016

111 17 8
                                    

MICHAEL

"Baby, you still there?"

"Yeah-yeah, pakihintay na lang ako sa labas ng bahay ko. "

"Naihanda mo na ba ang mga gamit mo?"

"Aba malamang! Ikaw? Nasa'n ka na?"
Ayan na naman po siya. Sinusumpong na naman.

"Nasa labas ng bahay mo." Sabi ko sa kaniya habang magkausap kami sa telepono.

"Wews! Hintay lang, Loving. ---Heto na papalabas na ako ng bahay." Rinig ko ang yapak ng paa niya sa telepono. Mukhang papalabas na nga siya ng bahay.

Nang makita ko siyang papalapit sa akin. Napangiti agad ako.

Ibinaba niya ang telepono nang kaharap na ako. Binaba ko na rin ang aking telepono at pinutol na ang tawag. Magkaharap naman na kami.

Kinuha ko ang maleta na dala niya at inilagay sa likod ng kotse ko.

"Lahat na ba ng gamit mo narito na?" Tanong ko sa kaniya.

"Malamang wala pa lahat. Hindi na kakasya sa kotse mo lahat ng yun kapag lahat ng gamit ko sa bahay ay dinala ko. Mga importanteng bagay lang nariyan."

"Okay. Let's go." Ani ko at pinagbuksan siya ng kotse nang makapasok na siya sa loob ay sinarado ko na ito at naglakad papunta sa driver seat.

Sa may mansion ko na sa Makati siya ngayon titira. Hindi ako mapapanatag kapag nasa bahay na tinutuluyan niya pa rin siya ngayon mananatili.

Hinawakan ko ang kamay niya habang nagbibiyahe kami.

Gagawin ko ang lahat para maging ligtas ka.
Kahit magpatayan na.

Nabigla siya ng hawakan ko ang kamay niya.
Umiling siya sa akin at lumapit. Hinawakan niya ang noo ko at humarap muli sa akin.

"Loving...may lagnat ka. Paki-tigil ang kotse sa may Convenience Store. Bibili ako ng gamot." Tarantang sabi niya at tila may hinahanap sa bag.

Napabahing ako sa kalagitnaan ng aming biyahe.

"Asan na ba kasi iyon!" Inis na sabi niya sa sarili.

Nilingon ko siya.

"What's problem baby? Anong hinahanap mo?"

"Mag-drive ka lang. Pakibilisan bibili tayo ng gamot mo." Asar na sabi niya sa akin.

Na-miss ko ang pagiging ganito mo sa akin, Augustine. Ang pagiging maalaga mo.

Ngayon na naman kita nakita na ganito. Tarantang-taranta tuwing magkakasakit ako.

Gusto kong dumating rin ang araw na nakikita ko na inaalagaan mo ang anak natin. Nariyan ka palagi para sa kaniya.

Sana dumating ang araw na maiparamdam mo rin sa kaniya ang pagmamahal na hinahanap-hanap niya. Sana maiparanas mo sa kaniya ang pagkalinga at pag-aalaga mo.

"Hay salamat! Nahanap rin kitang depungal ka." Malakas niyang sabi na siyang ikinalingon kong muli sa kaniya.

Isang bottled water pala ang hinahanap niya sa bag niya.

Akala ko kung ano. Akala ko pa naman baka may naligaw na sawa sa bag niya. O di kaya naligaw na daga.

Nang makarating kami sa may convenience store ay mabilis kong ipinarada ang kotse sa paradahan.

Bumaba naman agad siya ng sasakyan.

"Dyan ka lang! 'Wag kang lalabas! Nako! Sinundo mo pa ako, may lagnat ka pala. Abnormal na 'to. Dyan ka lang, baka lumala yang lagnat mo." Bilin niya sa akin at nanermon pa.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now