022

94 10 5
                                    

AUGUSTINE

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko sinang-ayunan ang batang ito sa harapan ko.

Dito ako ngayon sa bahay nina Loving matutulog.

Gusto kong makasama ang anak niya.

"Mama, dito ka lang po diba? Hindi ka na aalis?" Napangiti ako at tinaguan na lang siya.

"Oo. Kaya matulog ka na. Babantayan ka ni Mama." Lumawak ang ngiti ni Dustine. Inalis niya ang kumot niya at lumapit sa akin upang yakapin ako.

"Mama, huwag niyo po akong iiwan
ha?" Tila nasaktan ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam pero nasaktan ako, oo. Apektado ako sa sinabi nang batang ito, lalo na nang sabihin niyang huwag ko na siyang iiwan.

"Sige 'nak. Dito lang si Mama. O siya, tulog na. Tutal nakainom ka naman na ng gamot mo, mas mabuti pang magpahinga ka na nang gumaling na iyang lagnat mo."

Ngumiti siya sa akin ng matamis at tinanguan ako.

"Opo." Nahiga na siya sa kaniyang tulugan habang ako naman ay nasa gilid ng kaniyang kama.

Nang makatulog na si Dustine ay hinimas ko ang buhok nito habang tahimik akong nagbabantay sa kaniya.

Ang gaan ng pakiramdam ko tuwing kasama ko ang batang ito.

Tahimik kong pinagmasdan ang natutulog na si Dustine.

Naisipan kong lumabas muna sandali ng kwarto at hanapin si Lavine.

Hinalikan ko sa noo si Dustine at nang akma na akong lalakad papunta sa pintuan ng kwarto niya upang hanapin ang Tatay niya ngunit nasa gilid pala ng pinto si Lavine at nakasilip.

Patagong pinagmamasdan ako, nang makita niyang nakita ko na siya sa likod ng pinto ay pumasok siya sa kwarto ni Dustine at tahimik na lumapit sa akin upang halikan ako sa noo.

Nilapitan niya rin ang anak niyang mahimbing ang tulog at hinalikan ang noo nito.

"Pasensya ka na. Makulit talagang bata si Dustine." Ani niya.

"Ayus lang naman. Akala ko nga susungitan ako niyang anak mo." Natatawang sabi ko.

"Akala mo lang iyon." Sabi niya sabay kindat.

Huwag mo kong makindat-kindatan dyan.

Tusukin ko yang mata mo.

Ba't ganun kahit hindi niya naman ako inaakit, naakit ako?

"Loving, ahm ano." Biglang sabi ko.

"Hm? What is it baby?" Hinilig niya ang ulo sa balikat ko habang nasa gilid kami ng kama ni Dustine at nakaupo.

"Maari ba akong magtanong ng mga bagay ng tungkol sa anak mo?" Tila nagulat siya nung una sa sinabi ko hanggang sa ngumiiti ito at tumango.

"Tungkol saan ba? Ano iyon?"

"Turning four na siya diba?" Tanong ko pabalik. Mabilis niya naman akong tinanguan.

"Nga pala, anong buong pangalan niya? In-adopt mo na ba siya ng tuluyan bilang anak mo? Diba ampon lang siya?" Alanganin naman siyang tumango.

"Hmm...He's Dustine Levilyx Abias Glovo." Seryosong sabi niya.

"What? Come again?" Gulat na sabi ko.

"Pina-adopt ko na siya at ginamit ko ang s-surname mo at s-surname ko. Sa ganung p-paraan ay tunay na a-anak na natin siya."
Nahalata kong kinakabahan siya ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang ito.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now