Chapter 40

8.3K 56 0
                                    

Chapter 40

Tensyunado akong nagsquat para pulutin ang mga nalaglag na dala. Natataranta ako habang isa-isang pinupulot ang mga plato at kubyertos sa carpeted floor. Pagkatapos 'kong madampot ang lahat ay mabilis akong tumayo at humakbang paalis doon hindi na muli pang lumingon sa aking likuran.

Iniwan ko roon ang pinsan ni Clate na naguguluhan at hindi makapaniwala na buhay ako. For what I remembered his name was Kevon? And it means he's with Keon on that mall and they have seen my son. Fuck!

Pabalik-balik ako sa paglalakad sa harapan ng pintuan ko. Inaasahan na kakatok si Mr. Fernando at papagalitan ako dahil sa hindi ko pagsipot sa suite ni Clate. Well, actually pumunta naman ako eh kaso nalaglag lang ang mga dala 'kong pagkain. Ngunit ilang oras na ang lumipas ay wala paring kumatok. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba iyon o mas lalong ikakatakot. Baka sisantehin n'ya na ako pagnagkataon.

Mula nang pumasok ako sa loob ng opisina ay hindi na muli pa akong lumabas doon. Kahit na nanunuyo na ang sikmura ko at umaalburuto na ang aking tiyan. Gusto ko sanang utusan si Tanya na dalhan ako ng pagkain sa loob ng aking opisina subalit ayaw ko naman siyang istorbuhin pa sa kan'yang trabaho.

Hinilot-hilot ko ang aking sentido at pumikit ng mariin. I don't know what I am going to do. Ayaw 'kong malaman ni Clate ang tungkol kay Slade dahil alam 'kong mas lalo lang itong maghahabol at hindi titigil sa pagsunod sa 'kin. Ayaw ko na may mamagitan pa sa aming dalawa. Natuto na ako sa mga kasinungalingan n'ya.

Nakaya ko naman na palakihin ang anak ko ng dalawang taon na walang ano mang tulong n'ya. Kaya makakaya ko rin itong alagaan sa mga susunod pa na taon kahit wala siya sa tabi namin. Ayaw ko na siyang bigyan pa ng responsibilidad pa. Mapait akong napangiti nang maalala ang sinabi n'ya na magiging mabuting anak siya. Pinilig ko ang ulo ko para mawala iyon sa isipan ko. 

Mabilis akong napamulat nang marinig ang ingay ng cellphone ko. Agad dumako ang paningin ko sa ibabaw ng wooden table kung saan ito nakalagay. Walang emosyon ko iyong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag sa 'kin. Umayos ako ng upo nang makita na si Clyion ang tumatawag. Huminga ako nang malalim bago ko sinagot iyon.

"Hello Ion..." Pinasadahan ko ang buhok.

Kung dati ay hindi ako nagpapahaba ng buhok pero ngayon ay mahaba na ang buhok ko, abot na ito hanggang bewang ko. Ayaw ko kasing may nakakilala sa 'kin. Binago ko na rin ang pananamit ko. Hindi na mamahalin at engrande ang mga damit na sinusuot kundi mga simple na lang.

"Mi...mi... Mimi." I pursed my lips while listening to my son's low voice in the other
line.

Nakaawang ang labi ko at gulat na gulat ang mukha ko. Napalitan ng isang ngiti ang nakaawang 'kong labi matapos marinig ang mala anghel na boses ng aking anak. Pumatak ang butil ng luha sa aking mata. He really know how to lighten my mood. He knows when to comfort me. Mahal na mahal ka ni Mimi anak that to the point I'm gonna lose myself if you leave me.

Naglakad ako papunta kung saan nakapuwesto ang swivel chair at umupo roon tsaka humilig. Pinakiramdaman ko muna ang mahinang boses n'ya sa kabilang linya bago nagsalita.

"B-Baby... k-ko..." A small smile escaped from my lips.

I heard him giggled and laughter in the other line. Nawala ang lungkot at takot na naramdaman ko kanina nang marinig ang tawa ng anak ko. Para'ng may humahaplos sa puso ko.

Compared to other children, my son find it hard to speak. Dalawang taon na ito ngunit hindi pa rin siya tuwid magsalita. Mimi lang na salita ang kaya n'yang ibigkas the rest ay nahihirapan na siya. Sabi ng doctor ay epekto raw iyon ng pagkaaksidente ko.

"M-Mi-imi! W-Wab... y-yu..." He uttered happily.

My mouth dropped. Hindi makapaniwala sa iniusal ng anak. My eyes broadened in shock.

Lies Between Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon