Chapter 20

2.7K 36 0
                                    

Chapter 20

His lips pursed. Hindi ko alam kung dahil ba sa naging reaksiyon ko kaya siya nangingiti o sa ibang paraan. Sumimangot ako na hinarap siya. Ang kan'yang dalawang kamay ay nakahawak sa steering wheel nasa harapan ang paningin.

"Why are you smiling like idiot?" My thick brows furrowed.

Ang hirap n'ya basahin kanina ay para'ng tamad na tamad siyang kumilos at walang gana pero ngayon para'ng baliw na nangingiti kahit wala namang kangiti-ngiti. Sumandal ako sa upuan ng kotse.

He just parted his lips and grinned. "You look adorable kanina." Inihinto n'ya ang kotse sa harap ng sikat na cafeteria bago ako hinarap na may multong ngiti sa labi.

Ipinagdikit ko ang dalawang kilay nagtataka kung bakit siya huminto. "Why we stopped? May bibilhin ka ba?" I curiously asked. 

Inalis n'ya ang seatbelt at lumabas sa sasakyan akala ko papasok na ito sa cafe ngunit umikot lang pala ito para pagbuksan ako ng pinto. Nakakunot ko siyang hinarap, nilagay ko sa likod ng tenga ang iilan na hibla ng buhok na nahuhulog. Yumuko ito at ipinasok ng kunti ang ulo sa loob.

"Are you not going out? Hindi ka nakakain ng maayos sa inyong bahay kanina. That's why we stopped I want you to eat something healthy before going to your work." He take off the seatbelt.

Hindi pa rin ganoon kaayos ang pananalita n'ya sa tagalog pero hindi na ganun kalala nong una. Napakurap-kurap ako, sobrang lapit naming dalawa. Para'ng hinuhugutan ako ng hininga, sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko ang hininga n'ya sa aking leeg tila sinisilaban ako kapag dumadampi roon ang mainit n'yang hininga. I heard his low chuckled bago lumayo sa 'kin at tumuwid nang tayo.

Shit! Sobrang hulog na hulog na ako kahit hindi pa man kami! Hindi ko alam kung maka kaahon pa ba ako. Inabot n'ya ang kan'yang kamay sa 'kin. I shrugged off kaya ibinaba n'ya rin 'yon kalaunan subalit hindi pa rin siya umalis sa harapan ng kotse. Lihim akong napanguso nang ilagay n'ya ang malaking kamay sa ibabaw ng ulo ko para hindi mabunggo sa kisame ng kotse.

Hinintay n'ya talaga akong makalabas bago maglakad. Tumitigil siya sa paglalakad kapag napapansin na malayo na ang agwat naming dalawa nahihirapan kasi akong maglakad ng mabilis dahil sa masikip ang suot 'kong skirt. Damn those long legs! Hindi naman ako maliit pero dahil sa sobrang tangkad n'ya ay nagmumukhang pandak ako.

Narinig ko ang kalabog ng mga paa sa likuran ko na tila nagmamadali sa paglalakad.

"Tumabi ka!" sigaw ng lalaking humahangos sa pagtakbo, nabangga n'ya ako.

"Hey! Watch out!" dinig 'kong galit na sigaw ni Clate ngunit huli na dahil nabangga na nito ako.

Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang sakit sa kaliwang braso, muntik nang mabuwal kung walang humapit sa aking baywang.

Natanaw ko pa ang likuran ng lalaking bumangga sa 'kin dire-diretso lang ang lakad na para'ng walang nabangga. Tangina ah! Ni hindi man lang lumingon at nag sorry sa 'kin! Umuusok ang ilong ko sa inis at galit sa lalaki.

Nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Kitang-kita ko kung pano kumislap ang kan'yang mata sa tuwing nasisinagan ng araw. Para'ng tumigil ang oras, nahigit ko ang aking paghinga at natameme sandali. My knees trembled kung hindi n'ya lang ako hawak malamang baka nakasalampak na ako sa lupa. His lips protruded.

His jaw tightined as he craned his neck. He was intently looking at me like his memorizing my face.

"Be careful next time. Are you okay? Not feeling anything?" The concerns was all over his face.

Sinuri n'ya ang kabuuan ko, tumigil ang kan'yang mata sa namumula 'kong braso.

Tumango ako sa kan'ya kahit hindi naman talaga ako okay. Masakit pa rin ang braso ko! Damn that man! Hindi tumitingin sa dinadaanan n'ya! Pinasadahan n'ya ulit nang tingin iyon bago bumalik sa paglalakad pero nasa likuran ko na siya hindi hinahayaan na mauna siya sa paglalakad. Nang nasa harapan na kami ng glass door ng cafe ay pinagbuksan n'ya pa ako ng pinto bago pumasok doon.

Lies Between Us (Completed)Where stories live. Discover now