SPECIAL CHAPTER & TEASER

28 4 0
                                    

[SPECIAL CHAPTER W/ TEASER OF NEXT SERIES]
by Leaf_Inks

"Ha? Ay shuto siya, kinulgan ka???" Ani ko.

Ano ba naman itong mga pinsan ko, palagi na lang mga wasak sa pag-ibig.

"Alam mo kasi ghurl...ayos man lang maging tanga. Pero hindi dahil ayos lang ay huwag mo namang lubos-lubusin." Natahimik siya sa sinabi ko at yumuko.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko, huwag muna kasing mag-boypren-boypren.

"A-ate naman e..." Ani niya, napabugtonghininga na lang ako.

Napaiwas ako ng tingin kay Flame at napatapal ng noo.

Kung hindi ko lang pinsan 'to, binalibag ko na'to sa kanal.

"Yung...yung dating manliligaw mo! Puthhsljskkshsgalhmp niya! Nanliligaw pa sa'yo, hindi makapaghintay humanap na agad ng iba." Mas pipiliin ko pang magmura na lang sa isipan ko kaysa magmura ng malutong.

Put----uhmpt talaga!

Minsan talaga gusto kong pumatay...

Yung tipong kapag nakita ko ang taong iyon, tinitiigan ko siya tapos sa isip ko sinasakal ko na siya sa leeg.

Sa totoong buhay, humihinga pa siya pero sa imahinasyon ko, himlay na ang taong iyon.

Naiinis na ako sa pagiging kahoy ng pinsan kong 'to e.

Ang sobrang bait kasi, oh ayan!

"Halika nga rito." Sabi ko, mabilis naman siyang lumapit. Pinunasan ko ang luha sa kaniyang mga mata at niyakap siya.

"Flame, hindi naman kasi lahat ng taong dumarating sa buhay mo ay dapat palagi mong pinapasok...Hindi naman kasi lahat nag-s-stay. Kailangan mong humanap ng deserving para makuha ka. Hm?" Hindi siya umimik at tanging tango ang sinagot sa akin.

Hay nako talaga...

Kaya ayokong magmahal e. Ayoko munang dumating ang tamang tao para sa'kin.

Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na inlove na inlove sa isang tao.

Hindi ko kayang makita ang sarili ko na masaktan, maging martyr at maging baliw sa pagmamahal.

Sana yung tamang tao para sa'kin, huwag muna siyang dumating sa buhay ko.

Masyado pa akong abala. Hindi ko pa siya kailangan sa ngayon. Marami pa akong pinagkakaabalahan.

___

"Boi...Pagod na ako... Bakit palagi na lang ganito? Yung... yung taong pinahalagahan ko ng buo ay pinaglalaruan lang pala ako?" Umiiyak na saad sa akin ni Augustine.

Yinakap ko siya at pinatahan.

"Hushh... Binalaan na kita diba? Ingatan mo yang puso mo, minsan kasi nagiging kahoy ka na inaanay na, nagiging marupok. Huwag kang magtitiwala agad, may mga tao kasing puro lang naman salita, wala naman sa gawa."

"Mali ba? Mali ba ang mahulog sa isang tao?" Tanong niya. Mabilis ko siyang inilingan at nginitian ng mapait.

"Alam mo namang walang mali doon, hindi ba? Pero huwag mo lang lulubusin, magtira ka ng para sa sarili mo. Example, sa 100% na pagmamahal. 20% sa magulang mo, 20% sa taong mahal mo, 10% sa kaibigan mo, pero dapat 50% sa sarili mo. Mas madami dapat ang pagmamahal mo sa sarili mo bago sa ibang tao. Kasi paano ka nila mamahalin ng buo kung hindi mo kayang mahalin ng sapat ang sarili mo?" Sabi ko, mabilis naman siyang ngumiti at napabugtonghininga.

After The Rain [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora