012

131 19 9
                                    

MICHAEL

Pagkatapos naming kumain sa loob ng restaurant ay lumabas kami at naglakad-lakad.

Pasimple kong hinawakan ang kamay niya habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo sa labas ng The Carmen.

Nang maabot ko ang kaniyang kamay ay agad siyang napatingin sa akin at muling ibinalik ang tingin sa kamay naming magkahawak.

Ang sarap sa pakiramdam nang ganito. Naglalakad kaming magkahawak ang mga kamay.

"Kumusta ka na?" Biglang tanong ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na iyon. Marami ang nais kong ipahiwatig sa kaniya. Nais ko ring malaman ang kalagayan niya.

Sana kahit ngayong araw lang, huwag niyang isipin na boss niya ako at empleyado ko lang siya.

"I'm doing good, Loving. How about you?" Saad niya.

"I'm not feeling well." Sagot ko.

Augustine hindi ko na kaya lalo na't narito ka na.

Hindi ko na kaya. Sumama ka na sa akin mahal ko. Ayaw ko nang mawalay ka pa sa akin at malagay sa panganib.

Napapagod na akong magpanggap sa likod ng maskara.

Sa paraan na ganito, gusto kong mapalapit nang subra sa iyo. Gusto kong sa tahanan ko na lang ikaw mamalagi.

"Hala? Bakit?" Tarantang tanong niya.

"Aatakihin na ata ako sa puso." Putchang palusot yan, Khael.

" Nako lintik! Hintay tatawag na ako ng ambulansy----" Inakay ko siya papalapit sa akin at mabilis na hinalikan siya sa pisngi, sa noo at sa tungki ng ilong.

"Mahal pa rin kita." Nakayokong saad ko.

"Anong sabi mo sabihin, Lavine?" Nakatungong ani niya.

Mabilis ko siyang niyakap at hinalikan ang kaniyang ulo.

"Gustong-gusto kita." Tanging usal ko.

"Paano iyon nangyari? Kakakilala lang natin noong nakaraang buwan?" Tanong niya sa akin.

"B-bakit a-ako?" Dagdag niyang tanong.

"Bigla nalang nangyari sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Basehan ba ang maikling panahon upang hindi kita magustohan? Augustine, bakit hindi ikaw diba? Why not kung ikaw lang naman?" Nanginginig ang kamay ko habang sinserong nagsasalita.

"Gusto kita...at kung kwenikwestyon mo man ang nararamdaman ko para sa'yo dahil maikling panahon pa lang tayong nagkasama ay gusto na agad kita. Hayaan mo akong patunayan sayo na gusto kita at iparamdam sa'yo ang nararamdaman ko. Payagan mo akong patunayan sa'yo ang sarili ko. Dust Augustine Abias...nakikiusap ako sa iyo, pwede ba?" Hinawakan kong muli ang kamay niya at hinaplos ito.

Nang tingnan ko siya ay seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang kaniyang reaksyon. Ang hirap niyang basahin.

Nanatilili lamang siyang tahimik, nang akmang ibubuka niya ang bibig ay agad niya itong ititiklop at iiling.

"A-augustine...pwede ba?" Muling tanong ko.

Seryosong tumingin siya sa akin at kumikinang ang mata.

Umiling siya, kinabahan ako roon.

Payagan mo ako mahal ko.

"H-hindi...h-hi-n-ndi ako makapaniwala. Parang lumundag ang puso ko sa narinig ko sa iyo, yung tipong hindi ko maintindihan ang sarili ko. Yung tipong gusto kong umiyak." Umiiling na saad niya habang iniiwas ang paningin sa'kin.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now