Chapter 42

7K 55 1
                                    

Chapter 42

Nong gabing iyon ay maayos ang tulog ko kahit nasa sofa ako natutulog. It's been a year since I feel the calmlessnes of my heart. Hindi ko alam kung bakit pero panatag ang puso't isipan ko kagabi.

I stretched out my arms upward and frowned. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata bago tumayo sa pagkakaupo sa sofa. Inikot ko ang paningin sa paligid. Hindi pa sila gising? Kinuha ko ang telepono sa ibabaw ng babasagin na lamesa para tingnan ang oras. 5:30 o'clock in the morning, mga ganitong oras ay gising na si Slade. Himala yata ngayon na hindi siya nagising ng maaga.

Humakbang ako papunta sa kuwarto namin ng anak ko. Dahan-dahan 'kong binuksan ang pinto para hindi sila magising sa pagtulog. Sinilip ko sila sa loob ng kuwarto. Napangiti ako nang makita na mahimbing ang tulog ng anak ko. Nakapatong ito sa dibdib ng kan'yang ama. Lumipat ang tingin ko sa natutulog na Clate.

Gaya ng anak n'ya ay mahimbing din ang pagkakatulog n'ya. I looked at his face like memorizing his whole bare face and features.

My lower lip quivered. Bago pa kumawala ang mahinang hikbi sa bibig ko ay mabilis ko nang sinarado ang pinto at hinawakan ang bibig. I cried out silently. I don't want them to wake up just because of my low sobs and cries.

Naglakad ako patungo sa kusina at doon umiyak nang umiyak. Ipinatong ko ang dalawang braso sa sink at idinikit ang noo sa aking mga kamay.

Ilang oras din akong umiyak at humikbi roon bago gumalaw para magluto ng agahan naming tatlo. Hindi ako bumibili ng pagkain dahil mahal ang presyo kaya ako na lang mismo ang nagluluto ng kakainin namin ng anak ko. Bahala na si Clate sa sarili n'ya kung kakain ba siya ng luto ko o mag-o-order na lang.

I just cooked a scrambled eggs and bacons. Paborito iyong kainin ng anak ko kaya 'yon na lang ang napapagpasiyahan 'kong lutuin. Dahil mas madali lang at may trabaho pa ako kaya gahol pa sa oras kung mas magtatagal pa ako sa lulutuin. Inilagay ko sa gitna ng tinapay ang bacons at itlog at inilapag iyon sa pinggan.

Pinatay ko na ang celine. Are they still sleeping? Icheck ko nga baka gising na silang dalawa. Akmang hahakbang na ako patungo ulit sa kuwarto ngunit naaninag ko na ang bulto ni Clate na buhat si Slade kaya napatigil ako at umupo na lang.

I swallowed hard when I saw his bare and disheveled chest. Wala siyang pang-ibabaw na suot kaya kitang-kita ko ang anim n'yang pandesal. Wow! Ulam! Shit! What I am thinking? Pinilig ko ang aking ulo trying to shrugged off my dirty thoughts.

Umiwas na lang ako nang tingin and tried to divert my attention to the other things. Ang mga baso na lang pinagdiskitahan ko.

Hinalo ko ang juice na tinimpla sa pitsel. Kumuha ako ng kunti roon gamit ang kutsara at sumimsim. Tinakpan ko na ang pitsel nang masatisfied sa lasa ng juice.

Nasa tapat ko na si Clate at nakatitig sa aking ginagawa. I pointed Slade's small chair. Doon ko siya pinapaupo kapag kumakain kaming dalawa. It was his Tito's Clyion gift for him when he celebrated his 2nd birthday party.

His birthday was not grand because I don't want to expose him to the people but it was fun. Kasama namin sina Ion at ang pamilya nito na idinaraos ang kaarawan ng anak ko.

Marahan na inilapag n'ya naman si Slade roon. Napangiti ako nang masayang pumalakpak at sumigaw ang anak ko.

"Mimi!" He said happily. 

Sinubukan n'ya pang abutin ang braso ko ngunit hindi n'ya ito maabot dahil masyado akong malayo sa kan'ya. Kaya hinila ko ang upuan malapit sa kan'ya. Agad n'ya akong niyakap nang mapalapit na sa kan'ya.

"Be careful baby. Baka malaglag ka. Wait lang just sit on your chair. Kukuha ako ng pagkain mo para subuin kita." Pinasadahan ko ang kan'yang buhok.

Napanguso ako habang pinagmamasdan siyang naupo ulit sa upuan. Good boy. Kumuha ako ng maliit na parti ng itlog na natira sa ipinalaman sa tinapay at sinubo sa kan'ya. Tumalon ang puso ko nang pagmasdan siyang sarap na sarap sa pagkain at matamis na napangiti. 

Lies Between Us (Completed)Where stories live. Discover now