015

114 18 9
                                    

MICHAEL

"Nagbibiro lang nga ako!" Magiyak-ngiyak na sabi niya.

"So, biro lang pala sa'yo lahat ng sinabi mo kanina?" seryosong tanong ko.

"Ahm...oo." Ani niya na siyang ikinainis ko.

So, pinagtitripan mo lang ako, all this time?

"Oo, maliban doon sa inamin ko na gusto kita." Biglang lumiwanag ang mata ko.

Gusto kong lumundag sa tuwa.

Sana nga tama ang hinala ko, Augustine.
Maaring nakalimutan mo na ang katauhan ko. Pero kahit kailan hindi mo makakalimutan ang nararamdaman mo para sa'kin.

Sana nga...

Palagi kong hiling sa may kapal na sana...
Sana kilala pa rin ako ng puso mo.

Lumapit akong muli sa kaniya at hinalikan siya sa ulo.

"I love you." Malambing na sabi ko.

Napangiti naman siya at tumango.

Bigla niya na lang pinisil ng malakas ang pisngi ko kaya't tinignan ko siya ng masama na siyang ikinatawa niya.

"Let's have a date!" Suhestiyon ko.

"But Loving...may trabaho pa ako. Look oh!" Sabi niya sa akin at itinuro ang mga papeles na inaayos niya.

"Come here, baby. Magpahinga ka naman. Kanina ka pa kakagawa niya."

"Marami kasing aplikante. Tsaka Loving kailangan ko nang matapos ito nang mapirmahan mo na."

"Hindi dahil boyfriend kita o boyfriend ko ang may ari ng kumpaniya ay maari na akong magpachill-chill lang. Syempre responsibilidad ko pa rin ang magtrabaho ng matino at maayos." Dagdag niyang sabi. Napangiti ako at tinapik ng mahina ang ulo niya.

Naglakad ako papalapit sa kaniya at tumayo sa likod niya. Bigla ko siyang niyakap sa likod.

"Magpahinga ka naman. Baka magkasakit ka na niyan. Balita ko sa iilang empleyado, nagpupuyat ka raw kakaayos ng mga ito." Sabi ko.

"Kahit huwag ka na nga magtrabaho sa'kin. Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Sisiguraduhin ko naman na magiging asawa kita  sa tamang panahon. Kahit ilang dosena pang bata ang maging anak natin. Huwag lang mag-alala. Kayang-kaya ko naman iyang buhayin." Usal kong muli.

"Siraulo! Boyfriend pa nga lang kita. Pati magiging anak natin, pinagpaplanuhan mo na."

Aba oo naman!

Kung alam mo lang.

May anak ka na't lahat-lahat ang sexy mo pa rin.

"Kasama ka sa lahat ng plano ko. Sabay natin iyong tutuparin. Samahan mo akong buohin ang mga plano ko at pangarap ko sa buhay. Kasi alam m-mo, isa ka sa pinapangarap ko." Saad ko sa kaniya.

"Paano mo ako naisingit? Eh sa dinamirami nga ng pangarap mo?"

"Mas mahalaga ka sa lahat ng iyon."
Mas mahalaga kayong dalawa ni Dustine. Gusto ko sanang iusal kaso huwag na.

"Ahm...Loving may tanong ako." Bigla niyang sabi.

"What is it baby?"

"Wala ka ba talagang naging ex-girlfriend? O kahit man lang plinanong pakasalan nang hindi arrange marriage? Kahit nagustohan na ibang empleyado? Ang gaganda kaya ng mga empleyado sa kumpaniya mo. Imposibleng wala kang matipuan sa mga iyon."

Ikaw lang, Augustine.

Walang iba, ikaw at ikaw lang.

Plinano kong pakasalan ka noon. Kaso hindi nangyari. Sana ngayon, matupad na.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now