026

80 9 8
                                    

AUGUSTINE

7:30 o'clock na ako nakarating sa kumpanya nina Lavine. Traffic pa kasi.

Pagkarating ko roon ay narito na naman ang mga tingin sa akin ng mga empleyado rito na kunti na lang ay ilampaso ako sa sahig.

"Dusttttt Augustineee! Good morning bebs!" Bati sa akin ni Maui. Ang nag-iisang kaibigan ko rito sa kumpanya nina Lavine.

"Hi Maui. Good morning din." Bati ko pabalik.

"Bes may chika ako sa later. Meet na lang tayo sa may coffee shop."

Nakangiti akong tumango sa kaniya.

Heto na naman ang mga chismis niyang walang katapusan.

Iyong kapitbahay nilang maraming utang.

Iyong kapitbahay niya raw na hindi nagpa-panty.

Iyong kapitbahay nila na taon-taon palaging buntis.

Iyong aso nila kung sino-sino ang nabubuntisan na kapwa aso.

Iyong nagnakaw ng avon na bra niya nang isinampay niya lang raw ito ay pagbalik niya, wala na.

Ang dami ni Maui na chika sa buhay niya.
Minsan nga sumasakit na ang ulo ko sa dami niyang ganap sa buhay.

Pero ayus naman siyang kaibigan. Kahit ganiyan siya ay isang tawag ko lang sa kaniya sa oras na kailangan ko ng karamay. Nariyan agad siya para sa akin.

Hanga ako sa ugali niya. Kasi nagpapakatotoo lang siya. Sabi niya nga sa akin noon, kapag ayaw sayo. Dapat ayaw mo rin. Ano sila gold?

Siya ang tipo ng tao na mabait, sa mabait sa kaniya. Demonyo, sa demonyo rin sa kaniya. Fair lang. Kaya nga magkasundo kami.

Nagpaalam na ako kay Maui na pupunta na ako ng opisina dahil baka hinahanap na ako ni Lavine.

Sasabihin ko pa naman sa kaniya na may nanugod sa akin sa bahay kagabi. Masyado pa naman akong kinabahan sa pangyayaring yun.

Pumasok ako sa private elavator ni Loving.

Habang umaandar ang elvator ay wala akong tigil sa pag-aayos sa sarili ko.

Para man lang pagbungad niya sa akin, maganda ako. Pagkakita niya sa akin mas lalo siyang ma-in-love.

Subra na akong na-eexcite na makita siya.

Pagkakita ko sa kaniya, lalapit ako agad at mabilis siyang yayakapin ng napakahigpit.

I miss him.

Dalawang araw rin siyang nawala dahil sa business trip niya e.

Pagkarating ko sa opisina niya ay natigil ako nang makitang hindi siya nag-iisa.

Nabungaran ko sila ni Kezia roon na magkausap. Hindi muna ako tuluyang pumasok sa loob.

Tahimik lang akong nagmasid sa kanilang dalawa. Hanggang sa nakita ko si Kezia na nakatingin sa akin at nakangisi.

"Tandaan mo, Michael. Nasa akin ang alas para mahanap mo ang ebidensya laban sa mga Alvarez." Rinig kong sabi ni Kezia sa kaniya.

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila kaya't tahimik na lang akong nakinig.

"Oo, alam ko." Sagot ni Loving habang nakayoko sa mesa.

"Ako o si Augustine?" Nakangising tanong ni Kezia. Nagulat ako sa tanong niyang iyon.

Bakit bigla akong nasali?

Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang tanong na iyon ni Kezia sa kaniya.

"Alam mo naman na ang sagot." Nataas ng tingin si Loving kay Kezia habang serysong naka-tingin rito.

"Hm? Really? Your fiancee or your girlfriend?" Nanginginig ang kamay ko habang tahimik na nakikinig sa kanilang usapan.

Kita ko ang pagpikit ng mata ni Lavine at paghilamos ng mukha.

Mabilis na ngumisi si Loving sa kaniya.

"Syempre ikaw ang pipiliin ko." Tuluyan na akong nanlumo ng marinig ko ang katagang iyon na binitawan niya kay Kezia.

"Uhmm...So pinaglalaruan mo lang si Augustine ganun? Akala ko siya ang pipiliin mo." Malakas niyang sabi.

Biglang ngumiti si Lavine.

"Yeah, I'm just playing with her. Kezia, you know that I really love you and no one can change that." Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Oh...I love you too. By the way kawawang Augustine." Sabi ni Kezia habang tumatawa at lumingon sa akin.

Nagulat si Loving nang lumingon siya sa may pinto ay naroon ako.

Nakatingin ako sa kanila at nakangiti habang  ang mga mata ko ay taksil dahil sa luha na walang tigil ang pagtigil rito.

All this time pinaglalaruan niya lang ako?

Sabi niya ako lang diba?

Gusto kong sapakin silang pareho ni Kezia.

Gusto ko silang katayin.

Nangigigil ako. Kingina!

Subrang sakit na...

Mga manloloko!

Nang makita ako ni Lavine ay hindi man lang siya nagsalita o nilapitan ako.

Nilingon niyang muli si Kezia at pinabayaan ako.

"Sabi na nga ba at sa akin ka rin babagsak. So ginagamit mo lang talaga si Augustine para pagselosin ako?"

"Well...hm yeah."

"Nice one. Napagselos mo na ako sa kaniya. So ano pang hinihintay mo? Hiawalayan mo na siya." Mahinahon na sabi ni Kezia.

Sinadya ba ni Kezia na gawin ito kapag saktong narito ako?

Sinadya ba nilang dalawa na gawin ito?

Ganun na ba sila ka walang puso upang paglaruan lang ang nararamdamin ko?

Gusto ko silang sigawan ni Lavine.

Mga hayop sila.

Hindi ko na kaya itong nararamdaman ko.

Yung tipo na naramdaman ko na ang ganitong sakit na pakiramdam noon.

Umalis na ako sa lugar na yun, hindi ko na pinakinggan ang sasabihin pa ni Lavine dahil alam kong makikipaghiwalay na nga siya sa akin.

Nagtungo na ako sa kotse ko.

Ang tanga ko talaga.

Well my big mistake wasn't falling for you.
I was being fooled enough to think that you fell for me too.

Pumasok ako sa loob ng kotse at pinaharurot ito.

Bahala na ang lahat nang gamit ko na, na iwan sa condo ni Lavine.

Uuwi na ako ng Bicol.

Buo na ang loob ko.
Uuwi na ako kina Mommy at Daddy.

Bahala na sila. Magsama silang dalawa ni Lavine.

Tutal may anak naman na sila. Nariyan na si Dustine.

Ayoko nang makigulo sa pamilya nila.
Ayokong makasakit ng kapwa.

Ang tanga ko kasi naglayas pa ako ulit sa amin sa hindi ko malamang dahilan.

Tapos nagmahal at nagpakatanga pa ako sa isang tao na matagal na pala akong pinaglalaruan.

Akala ko ako lang talaga. Pero may iba pa pala.

Gusto ko siyang sigawan kanina.
Pero hindi ko magawa.

Do not lie,
Do not cheat,
And do not make promises that you cannot keep!

___Leaf_Inks

Please don't forget to votes and comments your feedbacks. Thank you!

Short UD ulit. Muamps

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now