Chapter 35

12K 84 2
                                    

Chapter 35

Naalimpungatan ako sa pagkakatulog nang mahimbing dahil sa ingay ng aking cellphone. Alam ko na phone ko iyon sapagkat 'yon ang ringtone na nilagay ko. Who is calling me anyway? Iniistorbo n'ya ang pagtulog. Tinabunan ko ng isang unan ang aking tenga upang hindi na marinig pa ang ingay na nagmumula sa phone ko. Napangiti ako nang hindi ko ito marinig. Nakatulog ulit ako.

Tanghali na nang magising ako. Tirik na tirik na ang araw nang makababa ako sa kamang hinihigaan. Kinusot ko ang aking mata at nagstretching ng kamay. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kulay pink na kurtina roon. Napapikit ako nang masilaw sa sinag ng araw.

A new day, a new start. Forget those problems and negativities on your system Slylexia. You should enjoy your life. Don't let those negative vibes affects you.

Sinarhan ko ang bintana at hinawi pabalik ang nakatabon na kurtina. Bumuga ako ng hangin bago tumango. I roamed the whole room it's still the same when I left it a years ago.

Naroon pa ang picture nang naggraduate ako sa high school. Lumapit ako roon at hinaplos ang litrato na nakadikit sa pader. Tatlo kami sa litrato. Nasa gitna ako habang si Mommy at Daddy ay sa magkabilang gilid ko. We are all smiling. Nakaakbay sa 'kin si Daddy habang si Mommy naman ay nakahawak sa kamay ko. Kinuha ko iyon para matitigan pa nang maayos.

"We really looks good together as a family." I caressed the pictures.

Pinagtataka ko lang kung bakit magkamukha naman kami ni Daddy kahit hindi kami tunay na mag-ama. That's the reason why I didn't doubt it because we really look alike. Kumunot ang noo ko na pinagmamasdan ang litrato. What if he's really my father? I'm his daughter from other woman. Ipinilig ko ang aking ulo. No, he will never cheat on Mom. Ako mismo ang nakasaksi kung gaano n'ya ito kamahal. Sobrang napakaimpossible.

Maybe there's a reason why we're look alike. Hindi ko iyon malalaman kung hindi ko sila tatanungin. Maybe I can go back to the mansion when I'm ready to face them, it's not that time yet. 

Binalik ko sa pagkakasabit nito sa pader. Humakbang na ako papunta sa pintuan ng silid subalit napatigil ako nang mahagip ng aking mata ang vanity area ko dati. Huminga ako nang malalim bago iyon nilapitan.

Dito ako nag-aayos ng mukha at buhok sa tuwing papasok ng paaralan. Hinaplos ko ang bakal na upo roon. Oh, there's no dust. Nililinisan pa rin pala itong condo ko kahit wala na ako.

Umupo ako roon at tinitigan ang repleksiyon sa malaking salamin. My eyes narrowed when I saw my pale face along with dark circles below my gorgeous eyes.

Pinasadahan ko ang malambot 'kong buhok. Should I dyed it? But what color? I tried a blue one maybe it suited to me.

I opened all the drawers on the table. My eyes widened in appalled when I saw my old make-ups are still there. Sinuri ko muna iyon at binuksan. Pudpod na ang mga powders at medyo tuyo na rin ang mga cream. Well, I'm not surprised anymore it's a long ago when I left it here. Tumayo na ako roon sa pagkakaupo at dumiretso sa pintuan upang lumabas.

Nakanguso ako habang nakatingin sa mga pagkain na niluto. All of it are burns. Naging kulay itim na ang itlog at tinapay na nakalagay sa ibabaw ng counter.

"What I should do now? I lost my wallet. Naroon pa naman ang mga credit card at pera ko."

Sinubsob ko ang mukha sa counter. Anong kakainin ko ngayon? Nagugutom na ako. May natira ngang pera sa bag ko ngunit 100 lang iyon tapos binili ko pa ng itlog at tinapay hindi ko rin naman pala makikinabangan. Anong maibibili ko sa bente pesos? Wala pang gasolina ang kotse ko. Paano na ako nito?

I heard the door bell kaya napaangat ang ulo ko sa pagkasalampak. Sino kaya iyon? I'm not expecting for someone, eh. Tamad akong bumaba sa high chair. Dire-diretso lang ang lakad ko upang buksan ang pinto.

Lies Between Us (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora