030

84 12 15
                                    

3 YEARS AGO [FLASHBACK]

___

MICHAEL

Nahikbi ako lalo nang makita ang kalagayan ng taong mahal ko.

Gusto kong mag-iwas nang tingin. Ayokong makita si Augustine na napakaraming aparatos ang nakakabit sa kaniya.

Baby,  magpakalakas ka. Papakasalan mo pa ako, 'di ba? Hahanapin pa natin kung sino ang may kakagawan nito sayo diba?

Lumaban ka mahal ko. Kailangan ka namin ng anak mo. Hindi ko alam kung paano ako babangon kung wala ka na. Magpakalakas ka para sa amin ni Dustine. Kailangan ka naming mag-ama.

Kailangang-kailangan ng ina ng anak natin.
Lumaban ka para sa amin, pakiusap.

Napalingon ako sa bata na biglang umiyak na nasa gilid niya.

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at pinilit na ngumiti nang makita ko ang anak namin.

Dustine...

Ang angel mong tignan.

Nilapitan ko ito at kinarga.

Ang gwapo ng anak ko.
Subrang saya sa pakiramdam na tatay na ako.

Gusto kong ipaglandakan sa buong mundo na tatay na ako. Naghahalo ang lungkot at saya na nararamdam ko.

Ang anghel ko na karga-karga ngayon. Napangiti ako nang tumigil na ito kakaiyak nang dahan-dahan ko siyang ihele sa mga bisig ko.

"Sir, mali po ang pagkarga mo. Ganito ho ang kamay. Yan, ganiyan nga." Pagturo sa akin ng nurse na nagbabantay.

Sinunod ko ang tugon nito.

"Ahm...nurse, maari ba akong humingi ng pador?" Tanong ko bigla sa kaniya.

"Ano iyon, Sir?"

"Magbabayad ako ng malaking halaga sa Hospital ninyo, kahit ilang milyon pa. Ipalabas niyo dito sa hospital na hindi na nabaril ang asawa ko, ipalabas niyo na hindi siya buntis. Kapag may pumunta rito na sinabi na kamag-anak niya o magulang niya, at tinanong kung ano ang nangyari sa kaniya. Ipalabas niyo na hindi siya buntis at kaya may sugat ang tiyan niya dahil inoperahan ito nang natamaan ng bala ng baril. Pati na rin ang ambulansya na kumuha sa kaniya kapag nagtanong ang kapamilya niya ang mga ito na kung ano ang nangyari ay sabihan niyo sila na sabihin ang totoo na nabaril siya sa tiyan pero huwag na huwag niyong sasabihin na buntis siya. Paki-usap. Nakiki-usap ako." Kinakabahang sabi ko.

Ayokong mapunta sa kanila ang anak ko.

Alam kong paparating na ang magulang ni Augustine.

Ilang oras na lang ay siguradong narito na ang mga iyon kahit galing pa sila ng Bicol.

Baka nga isang oras lang biyahe nang mga iyon ay narito na sila.

Malaki ang galit sa akin ng magulang ni Augustine lalo na't natuto itong maglayas sa kanila at magtago sa pamilya niya.
Dumagdag pa rito na masyado nang nalason ang utak nila ng mga Alvarez na tatalunin nila ang kumpaniya namin kapag sila ay nag-kaisa. Na-brain wash na ang mga Abias ng mga Alvarez kaya't galit na rin sila sa amin.

Ang totoo ay kasalanan naman kasi ng magulang ni Augustine kung bakit ito umalis sa poder nila.
Ipinapakasal nila ang anak nila sa taong hindi naman nito gusto. Natutong maglayas at magrebelde ang anak nila dahil sa kanila.

Ang bunsong anak ni Dominique Alvarez na malaki ang galit sa akin. Patay na patay siya sa fiancee ko. Alam kong gagawin niya ang lahat mapunta lang sa kaniya si Augustine. Spoiled brat iyon e. Lahat dapat ng gustohin niya nakukuha.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now