Chapter 37

11.5K 62 0
                                    

Chapter 37

Nagising ako na nanginginig ang buong katawan at iniinda ang ulo. Naliligo ako sa sarili pawis. Habol-habol ko ang hininga dahil sa paulit-ulit 'kong panaginip. Halos gabi-gabi 'kong napapaniginipan ang nag-iisang kapatid na puno ng dugo ang katawan nito. After the accident I recovered some of my memories. The doctor said that I suffered from selective amnesia before the car accident happened.

The reason why I heard some voices because it triggers the memories I have with my brother. Kagaya na lang ng navy blue na nakapag-papaalala nito sa 'kin. I never thought na ang pagkaka-aksidenti ko pa ang makakatulong sa 'kin ang magkapagpabalik ng mga alaala na 'yon. I don't know what I want to feel. Kung masisiyahan o malulungkot ba.

It's already 3 years had been passed since the incident happened. Malaki na ang nagbago sa buhay ko matapos ang aksidente. Hindi ko talaga alam kung ipagpapasalamat ko ba na nabuhay ako. Aminin ko man o hindi may parti sa 'kin na gustuhan na lang ng tuluyan sa mundo but then, I still have a baby to take care of.

Sa kan'ya na lang ako humuhugot ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang buhay. Nawala man ang isang anghel ko nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos na may itinira siya sa akin dahil hindi ko talaga alam ang mangyayari sa 'kin kapag pareho silang nawala sa 'kin. At hindi ko alam kung anong gagawin.

Halos tatlong buwan akong na coma sa ospital. Nagulat na lang ako na malaki ang tiyan ko nang magising, 'yon pala ay buntis na ako bago pa man mangyari ang insidenti. Maging sinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ka naisip si Clate.

Walang araw na hindi ko siya naiisip pero nangingibaw sa 'kin ang galit. Kase hindi siguro mawawala ang isang anak namin kung minahal n'ya talaga ako. Isa lang sa kanila ang naisalba dahil maraming dugo ang nawala sa 'kin.

Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Maingat 'kong inilapag ang paa sa malamig na sahig. Napaangat ang ulo ko nang marinig na bumukas ang pintuan.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Nananaginip ka na naman ba?" Si Clyion iyon sa nag-aalalang tono.

Humakbang siya papasok sa aking silid at marahan na sinarado ang pinto. May dala itong tubig.

"Ayos lang naman." Tumayo ako sa pagkakaupo sa dulo ng kama.

Clyion was the one who helped me from the accident. Malaki ang utang na loob ko sa kan'ya dahil siya rin ang nagpagamot sa 'kin upang gumaling ako at nagbayad ng mga bayarin sa ospital.

Pauwi na raw ito sana sa Aklan nang madaanan n'ya ang sasakyan ko. Huminto raw siya at tiningnan n'ya kung ano ang nangyayari at doon n'ya natagpuan ang katawan ko na naliligo ng sariling dugo. He said that I'm really lucky dahil tama lang ang oras ng pagkadating n'ya kung sakaling nahuli raw siya ng ilang minuto ay baka abo na ang katawan ko.

The car exploded after we left. The driver of the truck escaped but he managed to find him. At iyon ang hindi ko alam kung paano n'ya nahanap samantalang wala namang CCTV doon.

"Sigurado ka ba? Baka nagsinungaling ka na naman d'yan ha at matatagpuan na lang kita na wala ng malay."

I rolled my eyes. Matanda ako sa kan'ya ng tatlong taon. Isa siyang doctor at kakagraduate n'ya lang nong isang taon. Minsang umamin ito sa 'kin na may gusto siya sa 'kin ngunit sinapak ko lang siya kaya hindi na muli itong nagtangka pang maghayag ng nararamdaman sa 'kin.

Clyion is a handsome, intelligent, talented and kind. Kahit sino yatang babae ay magugustuhan siya ngunit hindi ko na talaga gustong pumasok ulit sa isang relasyon. I'm thankful to have him as my friend and I don't want to break what we have now. 

Hindi ko siya deserve. Alam kung hindi pa naman ganoon kalalim ang nararamdaman n'ya sa 'kin at sigurado akong makakahanap pa siya ng babae na mamahalin siya ng buong-buo at hindi nakakulong sa nakaraan. Hindi ako iyon.

Lies Between Us (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora