029

78 6 9
                                    

3 YEARS AGO [FLASHBACK]

___

MICHAEL

Dust Augustine...nasaan ka na?

Patuloy ang paghanap ko sa kotse niya pero wala talaga.

Nahihilo ako pero nilabanan ko ang antok na nararamdaman ko. Nanglalabo na rin ang paningin ko dahil sa alak. Subrang sakit na ng ulo ko.

Nilabanan ko ang antok na nararamdaman ko at pinagpatuloy ang pagdadrive.

Taranta na ako sa paghahanap sa kaniya.

Natatabunan pa ng iilang kotse at ng ulan.

Please be safe, baby.

Binilisan ko ang pagdrive hanggang sa napagilid ako dahil may ambulansya na nagmamadali na makadaan sa kalsada.

Nakisabayan ako rito hanggang sa nadala ako ng kotse ko sa madilim na parke at nakita kong maraming tao at pulis ang naroroon.

May kotse na nakatama sa isang gate. Pamilyar sa akin ang kotse na iyon...nanginginig akong lumapit sa mga taong naroroon.

Natatakot ako na kung tama ang hinala ko.
Natatakot ako na si Augustine ang nagmamay-ari ng kotse na iyon.

Bumaba ako sa kotse ko upang maki-usisa.

Masyado na akong natataranta.

"Kawawa naman iyong babae, binaril na nga sa tiyan tapos pagkatumba bagok pa ang ulo. Ang malala buntis pa." Rinig kong usapan ng dalawang Ale sa gilid ko.

Kinabahan ako nang marinig iyon.

Lumapit ako sa mga Ale at nagtanong rin.

"M-matanong k-ko l-a-ang h-ho n-asaan n-na i-iyong b-babae n-na nabaril?" Tanong ko sa mga ale na nag-uusap.

"Nako hijo. Ayun na oh! Ipinapasok na sa ambulansya." Napalingon ako sa tinuro ng ale.

Kingina, oo nga.

"Ah sige ho, salamat." Paalam ko sa napagtanungan ko.

Mabalis akong tumakbo papunta sa sasakyan ng ambulasya.

Nanlumo ako sa nakita ko.

Mukhang tama nga ang hinala ko, si Augustine ang nabaril na pinag-uusapan ng mga Ale roon.

Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko.
Ayokong makita siyang ganito.
Ayokong makita na ganito ang sitwasyon niya.

Kingina napakapabaya ko.

Kung inintindi ko na lang sana ang kalagayan niya ay hindi nangyari ito.

Kung hindi sana ako nag-bar ay hindi sana niya ako sinundo.

Kung hindi sana ako nag-bar, hindi niya makikitang may kahalikan ako.

Kung hindi sana ako umalis sa bahay at inintindi na lang siya ay hindi mangyayari ito.

Hindi sana siya napahamak.

Gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader.

"Hintay ho! Sasama ako." Saad ko.

"Kaano-ano mo ba ang pasyente?" Tanong nila sa akin.

"Asawa ko." Hindi na ako naghintay na pumayag sila na pumasok ako sa loob ng ambulansya, ako na mismo ang nagkusa.

"Pakibilisan ho ang pagdadrive. Pakiusap." Sigaw ko sa driver.

"Kumusta ho ang kundisyon niya?" Tanong ko sa doktor.

"Nasa kritikal siyang kundisyon, hijo. Sana nga hindi sila mapahamak ng baby niya. Sana malakas ang asawa mo at baby mo dahil kung hindi, maari kang mawalan ng asawa at magiging anak. " Napatampal ako ng noo dahil sa narinig.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now