010

133 25 14
                                    

MICHAEL

Nasa may Cafe Valiente  kami ngayon ng mga kaibigan ko. Naisipan naming gumala ulit at napunta kami rito.

"Pre nababaliw na ata ako." Sabi ko kay Caspian.

"Matagal ka naman nang baliw." Seryosong saad niya, tinignan ko siya nang masama na siyang ikinatawa niya.

"Pukingina mo."

"Khael! Ilugar mo sabi 'yang pagmumura mo eh." Sita na naman ni Luis.

"Edi pukingina mula Tawi-tawi hanggang sa inyo."

"Oh? Ba't kami nadamay? Aba't!" Usal ni Klent na akma akong sasapakin.

Inirapan ko lang ito na siyang ikinatawa nina Luis.

"Putcha! Nababakla ka na erp." Pang-aasar ni Caspian sa akin.

"'Ngina mo."

"Pikon na Khael niyo HAHAHA. Ganiyan ba talaga kapag broken?" Sabi ni Luis.

"Tamo nagiging baliw kaibigan natin." Dagdag ni Klent.

"Gags." Ani ko.

Napatingin kami kay Caspian na biglang natahimik.

"Pre...hindi niya na ako mahal." Biglang sabi ni Caspian, ewan ko nga ba kung matatawa ako o ano. Malay ko ba, baka nag-iinarte lang ang isang ito.

Lintik na pag-ibig.

Alam naming lahat na hanggang ngayon hindi pa rin si Caspian nakaka-move on kay Athena, kaya heto si gago. Patuloy na nagpapakatanga.

"Kapag ayaw sa'yo, huwag mo nang ipilit. Hindi sikat maging tanga pre! Huwag kang maki-uso." Sabi ni Klent kay Caspian.

Mga gonggong na Klent at Luis na ito, naway lahat sa kanilang dalawa na mayroong healthy relationship.

When kaya 'no?

"Hindi ko na talaga babalikan si Athena. Ayoko na. Nakakapagod. Hinding-hindi na ako babalik sa babaeng iyon."

"Puro ka lang naman salita, Caspian. Wala ka naman sa gawa." pahayag ko.

"Pareho lang tayo, Khael. Ulol!" Pinakyuan ko na lang siya. Letcheng ito, igagaya pa ako sa kaniya.

"Pakyu!"

Pero totoo nga naman. Sabi ko noon kakalimutan ko ma si Augustine at mamumuhay ng mag-isa bilang single Dad.

Bubuo ng pamilya ng mag-isa. Bubuo ng masasayang ala-ala kasama si Lyx kahit wala na siya.

"Ikaw Khael? Musta na? Hanggang kailan mo gustong itago si Lyx sa lahat, pwera sa aming mga kaibigan mo?" Tanong ni Luis.

"Hanggang sa makakaya ko. Pingungunahan ako ng takot na baka hindi tanggapin ni Augustine na may anak siya at baka iwan niya ako kapag nalaman niya na ang lahat."

"Face your fears, erp. Kaya mo 'yan." Pahayag ni Klent, agad akong napailing.

Hindi madali. Para kasi sa inyo...siguro madali lang gawin ang mga bagay na ito. Ngunit mahirap, hindi niyo ko maiintindihan dahil hindi niyo alam ang pakiramdam at anong klaseng paghihirap ang nasa posisyon ko.

Nanatili na lamang akong tahimik katulad ni Caspian.

Tama nga sila, "face your fears". Madaling sabihin ngunit napakahirap gawin.

"Tiwala lang pre. Wala kang tiwala sa sarili mo eh. Magiging maayos din ang lahat" Sabi ni Luis at lumapit sa akin upang tapikin ako ng mahina.

"Psh! Hindi lahat ng naniniwala, walang tiwala. Minsan ayaw lang nilang umasa." Nakayokong ani ko at napahilamos ng mukha dahil sa pagkasiphayo.

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now