025

82 10 8
                                    

AUGUSTINE

Tahimik akong nakamasid sa labas dito sa may veranda habang umuulan.

Hindi ko maintindinhan ang sarili ko kung bakit tuwing umuulan ay nasasaktan ako.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero palagi na lang ganito. Yung tipo na minu-minuto, gustong-gusto kong maramdaman ang yakap at haplos ni Lavine.

I wish I was the rain.

So, I could easily feel you...

Noong bata pa ako tuwing pinagmamasdan mo ang ulan. Isa lang ang palaging pumapasok sa isip ko, iniisip kong umiiyak ang kalangitan.

Ngayon heto, masyado akong naaliw na pagmasdan ito.

Gusto kong lumabas at maligo sa ulan.

Gusto kong maramdaman ang pagtulo ng tubig sa katawan ko.

"Mama!" Napalingon ako sa ibaba ng veranda. Nagulat ako ng makita ko roon si Dustine na naliligo sa ulan.

"Anong ginagawa mo riyan? Aba't baka magkasakit kang bata ka. Jusko marunong ka nang tumakas kay Mamang mo ha." Sigaw ko kay Dustine sa ibaba. Tinakasan niya na si Manang.

"Mama shhh." Inilagay niya ang kamay sa gitna ng labi at sinenyasan ako na manahimik.

"Anong shh ka dyan! Pasok sa loob ng bahay!"

"Mama ayoko!"

"Pasok sa loob."

"No!" Matigas na sabi niya at walang tigil ang pag-iling sa akin.

"Dustine. Isa!"

"I won't!"

"Dalawa! Pasok sa loob! Baka magkasakit ka niyan."

"No! I won't!"

Napailing ako at mabilis na naglakad pababa sa labas ng bahay. 

Kahit malakas ang ulan ay nilusong ko ito at pinuntahan sa may garden na malapit sa pool, naroon ang pasaway na anak ko.

Anak ko? Well, feel na feel ko na maging nanay ni Dustine e.

Sana nga anak ko na lang siya, magkamukha naman kami.

Minsan ko na ngang inisip na baka nga anak ko si Dustine kaso imposible naman mangyari iyon.

Noong una, inisip ko baka nga may asawa na si Michael noon pa. Baka tinatago niya lang sa akin na ampon niya lang ang batang ito.

Iniisip ko pa lang na may anak na siya noon pa ay nasasaktan na ako.

Paano pa kaya kapag  nalaman ko na may asawa na pala siya kaso naghiwalay sila.

Iniisip ko palang na may pamilya na siya noon, subrang nasasaktan na ako.

Madalas kasi...In the end, overthinkers are always right.

Habang nilulusong ko ang ulan ay bigla na lamang sumakit ang ulo ko.

Napahawak ako sa aking ulo at napapikit dahil sa sakit nito.

"Kung hindi ka mapupunta sa'kin. Mas mabuti pang mamatay ka na, Augustine!" Sigaw ng lalaki at habang hawak ang leeg ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang sumasakal sa akin upang pigilan siya sa ginagawa ngunit mas lalo niyang hinihigpitan na siyang unti-unti ring nagpapawala ng paghinga ko.

"M-ma-a-a-wa k-ka. Bita-t-taw-wan m-mo a-ako." Nahihirapang sabi ko.

"Sabay kayong mamatay nitong anak ni Khael sa sinaupunan mo."

After The Rain [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon