023

93 10 5
                                    

MICHAEL

"Khael, kailangan niyo nang maikasal ni Kezia. Nang may makatulong ka na sa pagpapaayos ng kumpanya mo. Mayaman ang pamilya nila. Siguradong matutulungan ka niya." Narito ako ngayon sa Mansion namin. Sa bahay nina Mommy at Daddy.

Kausap ko si Mommy at Daddy.
Narito rin ang mga magulang ni Kezia pati na rin siya.

Pinapainit nila nang subra ang ulo ko.

"Mom, kahit kailan hindi ko papakasalan ang babaing 'yan!" Galit na sabi ko habang matalin na nakatingin kay Kezia.

Akmang tatayo ang Tatay ni Kezia upang sugurin ako, buti na lang at pinigilan siya ng asawa niya.

"Dahan-dahan ka sa pananalita mo, Michael! Baka madungisan yang pagmumukha mo!" Saad ng Tatay ni Kezia.

"Dahan-dahan ka rin sa pananalita mo, Killua. Baka nakakalimutan mo, narito kayo sa pamamahan ko. Huwag mong tatangkain na saktan ang anak ko dahil siguradong hindi na kayo makakalabas ng buhay rito." Biglang sabat ni Daddy.

Hindi ko inaasahan na sa akin si papanig.
Nang lingunin ko siya ay seryoso lang siyang nakatingin sa tatay ni Kezia habang ang ama naman nitong si Killua ay nanahimik na lamang dahil sa sinabi nang aking ama.

"Akala ko ba Jace ay mahal nitong anak mo ang anak ko?" Tanong ng Tatay ni Kezia.

Fvck! Kahit kailan hindi ko minahal yang anak mo. Mawalang galang na ho.

Gusto kong magsalita ngunit nanatili na lang akong tahimik.

"Kung mahal siya ni Michael, bakit ayaw siyang pakasalan nito?" Tanong ni Daddy sa kanila habang si Mommy naman ay nakaalalay sa Tatay kong inis na.

Mukhang hindi gusto ni Daddy ang klase ng pakikitungo ng pamilya ni Kezia.

Eh sino ba naman kasi ang magugustohan ang ganitong klase ng pamilya. Mayabang at masyadong hayok sa kapangyarihan lalo na't sila ang klase ng pamilya na ayaw sa lahat ang nalalamangan.
Hindi marunong makuntento sa kung anong meron sa kanila.

"K-kaya po ayaw pa akong pakasalan ni Khael kasi nag-away kami. Tinago ko kasi sa kaniya na buntis ako at siya ang ama." Napalingon kaming lahat kay Kezia sa biglang pagsabat niya sa usapan.

"Seriously, Kezia? Ganiyan ka na ba kahibang?" Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kaniya.

"Ganiyan ka na ba kahibang makuha lang ako?" Galit na dagdag ko.

"Anong ibig mong sabihin, Kezia?" Nag-aalalang tanong ni Mommy kay Kezia.

Huwag kang papauto dyan, Mommy.

Hindi ko nabuntis yan. Lalo na't kahit kailan hindi kami nagtalik.

Halikan niya nga lang ako ay diring-diri na ako sa sarili ko. Lalo na sa kaniya. Nangdidiri ako!

Dinaig niya pa ang sawa makapulupot.

Nagulat kaming lahat nang biglang umiyak si Kezia nang makita niyang nag-aalala si Mommy sa kalagayan niya.

"Tita Mikaela, Buntis po ako. Nagbunga po ang nangyari sa amin ni, Khael." Umiiyak na sabi ni Kezia.

Paawa ang kingina.

"Kalokohan! Mommy hindi totoo 'yan!" Ani ko.

"Huwag mo nang ipagkaila, Khael. Ganyan na ba kalaki ang galit mo kay Kezia nang hindi niya sinabi sa iyonh buntis siya? Khael magiging lola na ako! Pinakauna ko pa naman 'yang apo sa iyong unico hijo ko. Ang unica hija kong si Ate Michelle mo ay may mga anak na rin. Ikaw kailan ka pa mag-aasawa? Tumatanda ka na anak." Sabi ni Mommy.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now