032

67 7 4
                                    

AUGUSTINE

"Anong pinanalangin mo?" Tanong niya sa akin habang nasa simbahan kami at nakaluhod sa altar.

"Nagpasalamat at naghingi ako ng tawad sa Diyos." Usal ko.

"Ikaw?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

"Hmm...basta...isa sa pinanalangin ko ay sana sa susunod na punta natin rito ay sa araw na papakasalan mo na ako." Sabi niya sa akin sabay kindat.

Pinalo ko siya sa braso at tumawa.

"Loko ka talaga."

_

"Here's my gift for you, baby." Nagulat ako nang bigyan ako ni Khael ng isang malaking teddy bear.

Ang cute, kaso gumastos na naman siya para rito.

Kaya ko namang bumili nang ganitong bagay para sa sarili ko.

"Nag-abala ka pa." Usal ko.

"That's my gift for you. Tanggapin mo na." Sabi niya sabay puppy eyes.

I can't resist to my handsome boyfriend.

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang bigay niya.

Hindi kasi ako ang klase ng babae na maluho.
Na yung tipo na bawat bigay ng shota niya ay kuha agad. Mag-de-date na lang yung boyfriend niya lahat gagastos. Mamamasahe papauwi sa bahay ay yung shota niya pa ang mamamasahe para sa kaniya. Kapag binigyan ng mga mamahaling damit, accessories, o kung ano-ano ay tuwang-tuwa na. Kuha lang ng kuha. Kung anong gusto nila ay siyang masusunod. Kung anong ipapabili niya ay dapat mabili agad ng shota niya.

May iilan kasing babae na ganiyan. Well hindi ako isa sa kanila.

Hindi niyo ko masisisi kung bakit ganito ako.

I'm independent woman and I'm really proud of it.

Naging boyfriend ko si Khael since 3rd year highschool. He's my first boyfriend and my first love. Ganun din sa kaniya. Ako rin ang unang minahal niya at unang naging gilfriend niya. Nagkakilala lang kami sa isang bakery. Naging mag-kaibigan hanggang sa nagka-ibigan.

Ganiyan lang kasimple ang love story namin.

Ngayon heto kami. Pareho kaming graduating college. Matagal na kaming magkarelasyon pero patago lang ito.

Takot kasi akong malaman nina Mommy ang tungkol rito. Masyado silang istrikto at dapat ang gusto nila ang palaging nasusunod.

Narito kami ngayon ni Khael sa may garden. Ang sarap sa pakiramdam ang lumanghap ng sariwang hangin at pagmasdan ang magandang tanawin lalo na kapag kasama ko siya.

"Baby, lets take a picture. Come here." Usal niya kaya mabilis akong lumapit kay Khael at sumanday sa balikat niya.

"One more, baby. Come here." Ako naman ngayon ang nag-insist na isang picture pa.

Sa pangalawang picture ay yakap niya ako habang ako ay ngiting-ngiti sa camera.
_

"Happy birthday, baby!" Bati niya sa akin. Narito kami ngayon sa Luneta Park.

Sumama na ako kay Khael pagkagraduate ko ng college. Naglayas ako sa amin. Hindi ko na kaya ang mga pinagagawa nina Mommy sa buhay ko.

Pipiliin ko ngayon ang kasiyahan ko.

May dala si Khael ng isang cake na papuso at may hawak na baloon na papuso rin na mayroong nakasulat na pangalan ko with happy birthday.

"Thank you, baby. I love you." Saad ko.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now