009

146 26 10
                                    

MICHAEL

"Hello Sir?" Sagot ni manang sa kabilang linya.

"Manang napatawag po kayo? Kumusta kayo dyan sa bahay?" Tanong ko.

"Sir, si Lyx po. Ang taas ng lagnat. Kung maari po sana umuwi ka ngayon sa condo mo, kailangan ka ng anak mo hijo."

"Okay, sige po Manang. Salamat." Sabi ko. Agad kong pinutol ang tawag at dali-daling lumabas ng opisina upang puntahan ang anak ko sa condo ko.

Oo, may anak na ako. May anak pero walang asawa. Basta...mahabang istorya.

Pagkarating ko sa hospital agad kong tinanong kung nasaan ang anak ko.

Pagkarating ko sa silid ng anak ko agad akong nanlumo nang makita ang kalagayan niya.

Napakapabaya ko talagang ama. Ang hirap maging ama at ina sa isang bata.

Lumapit ako kay Lyx at hinalikan ito sa noo.

"Pasensya anak...pasensya kung minsan napapabayaan na kita. Madalas abala sa trabaho si Papa eh." Usal ko sa kaniya. Habang siya'y mahimbing na natutulog.

"Manang pinainom niyo na po ba siya ng gamot?" Tanong ko kay Manang Belen.

"Oo, Sir. Pinainom ko na siya ng gamot bago siya magpahinga. Kanina ka pa niyan hinahanap bago siya matulog." Nanlumo ako sa narinig.

Napatango na lang ako bilang sagot kay Manang.

"Hijo...hanggang kailan mo plano siyang itago sa magulang mo at sa magulang ng Nanay niya? Hindi ba't sabi mo sa'kin buhay ang Nanay ni Lyx? Kailan mo siya plano ipakilala? Khael, kailangan ng bata ng ina. Lumalaki na ang anak mo." Tumulo ang luha sa aking mga mata dahil sa narinig kay Manang.

Alam kong dapat niyang makilala ang kaniyang ina.

Paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kaniyang ina kung ako nga mismo ay nakalimutan na nito?

Paano ako lalapit sa kaniyang ina kung hanggang ngayon sinisisi ko ang aking sarili kung bakit siya nawalay sa akin?

Paano ako lalapit kung subrang galit sa akin ang magulang ng Nanay mo?

Paano ko kayo muling mapaglalapit kung nasa panganib kayong pareho?

Anak, patawad...

Nang dahil sa kapabayaan ko ay nangyari ang lahat ng ito.

"Manang hindi ko pa ho alam. Hindi ko pa alam kung paano ako magsisimula." Ani ko habang nayuko.

"P-papa." Napalingon ako sa anak kong gising. Mahahalata mo agad sa kaniyang itsura na subrang kamukha niya ang kaniyang ina.

Ang kulay asul niyang mata, o kay gandang tignan. Kamukhang-kamukha niya talaga ang kaniyang ina.

"'Nak, may masakit ba sayo? Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Okay na po ako, Papa." Sabi nito at lumapit sa akin upang yumakap. Sinalubong ko naman ang yakap nito at hinalikan muli sa noo.

"That's good to know anak. Pero huwag muna maglalaro ah, baka mabinat ka." Paalala ko sa anak ko, agad naman itong tumango sa akin.

"Pero Papa, paano po ako makakapagplay? Ako na naman po mag-isa? Gusto ko rin po ng kalaro."

"Soon, baby. Makakapaglaro ka rin ng may kasama." Gusto ko sanang dagdagan ang sinabi ko kaso ayokong maging malungkot na naman ang anak ko. Alam kong subrang sabik siya sa kalaro.

Minsan lang kasi siya makalabas ng bahay na kasama ako. Madalas dito lang siya sa bahay, naglalaro ng mag-isa. Minsan kasama niyang maglaro si Manang Belen, pero palaging sinasabi sa akin ng anak ko na gusto niya ay batang kagaya niya rin ang kasama niyang maglaro ng mga laruan.

Tatlong taong gulang na ang anak kong si Dustine Levilyx Glovo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya itatago sa magulang ko at sa sarili niyang ina.

___

Naging masaya ang mga araw na nagdaan. Mas lalo akong napalapit kay Augustine at naging mag-kaibigan na rin kami.

May mga sandali na ayaw ko nang matapos pa. Dahil alam kong bawat masasayang sandali ay may kapalit na kalungkotan.

Yung tipong ayaw ko na lang maalala niya ang nakaraan namin, dahil magbibigay lamang ito sa kaniya ng mga masasakit na alala.

Mas mabuti nang ganito. Nagsimula ulit kami sa pagiging estranghero, hanggang sa naging magkaibigan na sana mauuwi sa ibigan.

Napakamakasarili ko na ba kung ipagkakait ko sa kaniya ang totoo?

Pero tanging ginagawa ko lamang ang lahat ng ito upang mapanatili siyang ligtas. Alam ko kasing kapag nalaman niya na ang totoo, iiwan niya ako. At kapag nalayo siya sa akin, hindi ako mapapalagay kapag wala siya sa piling ko.

Nasa panganib pa rin siya hanggang ngayon at ang pamilya nila. Malaki ang galit ng mga Alvarez sa pamilya niya. Hanggang ngayon may mga nagpapadala pa rin ng mga banta sa kaniya, balita ko nang makausap ko ang isa sa mga pinsan niya simula nang malaman kong buhay siya.

Pinapadalhan pala nang mga Alvarez ang pamilya ni Augustine ng kahon na may laman na patay na daga, patay na ahas, patay na ibon at kung ano-ano pa.

Ngayon ko lang ito nalaman dahil simula nang akalain naming patay na siya ay nawalan na rin ako ng koneksyon sa pamilya niya at wala na rin akong balita sa kaniya.

Nag-hire ako ng abogado at private investigator para sa mga Alvarez. Kung hindi kayang ipakulong ng pamilya ni Augustine ang mga Alvarez, ako mismo ang magpapakulong sa mga ito.

Sumisiklab ang galit ko nang malaman kong ang mga Alvarez ang may pakana nang lahat nang ito. 

Pinaghahanap nang pamilya niya si Augustine dahil naglayas ulit ito. Pinaghahanap rin ng mga Alvarez si Augustine dahil nalaman nilang buhay ito.

Natatakot ako na kapag nalaman ni Augustine ang totoo ay iwan niya ako lalo na't hindi maayos ang pagsasama namin noon nang dahil sa isang pangyayari.

Ngunit alam kong darating at darating ang araw na maalala niya ang nakaraan. Mabuti na rin at naisipan niyang pumunta rito sa Maynila at saktong nag-apply siya ng trabaho sa kumpanya ko.

Gagawin ko ang lahat upang maging ligtas siya.

Magkamatayan na, hindi ko kayang isugal ang sino man sa mag-ina ko.

Subrang mahal ko si Augustine.

Hindi ko na kayang isugal ulit siya lalo na't kailangang-kailangan ng anak namin ng ina.

___

Please kindly votes and comments your feedbacks! Kindly follow my Wattpad Account for more updates and announcements. Thank you!

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now