011

139 23 9
                                    

MICHAEL

Narito ako ngayon sa isang sikat na restaurant sa loob ng The Carmen Hotel. Hinihintay na dumating si Augustine.

Tinignan ko ang relo ko 6:10pm na ah. Ang aga ko palang dumating.

Naglakad ako papalabas ng Hotel nang bigla kong makita si Vince Alvarez. Ang lalaking patay na patay kay Augustine. Agad akong kinabahan nang makita siya rito.

Nakita kong may kausap siyang isang Staff ng Hotel.

Naglakad ako papalabas ng hotel at nagtungo sa lugar papasok sa Private Hotel na ito. Sa bungaran ko na lamang abangan si Augustine.

Kinakabahan ako, masama ang pakiramdam ko nang makita siya rito.

Anong ginagawa nang gonggong na iyon rito? Alam niya na ba na buhay ang taong mahal ko? Alam na ba nila na magkasam ulit kami?

Naglakad ako sa likod ni Vince. Hindi ko ito inintidi, naway hindi niya ako nakita.

Pagkarating ko sa entrada, nakita ko si Augustine na kakababa pa lang naman ng kotse. Agad ko siyang nilapitan at inalalayan.

"Salamat po, Kuya! Drive safety po." Paalam niya sa Driver ng taxi na sinakayan niya.

Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang kabuohan niya. Nakasoot siya ng kulay abo na dress at naka sling black heels na kulay itim. Nakamake up pero light lang. Ang ganda niya talaga lalo na kapag napapatingin ako sa asul niyang mata at pilik-mata na napakaperpektong tignan. Ang labi niyang kay pula.

Hindi na nakakapagtaka...

Gwapo ang anak namin, nakuha sa akin ang itsura pero hindi ang mata. Pareho sila nang mata ng Nanay niya eh...

Lumapit ako sa kaniya at biglang niyakap siya.

"Namiss kita." Mahinang usal ko sa kaniya.

Sana hindi niya narinig. Gustong tumulo ng luha ko, buti na lamang at napigilan ko ang aking emosyon. Hindi dapat ako umiyak sa harapan niya at ipakitang mahina ako.

Ayokong makita niya ang kahinaan ko dahil siya iyon. Siya ang kahinaan ko na ayaw kong ipanglaban sa akin ng ibang tao.

"Loving? Anong nangyari?" Sabi niya at yinakap ako pabalik.

"Dito ka lang sa aking tabi ah? Huwag mo 'kong iiwan ha?" Isiniksik ko ang sarili ko sa kaniya at mas hinigpitan ang yakap ko.

"Hindi kita maintindihan. Syempre hindi kita iiwan dahil kailangan ko nang trabaho. Kailangan ko ng pera. Kailangan kita dahil Boss kita." Pahayag niya.

Marami ka namang pera, nagtatrabaho ka pa sa kumpaniya ko.

Napailing na lamang ako sa sariling naisip.

"I need you too." Sabi ko.

Kailangan kita dahil mahal kita.
Kailangan ka ng anak mo.
Kailangan ka ng pamilya mo.

Kailangan kita buhay ko.

Nagulat ako nang lumayo siya nang kaunti sa akin, ginulo ang buhok ko at pinisil ang aking pisngi.

"Ang gwapo mo." Saad niya. Napalayo ako sa kaniya at tinignan siya nang maigi.

"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ko.

"Bingi ka ba, Sir? Ikaw ha...ikaw naman ngayon ang bingi." Pang-aasar niya.

Wala talagang araw na hindi kami nag-aasaran.

Minsan na nga lang ako magsalita ng seryoso, hindi pa siya nagtitino na kausapin ako ng maayos. Palaging nang-aasar. O sadyang feelingero lang ako at palaging tingin ko pinagtitripan niya ako?

"Anong sabi mo kanina? Umayos ka. Hahalikan kita." Nagulat siya sa sinabi ko.

At ngayon heto pareho na kaming namumula. Hindi ko alam kung bakit namumula ang pisngi ni Augustine at namumula ang tainga ko. Dahil ba ito sa hiya at kaba?

O dahil sa kilig?

Kingina!

"Edi halikan mo'ko." Panghahamon niya.

Agad kong inilapit sa kaniya ang sarili ko at hinawakan ang dalawa niyang pisngi at handa ng halikan siya.

Napangiti ako nang makitang napapikit ahad siya sa ginawi ko.

Inilapit ko lalo ang aking mukha sa kaniya hanggang sa ramdam ko na ang kaniyang hininga sa subrang lapit namin sa isa't isa. Ilong sa ilong. Noo sa noo.

Napangisi ako lalo dahil alam kong naghihintay siya sa halik ko. Lumayo na lamang ako ng kaunti habang nakangiti.

Mabilis ko siyang hinalikan sa noo.

Ayokong halikan siya sa labi nang biglaan at nang dahil pa sa hahalikan ko siya sa kadahilanang nanghahamon siya.

Ayoko nang ganoon.

Gusto ko hahalikan ko siya sa labi dahil alam kong gusto rin niya. Gusto kong halikan siya sa paraang hindi ako mabibitin. Gusto kong halikan siya sa paraan na ginawa ko iyon dahil mahal niya ako at mahal ko siya.

Mahal ko siya pero hindi ko alam kung ganun rin ba siya?

Mahirap ang ganoong pangyayari.

Ngayon heto nagkaroon ako ng koneksyon kay Betina. Alam ni Betina na kasama ko si Augustine, alam niya na magkasama na kaming muli pero hindi niya kami pinakialaman at nagtiwala siya sa akin. Kaya't napanatag ako at iniingatan ang tiwala na binigay niya sa akin at takot na masira ang tiwala na iyon.

Si Miles Betina Rodriguez Isidro ay pinsan ni Augustine sa Mother side. Mag-kapatid ang nanay ni Augustine at Betina. Alam kong malaki ang tiwala sa akin ng pinsan niya, pinagkatiwala nga sa akin nito si Augustine kahit alam niyang may galit sa akin ang pamilya nito.

Nabalitaan ko kay Miles Betina na pagkagising raw ni Augustine ay wala itong ibang naalaa kundi silang mga kapamilya nito. Wala nang iba, iyon lang.

Hindi nito alam na may---aish...

Tumigil ka na utak ko. Ayokong masaktan na naman ng ganito.

Sa lahat pa ng kakalimutan niya ay ako.
Ako na lalaking minahal niya noon ng todo.

Masakit para sa akin na naalala niya ang pamilya niya pero hindi niya naalala ang taong pinakamamahal niya.

Blood is always thicker than water nga naman talaga.

Nabalitaan ko rin kay Betina na hindi naalala ni Augustine kung sino ang naging sanhi ng pagkaaksidente niya at dahil ako ang huling nakasama niya at ako ang naabutan nila nang mga panahong iyon.

Ako ang nasisi sa lahat. Nang mga panahong iyon, sinisisi ko rin ang sarili ko sa pangyayari tapos yung tipong mismong pamilya pa nang taong mahal ko ay sinisisi ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko nang mga panahong iyon.

Kailangan kong maging matatag dahil kailangan ako ng mag-ina ko. Lalo na ng anak namin.

Nakita kong naging tahimik si Augustine dahil sa ginawa ko.

"Halika na sa loob. " Hinawakan ko siya sa bewang at inilapit sa akin.

Nabigla na lamang ako nang hawakan niya rin ang kabilang bewang ko at inilapit ang sarili sa akin.

Nang tignan ko siya ay nakatingin rin siya sa akin. Nahihiya siyang ngumiti kaya pinisil ko ang kaming pisngi.

"Ang ganda mo." Bulong ko sa kaniya na siyang ikinapula ng pisngi niya.

"Ang gwapo mo." Bulong niya pabalik na siyang ikinangiti ko.

Putcha! Mukhang maiihi na ako sa kilig.

Ibang klase pala ang kilig kapag walang label?

May label kami dati pero ngayon?

May label nga ba? Friendly Date pa kaya ito?

Minsan gusto ko ring kutusan ang sarili ko eh. Kung ano-anong pumapasok sa kukute ko.

After The Rain [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora