037

59 8 3
                                    

MICHAEL

Tulala ako habang nanonood ng TV.  It's been 8 months...na wala na kaming communication ni Augustine. Gusto ko man siyang tawagan sa cellphone ay hindi ko magawa. Blinock niya lahat nang maari kong mapagkunan ng impormasyon at maging dahilan para magkaroon ulit kami ng komunikasyon.

Nakulong na  sina Kezia at Charles. Gusto kong pumtahan si Augustine tapos sasabihin ko...mahal, nakamit ko na ang hustisya.

Gustong-gusto kong iusal nang personalan...Baby, you're safe now. Baby come back to me now...  

Kaya panatag na ako ngayon na nasa maayos na kalagayan si Augustine at hindi na sila muling magugulo ng mga ito. Nagpalagay na rin ang security roon upang mas maging ligtas sila.

Hindi ko na kayang isugal siya ulit. Para kahit hindi ko siya kasama ay mapapanatili kong ligtas siya.

Gustohin ko mang puntahan siya sa Bicol pero hindi ko magawa. Nahihiya ako...tsaka ayaw rin akong payagan ni Ate Michelle at mga kaibigan ko. Ayusin ko raw muna ang sarili ko bago ibang tao. Masyado na akong wala sa sarili simula nitong mga nagdaang buwan. Miserable at heto...humihinga pa naman.

"Hey son!" Bati sa akin nina Mommy at Daddy. Naupo sila sa sofa na kaharap ko.

"Morning Mom and Dad." Bati ko pabalik.

"Khael...Michelle talk to me about you." Mahinahon na sabi ni Mommy na siyang mabilis na ikinalingon ko sa kaniya.

"Anong sinabi niya tungkol sa akin Mom nang tanungin niyo siya? Na nalulugi na ang kumpaniya dahil sa kapabayaan ko at kailangan ko na ng tulong ni Kezia. Tapos ipagpipilitan niyo na naman ako sa babaeng iyon. Ganoon ba Mommy? Na ako na naman ang pabaya. Ako na naman ang mali. Ako na naman may sala. Alam ko naman talaga, kasalanan ko. I know, pero Mom...bakit sa lahat ay siya pa? Maraming iba dyan bakit ang mga Ramirez pa?"

"Hey, hey! Chill, son. We already know the truth! At kailan ka pa natutong magsinunaling at magtago ha?" Nagulat ako sa sinabi ni Mommy nang sermunan  niya ako.

"Mom...matagal na." Simpleng sagot ko.

"Hush...ang bunso namin...I'm sorry, son. Kung hindi na kita nabibigyan nang pansin dahil sa subrang pagkabusy namin ng Daddy mo." Usal ni Mommy at mabilis na niyakap ako.

"I'm sorry too...Mommy....Daddy..."

"Shhh...it's okay. We understand, anak. This time babawi kami sa iyo ng Daddy mo. Hindi namin alam na ganun na lang pala kadisperada si Kezia makuha ka lang. Tinangka niyang patayin ang mag-ina mo...My God, Michael! Matagal ko nang gustong magkaapo sa iyo, tapos may apo na pala akong four years old! Ngayon ko lang malalaman kung hindi pa sinabi sa akin ng ate mo!" Sumbat sa akin ni Mommy.

"Mom, sorry na..." Pang-susuyo ko.

"Aatakihin ako sa puso dahil sa mga kapasawayan mo! Ganiyan na ba kami naging pabaya ha? Upang maging miserable ka? Lavine Michael naman..." Sermon ulit ni Mommy at umiiyak na. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at naglambing.

"Mom...sorry na nga. Ano bang gusto mong gawin ko? Mommy? Daddy?"

"Matagal na kitang tinanong tungkol sa bagay na ito, anak. Kailan ka ba talaga mag-aasawa?" Saad ni Daddy. Napatampal na lang ako ng noo dahil sa narinig mula sa kanila.

"Nako naman, Daddy! Wala pa sa plano ko ang mag-asawa." Sabi ko.

"May anak ka na, tapos wala kang asawa? Nasisiraan ka na ba ng ulo, Michael? Wala pa sa plano mo? Are you kidding me?" Sabat ni mommy.

"Wewss...Mom, palagi niyo na lang ako tinanong kung kailan ako mag-aasawa. Noon sabi niyo huwag muna mag-asawa, magtrabaho muna. Tapos ngayon sasabihin niyo, kailan ako mag-aasawa? Mom, trabaho nga muna diba? Mom anggulo niyo kausap. Mag-aasawa na ako. May asawa na nga e, papakasalan ko na lang. Kaso napakawalan ko pa." Saad ko.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now