang nurse rito na ilapag na si Slylexia sa stretcher.

Huminga siya nang malalim at tumango bago marahan na nilapag ang nanghihinang katawan ni Slylexia. Maingat ang kanilang mga hakbang papunta sa labas ng gusali. Mabilis silang nakarating sa ambulansiya at ipinasok doon si Slylexia.

Lies Between Us (Completed)Where stories live. Discover now