013

122 18 8
                                    

MICHAEL

"Oh pre napatawag ka?" Sagot ni Klent sa kabilang linya.

I want to cryyyy...

Pre! Nareject ako pota.

"Pre magkachat kami ni Augustine."

"Oh tapos? Ikaw ha! Huwag mo kong iingitin!"

"Sabi ko sa kaniya 'I love you'" Inis na sabi ko nang maalala ko ang pangyayari kanina.

"Anong sinabi sayo? Nag-I love you rin ba pabalik? Tangina maawa kayo, utang na loob. Nabibitter ako! Ansabi sa'yo? Sana minura ka niya."

Pwede ka nang kunin ni satanas, Klent.

Isa ka pa eh. Naiiyak na nga ako sa katangahan ko, pota.

"Sabi niya sakin 'ayan shabu pa'! Pre hindi nga ako nag-sa-shabu. Kingina naman oh, mukha ba akong adik sa may kanto? Pre sa gwapo kong 'to? Ang sama niya sa'kin." Mangiyak-ngiyak na sumbong ko kay Klent.

"Desurb hahahhahahah kinginang yan! Bagay nga kayong dalawa pag-untugin. Ikaw hindi maasar-asar, pikunin ka pa tapos childish. Si Augustine naman kalog at madaldal na minsan childish na may pagkamatured mag-isip. Anggulo rin ni Augustine minsan eh, minsan matino, minsan abno. Parang ikaw lang din. Bagay nga kayo."

"Taena mo! Dapat pala hindi na ako sa'yo tumawag. Akala ko pa naman mas maayos ka kausap kaysa kina Caspian at Luis. Putcha pre! May saltik ka rin pala."

"Pakyu. Ayan kasi may pa aylabyu-aylabyu ka pang nalalaman. Ako na lang mag a-I love you sa'yo. I love you pare. Mwa mwa!"

Kadiri ka Klent. Shuta.

"Pota pre. Yuck!"

"Arte mo. Bye na nga!"

"Toott toott." Lintik na yan, binabaan ako agad ng telepono.

Binalik ko na lang ang atensyon sa ginagawa. Napalingon ako kay Augustine na masyadong busy mag-ayos ng mga papeles.

Tangna! Ngayon ko lang naalala, narito pala siya sa opisina ko. Putcha vuvu mo Khael.

Wala na talaga, gusto ko na lang maging cabbage.

"Narinig ko 'yon, Sir." Nakangising sabi ni Augustine sa'kin.

"Tumigil ka nga kaka-Sir mo! Lavine sabi! este Loving nga kasi! Loving okay? Loving ngaaa!" Inis na sabi ko.

"Hahahaha okay sige, Sir Loving."

"Huwag mo kong inaasar Augustine. Baka mabuntis kita ulit dyan." Asar na usal ko.

"What? Nabuntis mo ko? Huh? What the heck!"

Huli na ng marealize ko ang pinagsasabi ko nang nakapag-react na siya.

What the fvck?

Nasaniban ka na ba ng masamang espiritu Khael? Parang wala ka ata sa katinuan.

"Nevermind" Ani ko.

Papalabas ako ng opisina nang nakalubong ko si Kezia sa labas na mukhang inaabangan ako.

"Hey babe! How are you? Can we have a dinner tonight? I miss you so bad!" Sabi niya habang nakapulupot ang dalawang braso sa akin.

Deputchang babae 'to! Dinaig pa ang sawa.

"I'm busy." Tanging sabi ko.

"Lagi ka na lang busy! Magpahinga ka naman babe...Hmm you know...baka magkasakit ka na niyan." Ani niya.

"Ba't ba  ang kulit mo!? Marami akong ginagawa! Pagod ako! Huwag mo nang dagdagan ang stress sa buhay ko! Tumigil ka nga, Ms. Ramirez! Tumigil ka sa kahibangan mo! Wala kang mapapala sa 'ki----" Sigaw ko sa kaniya ngunit na tigil ako ng lumabas rin si Augustine sa opisina at sinita ako.

After The Rain [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon