Chapter 41

7.9K 56 3
                                    

Chapter 41

Nakatulala ako sa ibabaw ng kisame. Nasa loob ako ng banyo nagliligo. Nakasanayan ko na maligo pagkatapos ng trabaho ko. Lumilipad ang isipan ko habang sinasabonan ang katawan. Ilang beses na ngang nahulog ang sabon na hawak ko sa tiles. Hindi ko na rin mabilang ang pagbuntong-hininga ko.

Pagkatapos ng kaganapan na nangyari kanina ay hindi ko nahagilap pa si Clyion. Umuwi na lang ito na hindi nagpaalam sa 'kin. At si Slade ay hindi na muli pang umalis sa tabi ng kan'yang ama. Ibinilin ko na lang muna siya kay Clate dahil ayaw na n'yang mawala sa panangin n'ya ang ama.

Nakakapit ito nang mahigpit sa damit ni Clate nang tangkain 'kong kunin siya kaya iniwan ko na lang muna roon kahit labag sa kalooban ko. At ayaw ko naman siyang malungkot. Nakita ko kung gaano kumislap ang mga mata n'ya sa amahin kaya 'kong maramdaman ng anak ko na nilalayo ko siya sa kan'yang anak.

Inaamin ko na hindi ko naman talaga gusto na magkita at magkakilala pa sila pero lahat ng 'yon ay nawala nang makita ko kung paano kasaya at kuminang ang mata ni Slade. Kaya kahit ayaw ko nang makita pa si Clate ay titiisin ko na lang kung iyon ang ikakasaya ng anak. Hindi ko na ipagkakait pa ang anak ko sa kan'ya.

As long as my son is happy I'm willing to do anything for him even it hurts me. Hangga't hindi nasasaktan ang anak ko ay hahayaan ko na magkasama sila ng kan'yang ama na minsan ko na ring minahal. I stretched my arms to pick the soap on the floor.

Tumayo ako sa pagkakahiga sa bathtub nang maramdaman ang lamig na nanunuot sa aking katawan. Itinapat ko ang shower sa katawan ko upang mabanlawan na ang sarili at para na rin mawala ang mga bula roon.

Madilim na sa labas nang sumilip ako sa bintana. Pagkatapos 'kong mabanlawan ang sarili ay bumaba na rin ako sa bathtub at hinigit ang tuwalya na nakasabit upang ipulupot iyon sa nakahubo't hubad 'kong katawan. At ang isang tuwalya naman ay ibinalot ko sa basang buhok.

Nakapatay pa ang buong kwarto nang lumabas ako ng banyo. Kanina pa kasi ako nakababad sa tubig kaya hindi ko napansin na gabi na pala. Pagkatapos kasi ng ganap kanina ay dumiretso na agad ako sa banyo upang maligo.

Kinakapkap ko ang switch ng ilaw at nang mahanap na iyon ay agad ko itong pinindot kaya lumiwanag na rin ang silid. Tinungo ko ang aparador kung saan nakalagay ang mga damit namin at binuksan iyon. Kinuha ko ang magkapares na pantulog doon at kulay itim na panty.

After putting my clothes on my body I picked up the blower inside my cabinet. I just wore a simple hello kitty t-shirt and pajama. Pinatuyo ko ang buhok ko. Nakatingin ako sa salamin habang pinapasadahan ang buhok. I smiled. Pretty always, damn! Hindi ko alam pero palagi ko iyong ginagawa. I think I'm obsessed looking myself on the mirror.

Pagkatapos 'kong mapatuyo ang buhok ay lumabas na rin ako sa aking silid. Ang room namin ng anak ko ay iisa lang ang kuwarto kaya palagi talaga kaming magkatabi matulog. I doubt na matutulog iyon na hindi ako katabi. Hindi ganoon kalaki ang room naman pero sapat na sa aming ng anak ko. Basta may maliit na kusina, kuwarto at banyo ay okay na sa 'kin.

Tinungo ko ang kusina at kumuha ng itlog sa  lalagyan tsaka binati iyon. Inion  ko na rin ang celine upang magsimula ng magluto. Hinugasan ko muna ang kawali bago iyon isinalang sa apoy. Pinatagal ko ng ilang minuto bago nilagay sa kawali ang itlog.

Kagaya ng kanina ay naghintay ako ng limang minuto bago ibinaliktad ang itlog. Napangiti ako nang makita na hindi sunog iyon. Nong una ko kasing luto nito ay nasobrahan sa luto kaya nasunog. Nang luto na ito ay kaagad ko rin itong inilagay sa plato.

Pinahiran ko muna ang pawis sa aking noo bago sinaksak ang rice cooker sa saksakan. May bigas at tubig na iyon, niready ko na kanina pa para madali na lang. Kinuha ko ang mga kalat sa lamesa at tinapon sa basurahan. Kumuha ako ng damit na hindi ginagamit at iyon ang ginawa 'kong pamahid sa lamesa.

Lies Between Us (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora