031

68 6 4
                                    

3 YEARS AGO [FLASHBACK]

Nang makuha na nina Klent si Baby Dustine dito sa Hospital ay saktong dumating na rin ang mga magulang ni Augustine.

Kakapasok pa lang ng Tatay niya sa Hospital ay akma ko itong babatiin nang bigla na lang ako nitong sinuntok.

"Dapat ay hindi ko na lang hinayaan na magkasama kayo ng anak ko! Napakapabaya mo, Khael. Walang kwenta!" Sabi niyang muli at sinapak ako habang nakatingin ako sa kaniya ng walang emosyon.

Napaiwas na lang ako ng tingin nang sapakin  niya akong muli at napahawak sa pisngi ko dahil sa hapdi ng kamay niya na tumama sa pisngi ko.

Well I deserve this.
I deserve this slap from her father.

"I'm sorry." Tanging saad ko.

"Anong magagawa niyang sorry mo? Maibabalik ba niyan sa maayos na kalagayan ang anak ko? Walang hiya ka!" Nang akma niya akong sasampakin ulit ay pinigilan na siya ng asawa niya, ang mommy ni Augustine.

"Honey, tama na." Sabi ng asawa niya ngunit ayaw nitong magpapigil.

Walang emosyon lang akong nakatingin sa kanila.

Kasalanan ko naman talaga, walang ibang dapat sisihin rito kundi ako.

Ako ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito sa anak nila. Ako ang dahilan kaya na-hospital siya ngayon.

Sana nga ako na lang ang nakahimlay dyan sa kama ngayon e.

Sana ako na lang ang naaksidente at hindi si Augustine.

Sa akin lahat ang sisi dahil sa pangyayari.
Tanggap ko naman na kasi at alam ko naman na kasalanan ko talaga.

"Layuan mo na ang anak ko, huwag ka nang magpapakita sa amin ulit. Lumayas ka rito! Mapapatay kitang hayop ka. Layas! Huwag na huwag ka nang magpapakita ulit. Kung sakali mang magpakita ka pa...hindi ako magdadalawang isip na idamay ang pamilya mo sa gulong dinala mo sa pamilya ko. Pinahamak mo ang anak ko!" Sigaw sa akin ng Tatay niya.

"Hindi ako rito aalis. Kailangan po ako ng anak niyo." Tanging sabi ko.

"Hindi ka niya kailangan! Umalis ka na rito! Bago pa mangdilim ang paningin ko sa iyo."

"Get out!"

Wala akong nagawa kundi umalis na lang sa loob ng kwarto ni Augustine.

Gustohin ko mang manatili pa roon at hintayin na magising siya upang ipaliwanag sa kaniya ang nangyari ay hindi ko magawa dahil baka kung ano pa ang magawa namin sa isa't isa ng tatay niya.

Gustong-gusto ko nang magising siya at ipaliwanag sa kaniya ang nangyari sa may bar na nakita niya sa amin ni Kezia. Gusto ko siyang suyuin at alagaan pero paano ko magagawa ang lahat ng ito kung mismong sarili ko ay kinakahiya ko na dahil sa ginawa ko sa kaniya.

Hindi ko sinasadya...hindi ko inaasahan...hindi ko ginusto.

Paano ako maglalakas ng loob na lumapit sa kaniya kung mismong pamilya niya ay kinasusuklaman ako?

Naglakad na ako papalabas ng Hospital dahil pupunta na ako ngayon kina Ate Michelle.

Hindi lang ako boyfriend o mapapangasawa niya. Ama na rin ako.

My son needs me too.

Ngunit naroon naman na ang magulang niya para damayan siya at alagaan siya.
Gustohin ko mang manatili pa ay huwag na lang.

Mainit ang ulo ng magulang niya sa akin.
Patuloy ang pagsisi nito sa akin sa nangyari kaya't hindi ko rin mapigilang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari.

After The Rain [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat