001

321 46 25
                                    

MICHAEL

Habang naglalakad kami ng kaibigan kong siraulo papunta sa parking lot. Naagaw ang atensyon ko ng isang babae na nakatayo sa waiting shed, naghihintay ng masasakayan papauwi.

"Hoy Khael! Natulala ka bigla dyan?" Napalingon ako bigla kay Caspian nang kausapin ako nito.

"Wala lang. Trip ko lang matulala." Ani ko. Tinignan niya ako agad ng masinsinan sabay kinindatan ako.

Parang ulol lang. Abno talaga itong si Caspian.

"Ikaw ha...crush mo ata iyong babae na nasa may waiting shed." Agad ko siyang tinignan ng masama na siyang ikinatawa niya.

"Tss...kita ko yung pagkatulala mo! Ulol!" Pang-aasar sa akin ni Caspian. Sa subrang inis ko sa kaniya ay kinaltukan ko siya.

"Parang mga gago to. Umalis lang kami sandali nagbabardagulan na kayo." Sabi ni Klent na kasama si Luis galing sa Convenience Store, bibili raw kasi ng pasalubong sa mga anak nila iyong dalawang kumag.

"Oh Khael, pakibigay itong pasalubong ko sa inaanak ko." Tumango naman ako sa kaniya at kinuha ang paper bag na bigay niya.

Kami na lang ni Caspian ang natitirang single dito. Si Caspian na gago hindi pa nakaka-move on sa ex niyang si Athena.

Samantalang ako? Hystt ewan. Heto, tatanda na atang binata ang isang tulad ko.

Habang nag-aasaran kaming magkakaibigan sa labas may parking lot ay bigla na lamang umulan. Agad akong pumasok sa kotse ko, ganoon din ang tatlong kaibigan kong siraulo.

"Paano ba yan mga pre? Hindi na tayo makakapagkain ng sama-sama ngayon sa paborito nating restaurant. Ang lakas ng ulan oh." Saad ni Caspian habang nasa loob mg kotse niya, tinignan namin siya ng masama.

"Anong connect ng malakas ng ulan sa pagpunta natin sa paborito nating restaurant?" Sarkastikong tanong ni Luis kay Caspian.

"Tinamad ako bigla pumunta pa doon erp." Ani niya habang kumakamot sa ulo. Napailing na lamang ako. Mga gago talaga.

"Bahala na nga kayo dyan, mauuna na ako. Magsiuwi na kayo, next time na lang tayo gala." Usal ni Klent at pinaandar na ang kotse niya. Sumunod naman si Caspian at Luis.

Pinaandar ko na rin ang kotse ko papalabas ng parking lot ngunit napatigil ako ng kotse ng makitang naroon pa rin ang babae na tinititigan ko kanina sa may waiting shed.

Dumaan ako sa harapan nito. Bumaba ng koste at lumapit sa kaniya.

"Miss, sabay ka na sa'kin." Sabi ko habang may hawak na payong at papalapit sa kaniya.

"Ah eh..." Tumingin muna siya sa paligid sabay tumungin ulit sa akin.

"Sige, makikisabay na lang ako. Tutal wala naman nang dumaraan na sasakyan. Kanina pa ako naghihintay rito, puro punuan na. Hindi ako makasakay."

"Okay, tara na." Lumapit siya sa akin upang mapayongan ko rin siya at sabay kaming naglakad papunta sa kotse kong nakaparada.

Pagkatapos kong pagbuksan siya ng pintuan ay pumasok na rin ako sa driver seat.

Tahimik kong pinaandar ang kotse siya naman ay nakatingin sa labas ng bintana.

"Pwede ko bang i-imagine na boyfriend kita ngayong araw?" Pangbabasag niya ng katahimikan. Nagulat ako sa sinabi niya kaya bigla kong naipreno ang kotse.

"Hoy! Lafota papatayin mo ako ng maaga dun ah!" Sigaw niya

"Ang speed mo naman kasi."

"Eh tinatanong lang naman kita kung maari bang i-imagine ko na boyfriend kita kahit ngayong araw lang? Parang ikaw iyong lalaki na laging nasa panaginip ko eh...ewan ko ba pero baka kahawig mo lang." Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Augustine...

Nais kitang muling mahagkan.
Ngunit hindi pwede at wala akong lakas ng loob.

Alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan kung bakit ka nagkaganiyan.

Nagbabadya na ang luha sa aking mga mata.
Buti na lang at napigilan ko ang aking emosyon.

"Ah ganun ba? Sige, i-imagine mo ngayong araw na ako ang boyfriend mo."
Sana hindi na lang hanggang imagine diba?

Sana hindi na lang hanggang ngayong araw mo lang i-imagine na boyfriend mo ako?

Pwede naman sana nating totohanin kung iyong gugustohin.

"Ganito kasi, may nabasa ako sa wattpad na nasa kotse sila ng boyfriend niya tapos nag-aaway sila." Pagkukwento niya, tahimik naman akong nakinig.

"Okay, hindi ko alam kung ako lang ba. Kaya gusto ko may kotse iyong jowa ko, in the future. Para kapag nag-away kami sasabihin niya..." Pangbibitin niya at natatawang tumingin sa akin.

"Ano? Anong sasabihin ng boyfriend mo?" seryosong tanong ko.

" Sasabihin niya 'Babe! What the hell is your problem?' tapos sasabihin ko. 'Stop the car! I said stop the car!' kaso syempre hindi mo naman pwedeng gawin sa MRT yun." Natawa na lamang ako sa pinagsasabi niya.

Malala na ang babaeng ito. Nilamon na ata ng tuluyan ng Wattpad.

"Hahaha pwede ka nang maging artista. Galing mo umacting bilang character sa Wattpad." Natatawang sabi ko.

"Syempre! Ako pa ba?" Pagmamayabang niya.

Dapat pala hindi ko na lang ito pinuri, lumaki tuloy ang ulo.

"Narito ka na sa bahay niyo." Sabi ko sa kaniya na siyang ikinagulat niya.

"What? Paano mo nalaman ang bahay ko!? Aba stalker kita ano? Magnanakaw ka?! Holdaper ka!? Asawa ba kita past life!? Kanina pa lang tayo nagkakilala ah? Asan ang hustisya? Kilala mo ko tapos hindi kita kilala?" Sunod-sunod na tanong niya, napailing na lamang ako habang natatawa sa reaksyon niya.

Kinuha ko na ang payong ko sa may back seat at ibigay sa kaniya.

"Sige na, pasok ka na sa bahay niyo. Heto payong oh." Sabi ko, nagugulohan niya naman akong tinignan.

Nilapitan ko siya at ginulo ang buhok niya. Nang papasok na siya sa gate ng bahay nila.

Humarap ito muli sa akin.

"Hoy Ungas! Anong pangalan mo? Inimagine ko na boyfriend kita't lahat lahat eh hindi pala kita kilala. Tsaka hindi mo ba ako hihingian ng bayad? Nako ikaw ha...Crush mo ko nu? Stalker kita ano!?" Tanong niya ulit. Natawa na lamang akong muli.

"I'm Lavine. Sige na, pasok na sa bahay niyo. Nababasa ka na ng ulan oh." Saad ko. Madaldal pa rin talaga siya hanggang ngayon.

"Hmmp. Sige, Loving! Bye!" Mali ata pagkakarinig niya sa pangalan ko. Pero ayus na rin. Loving? Mas gusto ko yan. Kaya mahal kita, Augustine eh!

Pinaandar ko na ang kotse ko papauwi sa bahay. Habang nagdadrive hindi ko mapigilang mapangiti, binigyan niyang sigla sa akin ang araw na ito.

Sana kapag dumating ang araw na malaman mo ang totoo. Huwag mo sana akong kasuklaman mahal ko.
___

Please kindly votes and comments your feedbacks! Kindly follow my Wattpad Account for more updates and announcements. Thank you!

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now