040

67 7 2
                                    

AUGUSTINE

Nakakatuwa na makitang masaya na ang isang tao na mahalaga para sa iyo.

Subrang saya ko para sa pinsan ko na si Flame.

Nakahanap siya nang lalaking mamahalin siya ng buo, bibigyan siya ng kumpletong pamilya at lalaking responsableng maging mabuting ama at asawa.

Ako kaya kailan? Hysttt plano ko na nga lang tumanda na lang na dalaga.

Ayus na yan. Masaya naman na ako sa kung anong meron ako ngayon.

Pero hindi ko mapigilang mainggit kay Flame at Betina.

Ang dalawa kong pinsan na masaya na sa lovelife nila.

Samantalang ako? Heto Sad Girl pa rin ata ng taon.

Nakakainggit...

Sana lahat sa kanila diba?

Well...well...well...

Narito ako? Ano pa nga ba?

Ang isang dilag na malapit nang malanta.
Mukhang tatanda na akong dalaga.

Galing nga pala ako ngayon sa Mall, bumili ako nang mga damit ni Dustine.

Papalabas ako nang parking lot nang biglang may nakabangga sa akin.

"Ano ba! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!" Inis na sabi ko sa nakangga sa akin.

Nang maamoy ko ang pabango ng lalaking nakabangga ko...pamilyar ang pabango niya.

Nang magtama ang aming mga mata, mukhang tama nga ang hinala ko.

"Baby..." Tawag niya sa akin.

Inirapan ko siya at mabilis na umalis sa harapan niya.

Letche! Panira nang araw.

Tumingin muna ako sa paligid nang masiguradong hindi ako sinundan ng lalaking nakabangga ko kanina.

Buti na lang at hindi niya na ako sinundan.
Huwag siyang pastalker kuno!

Hindi bagay sa isang manloloko ang ganun.
Letche siya.

Maaring siya ang naging sanhi nang pagkawasak ko.
Ngunit sisiguraduhin kong hindi siya ang magiging sanhi ng pagbagsak ko.

Matawagan na nga lang si Flame.

Babaita sagutin mo ang tawag ko please...

"Hm? Hello boi?" Sagot niya.

Hay salamat na kingina. Sumagot ka rin sa wakas.

"Kumusta ka na?" Tanong ko. Miss ko na ang babaita na ito eh.

"Huh? Kakapunta mo lang kanina dito sa bahay. Miss mo na ako agad? Wow nakakatouch naman. Ang bilis mo naman akong mamiss." Sagot niya sa kabilang linya.

"Ay kakapunta ko pa lang ba dyan kanina?"
Lutang ako. Pasensya naman.

"Malamang! Oh tanu ka na paapod?"
(Malamang! Oh bakit ka napatawag?'

"Trip ko lang. Tanu bawal kang apudan?"
(Trip ko lang. Bakit bawal kang tawagan?"

"May sinabi ako na habo ko?"
(May sinabi ba akong ayaw ko?"

"Wala."

"Iyon naman pala e. Nga pala nasa'n ka ngayon?"

"Nasa Mall." Simpleng sagot ko.

"Wahhh! Boiii bekenemen!"

Heto na naman ang isang buraot na ito.

"Mayu akong pirak."
(Wala akonh pera.)

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now