Chapter 7

2.8K 40 0
                                    

Napabuntonghininga ako ng malalim, napansin iyon ni mommy kaya nang-usisa siya kung ano ang problema ko. Iling lang ang sagot ko sa kan'ya kasi kahit ako hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang problema sa ‘kin. Halata sa kan'yang mukha na hindi siya kumbinsido sa isinagot ko ngunit hindi naman ito nagsalita pa ulit.

Hapon na nang mapagdesisyunan ko na bisitahin ang nirentahan 'kong building para shop ko. Hindi gaya ng mga suot ko kadalasan paglumalabas naka casual lang ako ngayon. Nakasuot ako ng white t-shirt, itim na ripped jean at itim na boots. Pero kahit ganun ang suot ko lumilitaw pa rin ang kurba ng katawan ko.

Not to brag but my body is damn like a hourglass. I don't do diet but my body remains sexy and I thank you for that. Many agency's offer me to do the modelling but I'm not interested at all, so I refused.

Lumabas ako galing sa kotse, pinasadahan ang building na nirentahan. Dalawang palapag ito, hindi ganun kaliit at hindi rin ganun kalaki sakto lang ngunit hindi ko nagustuhan ang pintura nito na navy blue. I don't why but there's something on that color that made me uncomfortable. Tumatagaktak ang pawis sa noo ko, tila namanhid ang buo ‘kong katawan, hindi ako makagalaw habang nakatingin sa navy blue na pader.

Navy blue...

What's wrong with this color?

Nanlalabo ang aking paningin. And I felt dizzy.

I am hearing voices in my head. Then there's two people on my sight talking about something...

“What‘s your favorite color kuya?” It's a little girl who asked the boy. She's sketching on her drawing book and her right hand was holding a pencil. They are behind a big tree.

Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit na naramramdaman parang pinukpok ito nang kung ano mang matigas na bagay. Napapikit ako habang iniinda ang sakit. 

“Navy blue, baby Lexia," he answered the girl while smiling at her. Inayos n'ya pa nito ang buhok ng batang babae. Ang isang kamay niya ay may hawak na guitara.

What?

Who are they?

Why they are messing with my head?!

"But mine is pink kuya, your favorite color should be also pink the same with me."

Inilagay n'ya sa damuhan ang mga hawak sa kamay.

Nakabusangot ang mukha nito na naka harap sa lalaki. Tumawa ang lalaki kaya mas lalong sumama ang timpla ng mukha ng batang babae. He pinched the cheeks of the girl.

"We have a different tastes baby, your favorite is pink while mine is navy blue. And the color pink is so girly so it's not suited for me, okay?

My head ache again.

"Okay, can you sing me a song kuya?" she said while smiling.

Please, stop!

Stop talking you two!!!

Umiling ako.

Namimilipit ako sa sakit, nanghihina ang katawan ko sa kabila no'n sinubukan ko pa rin na kapkapin ang bag para hanapin ang cellphone sa loob nito ngunit bago ko pa ito mahawakan namalayan ko na lang na bumagsak na ang katawan ko sa malamig na lupa.

Nagising ako na iniinda ang ulo. Nakatulala ng ilang minuto habang pinagmamasdan ang puting kisame. Nasa hospital ako for sure. Napansin ko sa side table ang pagkain, roasted chicken at kanin iyon. Nakaramdam ako ng gutom.

Medyo naweirduhan ako sa nangyari kanina. Wala naman akong sakit sa ulo subalit bakit ganun na lang sumakit ang ulo ko nang makita ang pader na navy blue? Anong mayroon doon?

Lies Between Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon