017

100 12 5
                                    

MICHAEL

Nagabihan kami ngayon sa trabaho. Masyado nang gabi para mag-commute pauwi si Augustine.

Nako naman...

Plano ko pa naman ngayong umuwi sa condo ko kung saan namamalagi o kung saan ko tinatago ang aming anak.

Nangako na ako kay Dustine na sa condo ako uuwi ngayon. Pero si Augustine...ayoko siyang pauwiin mag-isa sa bahay nila.

"Sir, kaya ko naman na po ang sarili ko." Saad niya sa akin.

Mabilis ko siyang inilingan.

"I'll drove you home."Matigas na usal ko.

Gabi na oh. Baka mapa'no pa siya dyan sa daanan.

Sa Bahay ko na sa Makati siya ngayon nakatira. Malayo pa naman ang lugar na iyon.

"Get in." Inis siyang pumasok sa kotse at padabog na ibinaba ang dala niyang bag.

Pumunta ako sa driver seat at nagsimula nang paandarin ang makina ng kotse ko.

Habang nasa biyahe kami. Tahimik lang siya. Hinayaan ko na lang muna, kausapin ko kapag nahimasmasan na sa pagkainis sa akin.

Masyado kasing matigas ang ulo. Ayaw niya na raw magpahatid dahil baka mayroon ako ulit importanteng pupuntahan. Ayaw niyang makaabala siya.

Kahit kailan hindi naman siya naging abala sa akin.

Mahalaga silang pareho ni Lyx.
Sa ngayon ihahatid ko muna siya.

*Ring *Ring

Biglang tumunog ang telepono ko.
Nang tignan ko ito. Si  Manang Belen. Tumatawag na.

"Hello?" Sagot ko sa telepono habang nagbibiyahe, niloud speaker ko ito para marinig ko nang maayos.

"Papa! Where na ikaw?" Malambing na sabi ni Lyx. Natahimik ako.

Pasensya anak. Hindi pa agad kita mapupuntahan agad dyan. Yung Mama mo kasi ihahatid ko pa sa bahay.

"Lyx, ibalik mo sa'kin ang phone. Ako na ang kakausap sa Papa mo. Nilalagnat ka na naman, kailangan mong magpahinga!" Panenermon ni manang sa anak ko.

Naitigil ko ang kotse sa gilid nang kalsada dahil gusto kong makausap nang maayos  ang anak ko.

Napalingon ako kay Augustine na kanina pa pala nakatingin sa akin.

"No! Mamang bring back my phone. I want to talk with my Dad. I miss him so much." Rinig kong umiiyak na sabi ni Lyx habang umuubo.

"Come on. Darating na ang Papa mo. Magpahinga ka na muna. Paggising mo nandito na siya. Diba hijo?"

"Yes, manang. On the way na po ako. I miss you more, Dustine. Papunta na dyan si Papa. " Basag na boses na usal ko.

Nilingon ko si Augustine na tahimik lang na nakamasid sa akin.

Nang matigil na ang tawag ay bigla siyang nagsalita.

"M-may anak k-ka na?" Mahinang sabi niya.

Hindi ako umimik.

"Sagutin mo 'ko. Anak mo ba iyong kausap mo kanina?" Sabi niya.

"Oo, anak ko iyong kausap ko kanina." Seryosong sabi ko.

Bigla ko na lang narinig ang hikbi niya.

Nang lingunin ko siya umiiyak na si Augustine habang seryosong nakatingin sa akin

"Lavine, bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Inilingan ko lang siya at umiwas ng tingin.

"May asawa at anak ka na pala. Nilalandi mo pa ako! Alam mo ba? Mas lalo akong naiinis sa'yo. Kung kanina inis na ako, ngayon siguro nga galit na ako."

After The Rain [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن