Chapter 36

11.4K 58 0
                                    

Chapter 36

Third Person POV

Sa isang mamahaling sasakyan ay may nakasakay na dalawang magkapatid na babae at lalaki. Ang lalaki ay mga nasa kinse anyos at ang babae naman ay nasa apat o limang taong gulang lamang.

Nagkakasiyahan silang dalawa sa loob ng kulay itim na kotse. Minsan pa nga ay nadadala rin sa pagkanta ang kanilang driver dahil sa kakulitin nila pareho. Malakas kasi ang tugtog ng kanta sa loob ng sasakyan at masiglang kanta pa ito. Namamayani ang malakas na boses ng dalaga at binata. Nagheheadbang pa minsan sila.

Ngunit nahinto iyon ng may mga sasakyang humarang sa kanilang kotse dahilan upang mapapreno ng biglaan ang kanilang driver. Pinalibutan ng mga sasakyan ang kanilang ford.

"What's happening kuya?" Kunot noong tanong nito sa kapatid na lalaki.

Lumabas ang mga armadong lalaki sa iba't ibang klaseng kotse na humarang sa kanila. Lima lahat iyon, dalawa sa bandang likuran at tatlo naman ang sa harapan. 

"Why did we stopped? Is there a problem?" mahinang tanong n'ya.

Hindi siya sinagot nito dahil kagaya n'ya ay nalilito rin ito sa kung anong nangyayari sa labas. At dahil titig na titig ito sa labas, binabantayan ang kilos ng mga nakaitim na lalaki.

"Sinong mga yan manong? Bakit sila humaharang sa dinadaanan natin?" Tanong n'ya sa medyo may katandaan na driver. 

Sinadya n'yang itanong sa tagalog dahil alam n'yang hindi masyado nakakaintindi ang kapatid sa tagalog na lengguwahe. Hindi kase ito lumaki sa Pilipinas kaya hirap siya sa pagsalita at pag-intindi ng tagalog. At ayaw n'ya rin na may mapansin na may problema silang kinakaharap kaya 'yon ang ginamit n'yang wika.

"Hindi ko rin sila kilala sir, sandali lang po at lalabas ako sa kotse upang tanungin sila." Binuksan n'ya ang pinto ng kotse.

"Sige po. Ingat kayo." Tumango ito ngunit bakas ang pagkabahala sa kan'yang mukha.

Pinatili ng binata ang pagiging kalmado n'ya kahit na may masamang kutob na siya sa maaaring mangyari. Takot siya. Hindi para sa kan'yang sarili kundi para sa nakakabatang kapatid n'ya. Isa lang ang tumatakbo sa isipan ng binata at iyon ay ang kaligtasan ng kapatid. Hindi baleng may mangyari na sa kan'ya huwag lang sa kapatid.

Kahit alam na n'yang may mali sa mga ikinilos ng mga misteryusong lalaki ay pinaniniwala n'ya pa rin ang sarili na baka mali lang ang naiisip n'ya o 'di kaya masyado lang siyang nag-iisip ng masama. Pinagmasdan n'ya ang paglapit ng driver sa mga lalaki.

Napansin ng kapatid n'ya na kanina pa siya tumitingin sa labas kaya iniiangat nito ang paa at tumayo upang tingnan din kung anong nangyayari sa labas. Ngunit bago pa ito dumungaw ay tinakpan na ang kan'yang mata ng kapatid.

"Ughh kuya! Why did you cover my eyes with your dirty hand?!" reklamo n'ya.

"Shhhh. Don't be noisy Seyah." tensyunadong saad n'ya.

Pinagpawisan na siya ng malamig ng makitang tinutukan ng baril ang kanilang driver lalaki. Doon na n'ya nakumpirma ang hinala. May balak na masama ang mga taong 'to sa amin ng kapatid ko, sa isipan n'ya. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at nagmamadaling dinampot ang cellphone sa gilid.

Mabilis ang mga kilos n'ya na tila may humahabol sa kan'ya na isang mabangis na hayop. Tinawagan n'ya ang ama. Hindi pa nakatatlong ring ay agad na may sumagot nito.

"Hello Scate, anak. Bakit hindi pa rin kayo nakadating dito? Dapat kaninang alas nuebe pa kayo ni Sly ahh."

Nanalo ang ama nila sa pagpapatakbo ng mayor kaya naghanda ito ng salo-salo sa mga tao para icelebrate iyon at para na rin pagpasalamatan ang mga taong sumuporta sa kan'ya. Dapat ay sabay sana silang pumunta kung saan gaganapin ang nasabing selebrasyon ngunit tanghali na sila nagising. Kaya iniwan sila ng mga magulang at  ipinasundo na lang sa driver.

Lies Between Us (Completed)Where stories live. Discover now