Chapter 39

8.8K 55 1
                                    

Chapter 39

"No need to do that."

Pinasadahan ko ang nakalugay 'kong buhok at mataman na tiningnan siya. Nahuli ko ang titig nito sa 'kin ngunit agad rin nagbaba ng tingin nang mapansin ako na nakatingin sa kan'ya.

"Why are you acting like this? Magalit ka sa 'kin Sly. Stop pretending that you doesn't know me..."

Napapikit ako ng mariin. Bumuga ng hangin at pinilit na kalmahin ang sarili. Humigpit ang hawak ko sa blusang suot. Nanubig ang kan'yang mga mata na nilingon ako.

"You hate me, right? Then, sampalin o suntukin mo ako. Tatanggapin ko lahat... Just don't pretend that you don't know me... kase mas masakit iyon..." Humina ang boses n'ya.

Mas masakit, huh? Pwes deserve mo 'yan! Hindi pa nga yata namalahati sa sakit na naramdaman ko nang malaman na nawala ang isang kambal.

"It hurts? I don't care asshole! You deserve it naman! At huwag kang umasta d'yan na para'ng kasalanan ko pa ang lahat! When in the first place, it was all your faults!" Nakakabinging sigaw ko sa kan'ya tuluyan nang sumabog.

"Hindi ba't ginamit mo lang ako para makaganti kay Daddy?! Kaya bakit ka naman masasaktan ha?! Bakit? Tangina ka ba?!" Nagngingit ako sa galit.

"B-Babe... It was a misunderstanding. H-Hear m—"

Umiling ako.

"Don't talk anymore, please. Lubayan mo na ako... Hindi pa ba sapat ang paghihiganti mo kay Daddy? A-Ano pa ba ang gusto mo? Nagtagumpay ka na diba? Nasaktan mo na ako kaya magpanggap na lang tayong hindi magkakilala..." 

Mabilis 'kong iwinasiwas ang kan'yang kamay nang tangkain nitong abutin ang aking mga braso. Nakita 'kong dumaan ang sakit sa mga mata n'yang tinabig ko ang kan'yang kamay.

"No, don't do this to me Slylexia... para'ng awa mo na..." Bulong n'ya sa nanginginig na boses pero tama lang para marinig ko.

Aamba sana itong yayakapin ako ngunit umilag ako. Wala akong ibang naramdaman kundi galit na lang. Ayaw ko nang makita pa ang lalaking naging dahilan nang pagkawala ng isa sa mga anak ko. Hindi ko siya mapapatawad.

Aaminin ko na may naging kasalanan rin ako sa nangyari dahil naging careless ngunit hindi naman iyon mangyayari kung hindi n'ya ako pinagsalitaan ng kung ano-ano.

Marahas na tinulak ko siya. Halos maduwal ito sa lakas nang magkakatulak ko sa kan'ya. Para'ng wala siyang lakas na humakbang muli papalapit sa 'kin.

"Hindi ka ba talaga titigil?! Stop following me around Clate! You are disturbing me! Hindi ka pa ba nahihiya sa pinangagawa mo at may gana ka pang lapitan at kausapin ako matapos ang nangyari?! Ang kapal naman ng mukha mo!" Nanggagalaiti 'kong sigaw.

Hingal na hingal ako at habol-habol ko ang hininga. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman na kumirot ang ulo ko.

"What's happening here?" Si Mr. Fernando iyon bakas sa mga mata n'ya ang kaguluhan.

Napasinghap ako at dinilat ang mata. Natataranta 'kong binalingan si Mr. Fernando na nakatayo sa hamba ng pintuan. Nakakunot ang kan'yang na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Clate. His eyes narrowed when his eyes meet mine.

Bumaba ang mata ko sa sahig hindi makatingin sa kan'ya ng diretso. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kan'ya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kan'ya ang nangyayari.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na ex ko ito sapagkat ayaw ko nang maungkat pa ang nangyari sa aming dalawa ni Clate. Halos sumugat ang labi ko dahil mariin ang pagkakagat ko rito.

Lies Between Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon