Chapter 15

2.4K 33 0
                                    

Chapter 15

Tumatagaktak ang pawis sa noo ko habang umaandayog sa gitna ng dance floor tinaas ko pa ang kamay upang sabayan ang musika. Marahan 'kong ginalaw ang katawan, nilagay ko ang kamay sa mahabang hita at hinaplos iyon pataas sa maikli 'kong palda.

Rinig ko ang pagtikhiman ng mga lalaki na nakaupo sa kabilang mesa. Nagsikuhan pa sila nang madapo ang paningin ko roon. Men are always men. Makakita lang ng maganda at sexy na babae agad na magkakagulo.

Niyaya ako ng isa sa mga naging fling ko noong high school na mag-club kaya sumama naman ako upang makalimutan ang mga nangyari nakaraang araw at para na rin magsaya. Nadischarged na si Mommy sa hospital kahapon. Sinabi ng doctor na nagkaroon daw siya nang trauma sa dugo kaya ganoon na lang ang reaksiyon n'ya nang makita ang duguan 'kong kamay.

Tinanong ko si Daddy kung saan nakuha ni Mommy ang kan'yang trauma ngunit hindi ito man lang ito umimik nang tanungin ko. Batid 'kong may kung anong tinatago sila sa 'kin. Nagsimula na akong magduda nong sinabi ni Mommy na may importanteng selebrasyon daw alam kung iba ang tinutukoy n'ya roon.

Kaya siguro pinapunta nila ako sa Spain at doon na mag-aral matapos 'kong makapagtapos sa high school dahil sa mga tinatago nilang sekreto.

The whole club filled with the different noises. Nakakabingi iyon sa tenga mabuti na lang at sanay na ako sa ganoong ingay. Nakakahilo ang mga lights sa paligid pero hindi pa rin ako nagpaawat at iniindak-indak pa ang aking katawan. Batid ko ang pagsulyap ng kalalakihan sa aking binti at katawan ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.

Napahawak ako sa aking damit nang maramdaman na napigtas ang laso sa leeg ko ang suot na halter top. The mens on the other side of club whistled at me na tila nasisiyahan pa sa nangyari sa damit ko. Perverts! I rolled my eyes at them.

Kinakap ko iyon sa dibdib ko kung saan nahulog at itinali pabalik sa leeg ko. Bumalik ulit ako sa pagsasayaw. I  stopped dancing when I felt someone grinding his body on my back.

Napangisi ako, hinawi ang hibla ng buhok sa likod ng tenga na nahuhulog sa aking noo. I face him. "You want to go somewhere else pretty girl? He smirked.

Sumalubong sa 'kin ang tsokolate n'yang mata. Kumislap iyon nang makita ang paninitig ko sa kan'yang mukha. He has a perfect sculptured jaw. May ilang hibla ng bigote ang kan'yang panga. A thin and red lips. And a pointed nose. He's a mestizo, namumula ang kan'yang mukha dulot siguro ng alak.

Matipuno ang kan'yang pangangatawan ngunit mas matipuno ang kay Clate. "Tangina!" I hissed when I realized I am thinking him again. Hay! Ano bang nangyayari sa 'kin?!

Lalong lumapit ito sa 'kin and snake his long hand on my waist. Ramdam ko ang hininga n'ya sa tenga ko. Napaigtad ako at mahinang tinulak siya, napahawak ako sa bibig ko nang maramdaman ang lalamunan na para'ng may kung ano na gustong lumabas.  

"Shit! Why?" naguguluhan n'yang tanong.

"I'm gon—" Hindi ko na ituloy ang sasabihin nang maramdaman ang pag-ikot ng sikmura ko at basta na lang kumaripas ng takbo kahit nakasuot ng mataas na boots. Lumiko ako sa kaliwang side at pumasok sa isang cubicle roon.

Napadekwatro ako sa inidoro upang magsuka. Hingal na hingal ako. "Shit! Kung kailan na may pogi roon pa ako magsusuka! Ang pangit talaga ng timing!" pagrereklamo ko sa loob ng cubicle, bad trip sa nangyari.

Tumayo ako at lumabas roon. Humarap ako sa salamin at naghilamos ng mukha. Napasimangot ako nang mapansin ang mga dark circles sa ilalim ng mata ko. Kumuha ako ng tissue, dinampi-dampi ko iyon sa mukha ko upang matuyo.

Medyo humaba na ang buhok ko at unti-unti na ring naglalaho ang kulay ash gray sa dulo nito. Lampas na iyon sa aking balikat. Tinali ko ito ng isang itim na crunchy na naka lagay sa pulupusuhan ko. Hindi na ako naglagay ng make-up, nangangati kasi ako minsan. Dinampian ko ng kulay pink na lipstick ang labi.

Lies Between Us (Completed)Where stories live. Discover now