033

63 6 3
                                    

⚠️Warning: Rated SPG! Read at your own risk!

____

AUGUSTINE

"Betty, Cadigail...kilala niyo si Michael diba?" Mahinang tanong ko sa dalawang pinsan ko.

Tinignan lang ako ni Cardigale ng walang emosyon at hindi umimik.

Nang lingunin ko si Betty ay naka-earphone ito at nakatingin sa labas ng bintana na yung tipong walang pakialam sa nangyayari, basta nakikinig siya ng kanta.

Nilapitan ko si Betina at tinanggal ang earphone sa tainga niya na siyang ikinalingon niya sa akin.

"Oh boi?" Ani niya

"Kilala mo si Michael diba?"

"Huh? Ba't mo naman naitanong ang tungkol sa lalaking iyan?"

"Sagutin mo muna ang tanong ko...Miles Betina, please..."

"Oo, kilala ko siya. Siya yung dating boyfriend mo diba? Tapos naging boyfriend mo ulit ngayon? I am right? or left?"

"So...alam mong siya ang dating boyfriend ko noon?" Gulat na tanong ko.

"Huh!? Hala! Ah...e...Oo." Mahinang sabi niya na siyang ikinanginig ng kamay ko.

"I-ikaw Cardigail? Alam mo rin ba nung magkwento ako na naging boyfriend ko ang boss ko na si Lavine Michael Montenegro Glovo ay alam mong na siya ang dating kasintahan ko noon?" Utal-utal na tanong ko kay Flame.

Mabilis itong tumango sa akin at nag-iwas tingin.

"B-bakit hindi niyo sinabi sa'kin? Nasi Khael sa panaginip ko at si Loving! Ay iisang tao lang!" Galit na sabi ko.

"Sasabihin naman talaga namin kas---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Flame, naiirita ako.

"Bakit kayo pa ha! Flame? Betina? Pati ba naman kayo? Kailan niyo sasabihin? Kung kailan ngayong nakakaalala na ako?" Usal ko.

"Miss Abias! Calm down." Nilapitan ako ni Dra. Valermo at giniya pabalik sa upuan na katabi niya.

"Augustine...calm down." Nilingon ko ulit ang dalawang pinsan ko at tinignan sila ng walang emosyon.

Bakit sa lahat ng tao sila pan dalawa?

Sila na lang ang natatanging kakampi ko.

Masama ang loob ko sa kanilang dalawa.

Pati pala sila ipinagkait rin sa akin ang katotohanan.

"Shh...calm down. Everything will be alright. Ikalma mo ang sarili mo. Alalahanin mo ang mga masasayang pangyayari noon at kung naalala mo pa ang mga napanaginipan mo ay isipin mo. Dahan-dahan mong alalahanin. Kapag sumasakit na ang ulo mo, magsabi ka agad ha? Kailangan mo rin muna yang ipahinga. Alam kong malakas ka, Ms. Abias. Napapahanga ako sa angking lakas ng loob mo. Makakaya mo ito. Huwag lang susuko sa hamon ng buhay, hm?" Mabilis kong tinanguan si Dra. Valermo at ikinalma ang sarili ko.

Inalala ko ang mga larawan ni Loving sa isipan ko. Ang mga ngiti niya nang mga araw na kami pa. Ang mga tawa at halakhak niya sa tuwing napipikon ako sa biro niya.

Bigla na lang nag-poop up sa akin ang mga pangyayari na siyang ikinangiti ko ng mapait.

I don't know if this is just a date or something.

Ang engrande naman nitong date na 'to.

Naglalakad ako ngayon sa red carpet at kinukuha ang bawat rosas na nakalagay sa sahig.

May ibinigay kasi na sulat sa akin iyong isang waiter at nakalagay roon sa sulat na kunin ko raw bawat rosas na madadaanan ko na nakakalat sa red carpet. So...ano pa nga bang magagawa ko. Kaya't sinunod ko na lang ang pakulo ng boyfriend ko.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now