007

150 33 15
                                    

MICHAEL

"Hoy, ikaw babae! Ikaw ha! Bida-bida ka!" Bungad sa'kin pagkarating ko sa opisina.

Nanatili akong nakatayo malapit sa kanila. Hindi nila nahalatang narito na ako sapagkat masyado silang abalang pagkaisahan ang aking sekretarya.

Naabutan ko roon na abala ang mga empleyado ko na pagkaisahan si Augustine. Ngunit isa lang ang nangungunang na awayin at sigaw-sigawan siya. Si Ruthchie, isa sa mga empleyado kong may gusto sa akin.

"Dust Augustine Abias? Abias pala ang apilyedo mo eh bakit ka nagtatrabaho rito? Kalaban ng kumpanyang ito ang kumpanya niyo. Siguro ampon ka lang sa inyo nu?" Saad rin ni Ruthchie. Tahimik lang si Augustine na nakatingin sa kanila.

"Tingin mo magugustohan ka ni Sir? Hindi ka niya type! Tandaan mo yan!" Nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Lira, isa rin sa mga empleyado ko. Kung sinong pagsasalitaan ng masasamang salita si Augustine ay siyang isisesante ko. Wala kayong alam.

Kung hindi ka lang babae, kanina ka pa nakabulagta sa sahig.

"Oh? Ba't hindi ka makapagsalita? Pipi ka ba Ms. Abias?" Matarang na tanong ulit ni Ruthchie.

"Yung tipong hindi ka na nga maganda. Tapos napaka-kitid pa ang utak mo." Biglang sabi ni August.

"Aba't!" Akmang sasampalin ni Trisha si Augustine buti na lang at nahawakan agad ni Augustine ang kamay nito.

"Utang na loob. Maging mait ka naman! Pati ka na rin Ruthchie at Trisha, mga animal kayo!" Inis na sabi ni Augustine at umalis na.

"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ni Ruthchie.

Nang makaalis na si Augustine. Nagsibalikan na sa kani-kanilang trabaho ang mga empleyado ko.

Nagulat ang mga ito pagkalingon sa direksyon ko.

"Ay Sir, nariyan ka pala." Pabebeng sabi ni Lira.

"Lira, Ruthchie at Trisha. Umalis na kayo sa kumapanyang ito." Malamig na sabi ko.

"Po?" Tanong ni Trisha.

"You're fired! Isama mo na iyan sina Ruthchie at Lira." Inis na saad ko at akmang aalis na.

"Sir...maawa po kayo, kailangang-kailangan ko po ng trabaho. May sakit po ang magulang ko, kailangan po namin ng pera." Nagmamakaawang sabi ni Ruthchie.

"Maawa? Kailangan ko bang maawa sa isang katulad mong walang respeto? Pasensyahan na lang tayo, Ms. San Jose. Hindi ko kailangan ng empleyado na may walang kwentang pag-uugali." Umalis na ako at iniwan sila roon.

"Ayan kasiii. Nakow ngayown na nga lang napansin ni Sir, kung kailan sinisante pa sila. Mga talandi kase! Buti pa akes, ganda lang." Rinig kong maarteng sabi ng isa sa mga staff ng kumpanya na si Maui.

"Hindi naman si August ang bida-bida at sipsip. Minsan yung mga taong nagpaparinig sa ibang tao, sarili lang din naman nila ang tinutukoy nila dun. Tulad na lang nina Trisha, Ruthchie, at Lira." Saad din ni Rys nang dumaan ako sa pwesto nila.

Mga marites din ang mga ito eh.

Pagkarating ko sa opisina ko, naabutan ko roon si Augustine na subrang abala sa kaniyang trabaho.

Nang makita niyang narito na ako, agad siyang ngumiti.

"Magandang morning, Loving!" Masiglang bati niya.

Ewan ko ba kung bakit nakangiti pa rin siya sa kabila ng pangyayari kanina.

Parang wala lang sa kaniya ang kutyain siya.

After The Rain [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang