014

120 17 21
                                    

MICHAEL

Dali-dali akong pumasok sa opisina upang sundan si Augustine.

Naabutan ko siyang nakayoko sa mesa at halatang umiiyak.

I'm sorry kung nasigawan kita. Hindi ko na napagilan ang aking sarili kanina.

Gago ka kasi, Khael!

Gago ka! Tignan mo oh, nasaktan mo siya ng hindi mo namamalayan.

"Augustine...I'm sorry, baby. I didn't mean to do it. I'm sorry." Tawag ko sa kaniya at himawakan ang ulo niya at hinagod ang kaniyang buhok.

Tahimik lamang siyang umiyak at hinayaan akong hagurin ang buhok niya.

"Forgive me, please? I'm so sorry, baby." Malambing at  kinakabahan na sabi ko.

"Sino si Kezia? Ano mo ba siya? Sino ba siya sa buhay mo? Sino ba siya sa buhay ko?" Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ko sa buhok niya at humarap sa akin habang mugto ang mga mata.

"S-she's n-no one. Don't mind her. Baby, please?" Tinignan niya lang ako ng walang impresyon at dahan-dahang tumango.

Tumulo na rin ang luha sa aking mga mata.

My innocent beloved.

I'm so sorry...

*Ring *Ring

Napalingon ako sa cellphone ni Augustine na tumutunog.

Unregistered number

Akmang kukunin ni Augustine ang cellphone niya upang sagutin ang tawag ngunit naunahan ko siyang makuha ito.

Tignan ako ng masama nang ako ang sumagot sa tumatawag sa kaniya.

Hinayaan kong yung mismong tumawag ang unang mag-salita sa telepono.

"Kumusta ka na, Abias? Nagustohan mo ba ang patay na ahas na regalo sa'yo? HAHAHAHHAHA. Pareho kayo ng ahas na iyon. Nararapat ka ring mamatay." Sabi sa kabilang linya.

Putangina!

Hindi ko makilala kung kaninong boses ito. Masyadong namamaos. Nirecord ko ang boses ng tumawag, lagot ka sa'kin kapag nakita kita.

Hinayaan kong naka-speaker ang tawag upang marinig ni Augustine.

"Ba't hindi ka sumasagot? Gusto mo patay na linta naman?"

"Who's this?" Kalmadong sabi ko habang nakatingin kay Augustine. Nakita ko ang alala sa kaniyang mga mata.

"Eh tangina! Ikaw sino ka?"

"What do you think?"

"Sino kang deputa ka? Ibigay mo kay Augustine ang telepono! Hindi ikaw ang gusto naming makausap!"

"Ayokong ibigay sa kaniya ang telepono. Gusto kitang kausap at wala akong pakialam kung ayaw mo kong kausapin. Ikaw mag-adjust."

"Toott toott"

Aba't!

Walang manners ito ah.

Kinakausap ko pa't!

Binabaan na agad ako ng telepono.

Mga lintik na ito. Subukan lang nila. Ako mismo babasag ng mga bungo nila.

Lumingon ako kay Augustine na nakayoko.

"Kailan pa ito nag-simula? Kailan ka pa nila natunton rito?" Tanong ko.

"Simula nang araw na nag-apply ako ng trabaho sa inyong kumpanya." Napatampal ako sa aking noo.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now